Ch. 0 - The first kiss test

312 16 7
                                    

--x

Lumabas na ako sa mansiong kanina ay pinasukan ko na sobrang lawak at kung hindi mo alam ang pasikot-sikot sa labas at loob, panigurado, maliligaw ka. Well, hindi samin ang bahay na 'yan, pag-aari yan ng  bestfriend ko. Bakit ko nga ba dinedescribe sa inyo ang bahay niya?

Kaya ako pumunta sa kanila ay dahil nanghiram ako ng libro. Nawala ko kasi yung libro ko kaya dito ako pumunta dahil alam kong meron sila. Ang burara ko? I know. Kaya ito ako ngayon, papauwi palang kahit madilim na.

"Bye manong." Paalam ko sa guard at naglakad na uli ako. Alas-otso na din ng gabi pero heto ako, naglalakad. Eh sa wala akong perang pang-taxi eh. Pasalamat na nga lang ako dahil malapit lang ang bahay namin at pwedeng lakarin. Kung tatanungin niyo kung paano ako nakarating dito, hinatid lang ako ni kuya Tristan kaya libre pamasahe. Wala kasi sa bahay ang best friend ko kaya walang maghahatid sakin pauwi. Buti nga close kami ng parents niya kaya nakahiram akong libro. 

Tiningnan ko yung daraanan ko. Sobrang dilim. Medyo malayo ng din ako sa bahay nila Cassiopeia, yung bestfriend ko, pero tanaw ko pa din yung bahay nila dahil sobrang laki nga. Makapagtaxi nalang kaya? Nakakatakot kasing maglakad dahil iilan lang yung posteng may ilaw. Kaunti lang kasi yung mga nakatira sa subdivision na 'to. Alam niyo naman, para lang 'to sa mga mayayaman at kaunti lang ang mayaman sa Pilipinas. 

Wala akong makitang taxi dahil wala naman atang nadadaan dito kaya no choice kundi maglakad—kung wala lang talaga kaming long test bukas eh, hindi naman ako hihiram ng libro. Binilisan ko nalang maglakad para makauwi na ako. Sana makaalis na ako dito. Ang creepy kasi ng lugar na 'to—tumingin ako sa paligid, ang dilim! Buti nalang diretso yung daan. Napangiti ako dahil kapag ipinikit ko yung mata ko, hindi ko makikita yung nakakatakot na lugar na 'to. Hindi naman siguro ako mabubunggo kung dire-diretso lang ako diba? 

Ipinikit ko ang mata ko at naglakad nang mabilis habang nagcha-chant ng 'Makakaalis din ako!' Binilisan ko pa ang lakad ko para mas mabilis akong makalabas ng subdivision na 'to. Bakit ba kasi sobrang laki ng subdivision no? Labinlimang minuto na ata ako naglalakad pero nakakakalahati palang ata ako. Tumatakbo na ako ng mabilis nang biglang nauntog ako sa isang bagay at sa sobrang lakas ng impact eh napaupo ako sa sahig. 

Napahawak ako sa ilong ko dahil yun yung tumama, halos mapango ako, pinakiramdaman ko kung may dugo, buti wala. Tatayo na sana nang may marinig akong isang nakakatakot na tunog. Ito yung pinakakinatatakutan kong tunog sa ganitong lugar. 

*hik* 

Napatingin ako sa nabangga ko. Nanlaki ang mata ko, imbis na poste ang makita ko roon, isang lasing ang nakita ko. Napalunok ako at agad akong tumayo at tumakbo palayo pero sa pangalawang pagkakataon, bumangga na naman ako sa isang bagay, ah hindi, sa isang tao na naman. Hindi nga ako natumba pero nahawakan naman niya yung kamay ko. 

"The hell, Drake! Hindi ka mukhang lasing, mukha kang tanga. Right, miss?" Sabi nung nabangga ko dun sa lasing sabay ngiti sakin. Tumango-tango nalang ako bilang sagot sa tanong niya. Ngumiti pa siya nang mas malapad. "I'm Dylan." pakilala niya sa akin. 

"Ah, I'm Nicole." Pagpapakilala ko din. I gave him a slight smile. Sa totoo lang hindi naman sila mukhang masamang tao kaya di ako ganung kinakabahan at kung tama ako, siguro kasing edad ko lang sila. Although, hindi sila mukhang Filipino dahil sobrang puti nila. And this Dylan, kulay chocolate brown yung mata niya, napansin ko lang. 

"Yeah, we know. I'm Drake." Singit nung lasing na hindi naman pala. Tumingin ako sa likod ko para makita yung Drake with his bored look. Ngumiti din ako ng maliit sa kanya. "Let's go and end this. Inaantok na ako." sabi niya habang humihikab at nagkakamot ng batok.

MISSION: Killing MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon