- 30: Friends' Help

179 0 0
                                    

Chapter 30
... Friends' Help




3RD PERSON'S POV


Nagising na sina Kath at DJ, Ay wait–Si Kath lang pala. Dahil 'nung linagay ng mga lalake ang panyo kay DJ, ay hindi huminga si DJ pagkatapos ay nagtulug-tulugan. Si Kath lang talaga ang nakatulog sa biyahe.

Nasa iisang kwarto sila ng bodega kung saan may nagbabantay sa kanila sa labas,

"DJ, nasaan tayo?"

"Nasa isang bodega tayo, Kath." sabi ni DJ tapos nagpalinga-linga sa paligid

Nagulat sila kasi biglang may nagbukas ng pintuan, It's Albie who's smiling—smirking pala. =_=

"Gising na pala ang lovebirds." sabi ni Albie pagkatapos ay lumapit kay Kath na hahalikan na sana pero bigla siyang dinuruan ni Kath sa mukha

Oo nga, masama nga. Pero, wala ng mas sasama pa sa ginawa kagaguhan ni Albie.

Lininis ni Albie ang kanyang mukha gamit ang dala-dala niyang panyo, Pagkatapos ay tumingin siya kay DJ tapos nagsmirk

"Ang laki ng tiwala mo kay Kath ano?" sabi ni Albie pagkatapos ay lumuhod para magka-pantay na sila ni DJ

"Syempre naman, Kahit ano pang gawin mo. Alam kong hinding-hindi mo parin makukuha si Kath." sabi naman ni DJ tapos siya naman ang nagsmirk

Nainis ng sobra si Albie kaya tinutukan niya ng baril si DJ, "Oo nga eh! Makukuha ko lang si Kath kapag patay ka na." sabi ni Albie

Pero imbes na matakot si DJ, Mas lalo lang siyang ngumiti tapos ininis si Albie, "Ah. Kawawa ka naman pala ano? Gusto mo parin ipagsiksikan ang taong ayaw na sa'yo. Salamat pala, pre ah? Kasi binitawan mo siya. Ayun tuloy, nasalo ko." sabi ni DJ

"Kapag namatay ako, Kawawa ka naman. Eh bakit ba mai-iinlove si Kath sa taong pumatay sa pinaka-mahal niya? Nasaan ang utak mo, Albie? Nasa pwet mo ba?" sabi ni DJ

"ARRRRRGHHH!" sigaw ni Albie tsaka lumabas ng pintuan. Tinignan ni Kath si DJ na napabuntong-hininga

May tumulong luha sa mata ni Kath, "D-Dj..."

"May magliligtas sa atin, Kath. Tiwala lang." sabi ni DJ

Habang nasa loob ang dalawang magkasintahan ay saktong paglabas ni Albie ay dumating sina Julia at Diego na naka-smirk

"Little sister, you're here." sabi ni Albie pagkatapos ay yinakap ang kapatid niya

"So tinuloy mo ang plano.." sabi naman ni Julia, Kailangan kong maging plastik. sabi ni Julia sa kanyang isip

"Yeah. So are you in, here?"

"Yeah. Kuya meet Diego, my ever-loyal boyfriend." sabi ni Julia kay Albie. Nag-ngitian naman silang dalawa pagkatapos ay nagmanly-hug

"Nasaan sina Kath?" tanong ni Julia

"Nandun. Puntahan niyo nalang." sabi ni Albie pagkatapos ay tinuro 'yung kwarto.

Sinamahan ni Albie sina Julia at Diego para pumunta sa kwartong 'yun, "Oh, KathNiel! Nandito mga kaibigan niyong traydor!"

Kumindat si Julia kayna Kath at DJ pagkatapos ay binigyan ng 'mag-acting-kayo' look. Naintindihan naman nila Kath kaya agad nag-acting si Kath

"I HATE YOU JULIA! PAANO MO NAGAWA SA AMIN ITO!" sigaw ni Kath at nagsimulang umiyak. Great actress! Palakpakan everyone!

"Gago ka, Diego! Pinagkatiwalaan pa naman kita!" sabi naman ni DJ, Great actor palakpakan!

When Hate turns to Love (KathNiel) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon