13. I will

60.5K 1.7K 430
                                    

“What the hell is this, Sofia!”

Ibinato ko ang magazine sa harapan ni Sofia the moment I stepped inside our house. She was zipping her mango juice while sitting on the Cleopatra couch like a queen. Tiningnan niya lang ang magazine at saka ngumiti.

“Ow, nilabas na pala iyan?” She smirked. “How does it feel, Julian? Alam na ng buong mundo ang tungkol sa kabit mo.” She smiled sweetly. I wanted to strangle her. I wanted to kill her with my bare hands! Wala akong kaalam-alam sa nangyari. Kung hindi ko pa nakita ang magazine na ito sa table ng secretary ko sa opisina – hindi ko malalaman na pinagpe-fiesta-han na pala ako at si Tintin ng buong Pilipinas.

I got scared for her. Iniisip ko kung anong gagawin ng mga kapatid niya. She had three brothers at base sa mga kwento niya sa akin – all of them are mean, powerful and ruthless and for Tintin – that’s a bad thing. Gusto ko siyang makausap. Sinubukan ko siyang tawagan pero patay ang telepono niya. Naisip kong puntahan siya mamaya. Haharapin ko ang mga kapatid niya. Wala akong pakialam kung anong gagawin nila sa akin – I just have to make sure that Tintin is okay.

“Alam mo ba kung anong ginawa mo?!” I yelled at her.

“Oo naman. Alam mo rin ba na iyan ang kapalit nang pagsama mo sa kanya noong gabing hindi ka umuwi?” Sarkastikong sabi niya. I grabbed her arm. “Julian, nasasaktan ako!”

“Talagang masasaktan ka! How dare you do this to me?”

“I’m your wife! I have all the rights!”

“Asawa lang kita sa papel at kahit kailan hindi kita mamahalin kaya kung ginagawa mo ito para makuha ang atensyon ko, you failed miserably, Sofia because you will never have my heart!”

She slapped me. Galit na galit siya. I saw a tear run down her face pero hindi ako kumbinsido kung totoo iyon. Sofia is a goddamn actress and she can fake everything – even her tears.

“Binigay ko sa’yo lahat, Julian! Binigyan pa nga kita ng anak tapos sasabihin mo sa akin iyan!” She screamed. “Ano bang pagkakaiba kung siya o ako?! Pareho lang kaming babae! I can satisfy you in bed! Kung gusto mo ng threesome papayag ako – just don’t fucking leave me!”

Kung anu-ano nang lumalabas sa bibig niya. She sounded so desperate. I was just shaking my head. I don’t need to hear this – this sounds so pathetic and yet hindi ako naaawa sa kanya. Pinagbabayo niya ang dibdib ko.

"Bakit ba hindi mo magawang mag-stay sa akin, Julian? Hinahayaan naman kita! Gusto mong mambabae? Sinong gusto mo? Si Agatha? Si Helga? My co-star ako sa teleserye, she's 18, fresh from college, you can fuck her if you want too and I won't even give a damn just stay away from Laide Consunji!" 

Sofia's face was so red. Hindi ko na maintindihan ang mga sinasabi niya. I just glared at her. 

"I love her, Sofia. That's the reason why I just couldn't turn my back on her. I'm so in love with her."

Humagulgol siya dahil sag alit. Pinagsasampal niya ako, kinalmot niya ako sa mukha at nang magsawa siya she looked at me.

“Iiwan mo ako dahil sa babaeng iyon?! Pwes hindi mo na makikita ang anak mo!” Sigaw niya sa akin. I just grinned.

“Alam mo ba kung nasaan ang anak ko?” Tanong ko sa kanya. Nang mabasa ko ang article na inilabas ng magazine na iyon ay agad kong inutusan ang mga tauhan ko na ilapad si Nanay Andeng kasama si Marco papunta ng Cebu – hangga’t magulo ang lahat doon muna sila sa kapatid ko. Pababalikin ko lang sila dito sa oras na maging maayos ang lahat.

She will be loved (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon