Chapter 71 ✔

34.2K 464 97
                                    

"KEVIN MAX SANDERS!!" Sigaw ko tapos tumakbo ako papunta sakanya.

Sobra na yung dugo sa kamao nya.

Sinusuntok nya yung pader kanina.

Iniharap ko sya sakin.

Yung muka nya.

Punong-puno nang luha.

Kita mo sakanya na sobra syang nasaktan kung ano man ang nangyari.

"Kevin.." yun na lang ang nasabi ko.

Kitang-kita mo yung hirap sa muka nya.

Umiyak lang sya nang umiyak.

Ito ang unang beses na nakita ko sya na umiiyak.

Unang beses na sobrang parang nasaktan na nang sobra.

Niyakap ko lang sya.

My BESTFRIEND needs me.

Hinagod ko yung likod nya.

Yumakap naman sya sakin.

Isinubsob nya yung ulo nya sa balikat ko.

"Kyou.. Kyou.."

Nanginginig yung boses nya habang tinatawag yung pangalan ko.

Parang ramdam ko na kailangan nya nang makakasama.

"Kevin what's wrong?" Tanong ko sakanya.

Hindi sya umimik pero lalong humigpit yung yakap nya sakin.

Iniupo ko sya sa upuan.

Tumingin lang ako sakanya.

Sya naman nakatitig lang sa baso.

God!

This is unbelievable.

Binili ba nya lahat nang alak sa grocery store?

Ang daming bote sa gilid.

Tapos ang dami pang hindi nabubuksan.

Gusto ba nyang magpakamatay?

Bakit hindi na lang sya uminom nang zonrox.

-________-

"He came back." yun ang sinabi nya.

"W-who?" Tanong ko.

Nakita ko na nanggigil sya.

Parang gustong-gusto na nya itapon yung baso na hawak nya.

"Kevin.." Hindi ko kasi alam.

Pero iba eh.

May mali sakanya.

"F*CK! He came back! Carrying that bad news! I want to kill him! I want to kill him!" sigaw nya hanggang sa ibinato na nya sa kawalan yung baso.

Narinig ko na lang na nabasag yun.

Tumitig lang ako sakanya.

"Ang lalaki nang dahilan nang lahat.." Yumuko sya. "Ang lalaki na simula nang lahat nang paghihirap ko, ang lalaki na kinamumuhian ko! Ang lalaki na sumira nang lahat! Ang lalaki na gumulo sa buhay ko! Ang lalaki na.. AYOKO NANG MAKITA KAHIT KAILAN!" Sigaw nya.

Sabi nya tapos sinuntok nya yung lamesa.

Hindi ako makapag-salita.

Hindi ko alam kung anong mga tamang salita ang sabihin sakanya.

Hindi ko alam kung paano ko sya aamuin.

Hindi ko alam kung ako ba yung nasa tamang posisyon para pagsabihan sya.

Why Can't It Be? [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon