18. The end

68.5K 1.7K 278
                                    

 Three months later…

“No news?”

I smiled weakly ate Lukas. Kagagaling ko lang ng San Miguel para hanapin sana si Julian pero wala rin siya doon. Walang alam ang mga tao kung nasaan siya. Mula nang gabi noong birthday ko, wala na akong narinig mula sa kanya at lagi na lang akong umiiyak dahil sa nangyari sa aming dalawa.

He said that he’ll fight for me pero hindi na niya ako binalikan. Kung kailan okay na ang lahat, kung kailan wala nang problema sa pamilya ko, saka siya nawala na parang bula.

That night of his interview changed everything. Parang may magic. Luminaw ang isip ni Sancho, he apologized to me for trying to set me up with Pablo Montalbo – it’s confirmed he’s gay – and he told me that he had the hots for Lukas. Noong sabihin niya sa akin iyon, natawa talaga ako. We’re friends now, and he’s really kind ang problema – closet gay siya. Hindi niya masabi sa pamilya niya ang totoo dahil iisang anak na lalaki lang siya and he was the only successor of his father’s legacy.

“Laide, I could hire someone to do the work.” Sabi pa ni Lukas. Ilang beses niyang inulit sa akin iyon. Mula nang gabing iyon at ang sumunod na mga gabi pang hindi ako makatulog dahil sa kakaiyak – ay sinasabi na niya sa akin na magha-hire siya ng P.I to look for Julian pero ako mismo ang may ayaw.

Masokista yata ako kasi gusto ko na ako mismo ang makakita sa kanya. Kung nasaan na siya ngayon – gusto ko kung makikita ko siya ako mismo – para naman isipin niya na tulad niya, pinaghirapan ko din ang makuha siya.

I wiped my tears. Lukas sighed.

“Baby, please…”

“Okay lang ako, Luke.” Ngumiti ako. Tinalikuran ko siya at saka umakyat sa silid ko. Doon sa kama, doon ako umiyak. Ang sakit-sakit lang. Kung kailan okay na kaming dalawa, kung kailan wala nang hadlang saka niya ako iniwan.

Ilang beses kong pinanood ang interview niya na iyon and somehow – I knew that it was his way of saying goodbye – that it was his way of setting me free. Pinalaya ako ni Julian pero ako naman ang ayaw umalis.

I wanted to stay where he left me. Kung pwede lang bumalik sa San Miguel at magtinda na lang ulit ng isda, doon na lang ako, para kung sakaling bumalik siya, makita niya agad ako.

Ang daya-daya naman kasi ni Julian. The last time we talked pinaiyak niya pa ako. Ngayon naman, umalis siya nang hindi nagpapaaalam sa akin. How are we going to make things work if he keeps on running away from me?

Kung gusto naman niya nang space, ibibigay ko sa kanya. I just wanted to know hwere he is para naman hindi ako nababaliw kakaalala sa kanya.

I heard a knock on the door. I wiped my tears and stood up to open it. I saw Lukas standing. He had this wide grin.

“Hmp, bakit?” Tanong ko sa kanya.

May bisita tayo, imported, galing ng Spain.” He said. Hinatak niya ang kamay ko at saka sabay naming tinahak ang daan pababa ng mansyon. Sa sala, I saw two Marco Deveron luggage.

Parang may bisita nga kami. I just sighed. Kung sino man siya, hindi ako interesado. Kung hindi lang din siya si Julian, umuwi na lang siya sa pinaggalingan niya.

“Laide, smile!” Lukas hissed at my ear. We were now in the living room and there I saw a man standing near the window, holding a glass of water. He faced my direction and my eyes widened.

“Leo!” I exclaimed. He smiled at me. Luke was right, imported nga ang bisita namin. Leonardo Gerona Cruise our cousin from L.A. Pamangkin siya ni Mama. And we’re really close.

She will be loved (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon