- 3: Fun

1.1K 9 0
                                    

KATHRYN'S POV


Masaya ako kasi syempre bati narin sa wakas sina Kristine at JD. Nandito parin kami dito sa Pool area, Okay lang naman dito kasi may roof naman 'yung pool namin kaya okay lang. Tinignan ko si DJ na tumabi sa akin.


"Kath, gusto mo ng isaw?"


Tapos pinakita niya sa akin sa akin ang isaw, Hindi ko alam pero mapatawa nalang ako bigla. Ang cute niya kasi eh kasi habang pinapakita niya sa akin 'yung isaw ay gumagawa siya ng mga funny faces. Nakikita ko tuloy 'yung dimples niya which makes him more attractive.


WAIT WHAT?


"Huy Kath! Okay ka lang? Kinakausap kita!"


Natauhan nalang ako bigla kasi kinurot niya 'yung dalawa kong pisngi


"ARAAAAY!"


"Sorry ah? Ano? Gusto mo ng isaw? o pork?" tanong niya nanaman ulit


I smiled, "Isaw."


Binigay niya na sa akin ang isaw. Umupo kami sa gilid ng pool. Tinignan namin 'yung barkada, nakita ko naman sila na may sariling mundo kaya napangiti naman ako. Hay salamat! Baka kasi pagtripan nanaman kaming dalawa, mahirap na.


"Kath? Hindi ka pa ba nagkakaboyfriend? You know after that..."


Oo nga, magkaaway kami ni DJ pero siya lang talaga 'yung nakakaalam about that. Syempre, he was there that time so I decided to tell him the truth and tinago nalang namin ito ulit sa barkada


"Nah, Natuto na ako eh!" sabi ko tapos napangiti


"Eh kung may dumating?"


"Edi tatanggapin! De joke lang. Syempre depende."


"Depende..?"


"Depende kung gwapo. Syempre joke lang ulit hahahaha! Depende kung matatanggap niya talaga kung sino ako. Baka magaya ako kay Kristine 'noh? Nako, nako, nako!"


"Eh paano kung ako 'yun?"


Tinignan ko si DJ ng seryoso, Anong ibig niyang sabihin? Nagulat ako kasi biglang hinalikan ni DJ ang forehead ko.


O////O


He smiled, "I l—"


Hindi na natuloy ang sinasabi niya dahil bigla kaming tinawag ni EJ


"Kath! DJ! Hali na kayo!"


Naunang tumayo si DJ, Ako naman nandito parin ako sa pool


Hinalikan niya ako?


Sa forehead ko?


BAKIT BA PARA AKONG KINIKILIG?? WHYYYYYYYYYYYYYYY??????

When Hate turns to Love (KathNiel) COMPLETEDWhere stories live. Discover now