Chapter 1 ✔

103K 1.2K 68
                                    

Thank you sa cover ng WCIB! :DDD

**

"SATO!" Sigaw ng professor ko na kasalukuyang nasa unahan. Nag-inat ako tsaka ako tumayo. 

"Yes?" Tanong ko sakanya habang nakataas ang kilay, tumingin ako sa paligid at nakita kong wala na ‘yung mga kaibigan ko. Tsk, ge cutting lang.

"You haven't changed Sato! You're a college student now!" Sigaw nung professor ko kaya napatingin ako sakanya at tinaas ‘yung kilay ko. Napairap na lang ako dahil sa sigaw nya.

Alam ko naman na galit na galit na ‘yan sakin, gustung-gusto na nya kong ibagsak pero wala syang magawa dahil nagpapasa ako ng requirements at pasado ‘yung mga exams ko. There’s no reason for her to fail me. Nagkibit balikat na lang ako at umupo sa desk ng upuan ko.

Galit na galit sakin ‘yung mga professors dito dahil bata pa lang ako ay binubwisit ko na sila, di naman nila ko kayang mapa-kick out dahil family friend namin ang director dito.  

  

"Lagi namang ganyan ‘yang si Hazelle Sato.”

"Palibhasa kasi kaibigan nya rin si Sebastian na anak ng director kaya ganyan sya.” Narinig kong may nagbubulungan sa likuran ko kaya lumingon ako at nakita ko ‘yung dalawang babaeng nagbubulungan.

“Can you please say it louder? Nagpaparinig ata kasi kayo, ano bang gusto nyong mangyari?” Tanong ko dun sa dalawang babae. Ipinatong ko pa ‘yung paa ko sa desk nila at ngumisi, pero napairap ako sa kawalan ng narinig ko ‘yung sigaw ng professor ko. 

“GET OUT SATO!!” Napailing na lang ako at kinuha ‘yung bag ko. Lumabas na ko sa classroom pero tinignan ko pa ng masama ‘yung dalawang babae bago ako lumabas. Nakita namang namutla sila at sabay na yumuko.

I am Hazelle Kyoubayashi Sato. Ang binansagan nilang hell girl sa school na ‘to.  Binansagan nila kong hell girl dahil alam  nilang hindi nila ko kayang saktan, kahit wala naman akong gagawin sakanila. Isa ako sa magmamana ng ibang kompanya na naiwan ng daddy ko na si Junriko Sato. I am his daughter, his only daughter, kaya ako ang sinasabi nilang prinsesa ng mga Sato.

I checked my watch habang naglalakad papunta sa gymn. Doon kasi tumatambay ang mga kaibigan ko kapag hindi nila trip ‘yung klase. Don’t get me wrong, hindi kami mga pariwala. Nagkakaganito lang kami kapag wala ‘yung mommy ni Sebastian.

Dahan-dahan kong binuksan ‘yung isang pintuan ng gymn, pero narinig ko na agad dito ‘yung sigaw ng mga kaibigan ko.

"HAZELLE! " Bungad ni Bea, sya si Beatrice Rivera, anak ng isang kilalang doctor dito at nagmamayari sila ng isang Ospital. Gusto nyang mag-doctor pero sabi niya, tsaka na raw sya magaaral ng medicine kapag dawn aka-graduate na sya kasama namin. That’s her choice.

"Ang O.A" Sabi ko kay Bea tsaka ako umupo sa tabi nya.

"Bakit ngayon kalang?" Tanong ni Tiara, Princess Tiara Quiambao.  Kilala ang pamilya nya na may-air ng isang airlines dito sa Pilipinas.

Why Can't It Be? [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon