- 8: Ex

1K 8 3
                                    

DJ


Bakit ba akala ni Kath na sasaktan ko siya pagkatapos ng ginawa ni Albie sakanya? Mukha ba akong si Albie?! Hindi naman ako maputi masyado ah? Hindi 'rin malaki ang ilong ko. BAKIT BA?

Hindi ko kasi maintindihan si Kath eh! She responded! Nagrespond siya sa kiss. Hindi porket lalake ako hindi ko na bibigyan ng halaga 'yun! Kinikilig 'rin ang nga lalake 'noh?

"Intindihin mo nalang kasi, pre. Alam mo naman ang mga babae, ganyan talaga. Hindi mo ma-gets." sabi ni EJ sa akin tapos pi-nat ang likod ko

"Bigyan mo muna siguro si Kath ng time para makapag-isip-isip. Alam mo naman 'yun, Magulo 'rin." - Diego

Napabuntong-hininga ako. Tama sila, Kailangan ko munang pagbigyan si Kath. In short, iiwasan ko lang muna siya dahil alam kong naguguluhan pa siya.




DIEGO


Ramdam na ramdam naming lahat ang awkwardness na namamagitan dito sa dining room. Magkaharap pa naman sina Kath at DJ. Patuloy parin sa pagkain si DJ, habang si Kath naman hindi ginagalaw ang pagkain niya

"Guys, kain na kayo."

Ang galing ni DJ 'noh? Mukhang walang problema pero sa kaloob-looban pala 'nyan ay malaki talaga ang problema niya. Tumayo nalang ako mamaya nalang ako kakain.

"Wait, babe! Hintayin mo ako!"

Eh syempre sino pa ba ang baboy ko? HAHAHAHA! Edi ang babe kong si Julia Montes. Lumapit siya sa akin, doon kami pumwesto sa may window. Teka, kanino ba 'yung itim na kotse? Pansin ko, palagi itong nandito

"Babe, Kanino ba 'yang itim na kotse na 'yan?" - Julia

"Ewan ko din eh! Babe, may nararamdaman akong hindi maganda diyan."

"Ako nga 'rin eh! Naka-centralized nga tayo pero nakikita parin tayo dahil tignan mo nga curtains natin. Let's change the curtains nalamg. 'Yung mas makapal para hindi na talaga tayo masilayan."

Tumango nalang ako, Julia's right. Baka kasi kung anong balak ng itim na kotse na 'yan eh! Mahirap na...




JULIA


Akala ko ako lang 'yung nakakapansin sa itim na kotse na 'yan. May masama 'rin talaga akong kutob diyan eh! Nako, huwag naman sana! Kinakabahan talaga ako ng bongga sakanila eh!

"Babe, tara na?"

Sumama na ako kay Diego papunta ng dining room. Tapos na palang kumain sina Kath at DJ, kaya kami naman nina Kris ang kumain dahil hindi daw sila nakakain ng maayos dahil sa awkwardness

"Grabe! Gutom na gutom pa rin ako!" reklamo ni Kristine, pansin ko mas nagiging sweet 'tong si Kris at JD. Buti naman at maayos na sila

"Ako 'rin!" - Kiray

"Paano kaya natin mapag-aayos ang dalawa?" - EJ

"Ayoko na! Hindi naman tayo si Kupido ah? Hayaan nalang natin sila. Buti nga kanina hindi tayo nabatukan ni DJ kasi umiyak si Kath!" - Neil

Binatukan nanaman siya ni Yen, "Huy ikaw na kumag ka! Hindi ko talaga alam kung bakit kita pinatulan!" sabi ni Yen kaya agad kaming tumawa

"Ako nga 'rin eh! Hindi ko 'rin alam kung bakit kita pinatulan!"

"Hay nako! So ano nga gagawin natin?" - JD

"Maybe tama nga si Neil. Hayaan lang muna natin sila. Hayaan nalang natin sila ang humingi ng tulong natin." - Kristine

"For the first time naging tama ako!" - Neil

"Gago." - Yen

Kumain nalang kami ulit dahil tapos na ang barkada meeting. Bahala na nga sina Kath at DJ. Basta ngayon, magpre-pray lang muna kami na sana maging okay na 'rin sila




SOMEONE (BOY)


Mukhang napansin na 'yata nina Diego at Julia na ako 'yun. Tsk. Bahala na nga! Hahayaan ko nalang muna silang magpakasaya

Mommy calling....

"Hello anak, Nasaan ka na ba?! Umuwi ka na! Tigilan mo na si Kath okay?"

"Ma hindi mo kasi naiintindihan eh!"

"Albie Casiño! Umuwi ka na ngayon din!"

I ended the call. Tsk. Yes, ako nga! Ako ang gugulo sa buhay nila. Who am I? It's me, Albie Casiño. Kathryn's ex.




ZHARM


Finally, Nakalabas narin ako ng hospital. I am so excited dahil uuwi na 'rin kami soon. Kathryn Chandria Bernardo. I'll be back soon...

When Hate turns to Love (KathNiel) COMPLETEDWhere stories live. Discover now