Chapter 3 ✔

56.4K 898 24
                                    

**

"What are you doing here?" Tanong ko sa Kuya ko na ngayon na lang ulit nagpakita.

"Hindi ako magtatagal, gusto lang kita makita." Sagot nya. Tumango naman ako at naglakad na papunta sa hagdanan pero hinawakan ako ng kuya ko sa braso. Pakiramdam ko nadurog ‘yung puso ko sa pagkakahawak niya.

I missed him so much, pero ayokong ipakita sakanya na miss na miss ko na siya.

“Hime, let’s talk.” Sabi niya. Nagpumiglas ako pero niyakap niya ko nang mahigpit. Pumikit ako ng madiin at ilang beses na huminga ng malalim.

No Hazelle, hindi ka iiyak!

 

“We can talk without this hug.” Sabi ko. Itinulak ko sya at tinignan ng diretso sa mga mata. Kitang-kita ko na nagulat sya, itinaas ko ‘yung kilay ko kaya huminga sya ng malalim.

“Anong nangyari sa muka mo? Bakit may sugat? Bakit may pasa ka sa magkabilang braso?” Tanong niya. Tumingin ako sa braso ko at nagkibit balikat.

“Palaging nangyayari ‘to. Sanayan na lang.” Sagot ko.

“Napaaway ka ba? Sinong nanaki—“

“Why do you care now? Stop it. I can handle myself.” Malamig kong sabi sakanya.

“I’m sorry.” Sabi niya. Hinigpitan ko ‘yung pagkakahawak ko sa bag ko habang nakatitig sakanya. “I’m really, really sorry.” Sabi niya. Rinig na rinig kong nabasag ‘yung boses niya pero hindi ako nagpatinag, nakatitig parin ako. Alam ko, alam kong wala syang nakikitang expression sa muka ko. Alam kong iniisip niya na wala  akong pakielam pero sa totoo lang, durog na durog na ko sa loob.

“It’s fine. I forgave you. It’s all in the past now.” Sabi ko. Tumalikod na ko pero niyakap niya ko ulit.

“I’m sorry, wag ka ng magalit oh. Please. Sorry kung ngayon lang ako umuwi.. I’m sorry.” Sabi niya. Naramdaman ko ‘yung sinseridad nya sa pananalita nya. Kahit galit na galit ako sakanya, isang sorry nya lang nawala na.

He’s my kuya. Ang pinakamamahal kong kapatid, hindi ko kayang magaling ng matagal sakanya, kaya niyakap ko na sya pabalik.

“I’m not mad.” Sabi ko. “It’s fine kuya.”

“H..Hindi makakauwi si Mommy ngayon, baka next week pa? Hindi ako sigurado.” Sabi niya. Tumango lang ako kaya kinalas ko ‘yung pagkakayakap nya sakin.

“May meeting ako.” Sabi niya. Tumango naman ako sakanya.

“That fast.” Sagot ko sakanya.

“Patawarin mo si Mommy.” Mahina nyang sabi.

“Baliw ka ba? Ikaw nga napatawad ko, si mommy pa kaya? Basta uuwi na kayo. Yun ang mahalaga.” Sabi ko. Ngumiti na ko sakanya tsaka ako tumalikod at umakyat na.

Why Can't It Be? [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon