Ch. 3 - The three eggs

172 12 7
                                    

--x

Marahan kong sinusuklay ang mahaba at maitim kong buhok habang nakaupo sa kama. Nakatingin ako sa pader nang bigla kong naisip kung paano sumulpot sa buhay ako ang tatlong gwapong nilalang na iyon—parang nung isang araw lang ay kailangan ko lang manghiram ng libro at mag-aral sa bahay pero ngayon ay kinakabahan ako sa gagawin saakin ng lalaking nagnakaw ng first kiss ko—napahawak ako sa labi ko. Dito ba nag-umpisa ang lahat? Hindi. Dahil sa pagkaka-alala ko, ay may dalawang lalaki na humarang sa akin sa daan at may dumating pang isang lalaki at dun natapos ang lahat—iniwan nila ako sa daan nang maraming tanong. Pero hindi pa pala tapos, dahil kahapon nakita ko sila sa school at gumanti ako dun sa lalaking nagnakaw ng first kiss ko, si Dylan at ipinagtanggol naman ako ni Thunder at ngayon eto ako ngayon, kinakabahang pumasok sa napakaganda kong school kasi pinagbantaan niya ako.

'You can't go that easily Asherina Nicole Legazpi'

'You can't go that easily Asherina Nicole Legazpi'

'You can't go that easily Asherina Nicole Legazpi'

Kinakabahan ako, dahil kahit maganda ako, lalaki padin yon. Baka mamaya rape-in pa ako nung hinayupak na lalaki na yun. Bakit? Wala namang imposible dun dahil nahalikan niya nga ako eh. Nag-flashback nanaman sa utak ko lahat ng nangyari nung araw na yon hanggang sa nangyari kahapon. Biglang may nabuong mga tanong sa utak ko. Bakit nila ako kilala? Bakit nila ako hinatak noong isang araw at iniwan nalang na parang walang nangyari? Bakit kilala nila si Cassie at si Cassie ay hindi sila kilala? Ugh nakakabobong mag-isip. Napuyat ako dahil sa kakaisip tungkol sa mga bagay na yan. Napuya—waaaa! Ano napuyat ako?! Napabalikwas ako ng tayo ng madigest ng utak ko na napuyat ako at dali-daling humarap sa salamin.

"Waaaaaah!" inikot ikot ko yung mukha ko, may panibagong alien sa mukha ko! This can't be happening! Demonyitong lucifer na yon! Siya ang may kasalanan nito—kung bakit ako nagka-bed spacer sa mukha ko! Tinitigan ko yung dalawang pimples ko dahil baka sakaling malusaw at after 93730184 years nandon parin sila at ineenjoy ang pag stay sa napakaganda kong mukha. Pero may isa pa nga pala akong akong problema.—paano ko tatakasan si Dylan? 

 "Gosh!" Kinuha ko yung unan ko at saka ako sumigaw/ That guy is really Lucifer! He is so damn scary, the way he looks at me yesterday—pwe! Ano ba yan! Napapaenglish tuloy ako! Kinapa ko yung tissue sa gilid ng kama ko para punasan yung ilong ko at buti naman walang dugong tumulo. Okay magbalik tayo! Yung titig niya sakin kahapon bago ako nag escape sa harap nila parang sinasabi na 'I'll drag you to hell and you will not enjoy your stay there.' Hindi ba pwedeng mag-request na sa heaven nalang? Kasi gwapo naman siya, tapos mabango, tapos may mga muscles at mukha siyang yummy! What the hell Nicole! Ano ba yung iniisip mo? Tandaan mo dalagang pilipina ka at kailangan mong magisip kung pano ka makakatakas sa Lucifer na yun.

"Nicole! Nakabihis ka na bang bata ka? Malalate ka na sa school!" sigaw ni Mama mula sa baba at sa sigaw niyang iyon ay natauhan ako at napasabunot nalang ako sa sarili ko! Lechugas balak ko pa man ding unahan sila Dylan sa school para di nila ako abutan dahil natatakot talaga ako sa pagbabanta niya. Ugh! Nakakainis!

Dali dali akong pumunta sa banyo at naligo.. Nagshampoo ako, naghilod, nagsabon, kumanta, sumayaw, nag tumbling, nag cramping dahil sa sobrang taranta. Kung pwede lang sanang hindi na ko pumasok sa Schleiden High para hindi ko makita yung hinayupak na lalaki na yun kaso hindi pwede.. Paano na lang yung mga pumapasok ng school dahil sa akin? Eh di nawalan sila ng inspirasyon tapos baka bumagsak pa sila eh di konsensya ko pa sila? Pero natatakot talaga ko kay Dylan, promise! Akitin ko kaya? Eww joke lang.

Dali dali kong kinuha yung uniform ko at isinuot.. Natural naman, alangan naman kasing isubo ko yun diba? Tss.. Hindi ako pwedeng malate dahil kahit paano isa akong ulirang estudyante.. Agad kong kinuha ang bag ko at sa huling pagkakataon tiningnan ko sa salamin ang kagandahan ko bago ako bumaba.. Nagpunta ako sa sala para kunin yung susi ng kotse ko at kung minamalas ka nga naman nawawala yung susi!

MISSION: Killing MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon