- 1: First Day of School

2K 25 4
                                    

Kathryn's POV


Papunta ako ngayon kung saan naroroon ang mga kabarkada namin. Then, habang naglalakad ako napansin kong may umakbay sa akin, Aish! It's DJ again. UGH! Ano nanaman ba ang gusto ng lalakeng ito sa akin?

"What do you want?" tanong ko sakanya ng pataray

"Kapag sabihin kong I want you, Magiging akin ka ba?" sabi niya tapos kumindat

I crossed my arms, "I'm sorry but I'm serious here. Kung gusto mong makisabay then tumahimik ka nalang."

Pagkarating namin ng clasroom ay nakita namin ang barkada namin na nasa labas naghihintay sa amin. Well, including Kristine na nakangiting wagas. Nasaan na ba ang ka-MU nito?! Nasaan na ba si JD? Tsk.

"Uy magkasabay sila oh!"

Tinignan ko silang lahat ng masama, Sina Ate Yen naman ay todo tawa lang. Si DJ naman naka-smirk lang sa akin. Porket kami nalang dalawa ni DJ ang single kami na agad ang dapat ipartner? Eh kung sabagay—WAIT WHAT?! Hindi, Hindi! Erase!

"Alam niyo kung ano ang mas maganda?" tanong ko sakanila

"Ano?"

"Pumasok na tayo sa loob. Kaya tara na! Let's go!"

Pumasok na kami sa loob, Nandoon na ang mga boys sa kabilang side. Sa seating arrangement kasi namin, Hiwalay ang boys sa girls. Oh diba? Astig lang? Kaya nandoon na ang mga boys sa side nila. Kami naman nandito kami sa isang side, syempre magkakatabi kaming lima

"Kath, ano 'yun?" tanong ni Kristine sa akin

"Anong ano 'yun?"

"You know what I mean.."

"Wala 'yun."

Nakita ko silang nagtitigan. Ako naman pasimpleng ngumiti.




DJ'S POV


"Ano pre? Naka-chansing ka ba kay Kath?" mahinang tanong ni Neil sa akin

Umiling lang ako, although inakbayan ko siya. Just to clarify things, Mahal ko si Kath okay? I love her so much. Kaya lang ang tingin niya sa akin ay playboy, badboy and etc etc!

"Sayang!" sabay-sabay na sabi nila

Tinignan ko si Kath at nakita ko siyang patagong ngumingiti. Ano kayang pinag-uusapan nila?




| Fastforward / Dismissal |


KATHRYN'S POV


Nakakabingi pala ang katahimikan 'noh? Para kaming mga ewan dito sa bench. May sari-sariling mundo. Hindi kasi namin alam kung anong gagawin namin eh! Para kaming mga shunga dito na ewan!

"Barkada house..." biglang sabi ni Julia

Nagpalitan kaming lahat ng titig at agad kaming nagsi-takbo sa van. Kanya-kanyang upuan kami. Si Neil nandoon sa harap nagdr-drive,
si Yen naman ang katabi ni Neil. Eh syempre girlfriend eh!

"Kaaaaaaaaath."

Tinignan ko si right-side ko kung sino 'yung tumawag sa akin. Si DJ?! Akala ko ba tatabi siya kayna EJ?! EH BAKIT SIYA NANDITO?!

"Anong ginagawa mo dito?"

"Nakaupo. Obvious ba?"

"Huwag kang magulo ah? Sasapakin talaga kita!" sabi ko sakanya pagkatapos ay inirapan siya

Nakita ko siyang nagsmirk. Naiinis ako sa smirk niya! Ang cute niya kas—WAAAAAAAIT WHAAAAT?! WAAAAAH HINDI ERASE ERASE! HINDI SIYA CUTE TIGNAN OKAY?! HINDI HINDI HINDI!


Pagdating namin sa barkada house ay syempre agad kaming umupo sa sofa


"JADE! I-on mo nga 'yung aircon!" sabi ni Kristine, Jade kasi ang tawag niya kay JD


"Mamaya na!" sabi ni JD na naka-handusay ngayon sa sahig


"SIGE NA!"


"AISH OO NA!"


Tumayo na si JD pero umakyat na rin siya sa boys' room. Tinignan ko naman si Kristine na napabuntong-hininga. I smell something fishy.


"Pssst, DJ!"


Tumingin naman si DJ sa akin, "Yes?" tanong niya


"Na-realize mo na ba na gwapo ako?" sabi niya tapos nagsmirk


"Tumigil ka nga diyan! Halika dito!" sabi ko 'nung lumapit na si DJ sa akin


"I think may LQ si Faith at JD."

When Hate turns to Love (KathNiel) COMPLETEDWhere stories live. Discover now