Chapter 10

51 5 6
                                    

          This is it.  

"Saaaaaaaaaaaaamy!" excited na sabi ni Ivy. 

"I miss you bitch!" sabi naman ni Trisha. Namiss ko rin sila. The squad. Our squad. 5 GIRLS. 5 GUYS. Sampung mga tao na pareparehas ng hilig at trip sa buhay. 

Pag sinabi nilang party, hindi mawawala ang beer at piles of Cd's. This is our kind of 'Squad Party'. Movie Marathon while drinking. Typical teenager. Living young, wild, and free. 

"Asan si Paul?" tanong ko. Sya kasi yung may-ari ng bahay tapos sya yung wala dito.

"Sinundo si Kathy." Chie replied. 

Tiningnan ko nalang yung mga Cd's. Karamihan Horror. After ilang minutes, dumating na si Paul kasama si Kathy. Bagay talaga sila. They both madly and truly in love with each other.

Andito na kaming lahat sa Movie Room at nagtatalo kung anong movie ang unang panunuorin. Girls vs. Guys

"Sinister nalang kasi." pilit na sabi ni Kathy.

"Ilang beses na natin yang napanuod." sabi naman ni Paul. 

"The Best of Me nalang dali." sabi naman ni Ivy. Lahat ng guys pati ang boyfriend nya, umayaw. hahaha. Sweet Flicks kasi.

"Fast and Furious nalang." sabi naman ni Kerby. Automatic na nag agree lahat ng boys.

"NOOOO!" sabi naman ni Trisha.

"Fast and Furious"

"The Best of Me"

"Fast and Furious"

"The Best of Me"

"Botohan nalang!" sabi naman ni Kevin.

"Sino sa Fast and Furious" automatic na nag taas ng kamay yung mga boys.

"Sino naman sa The Best of Me" girls naman ngayon yung mga nag taas ng kamay. 

"Bwiset! Tie lang e." sabi naman ni Francis. 

"Teka. Teka. Hindi pa bumuboto tong dalawa." turo samin. Tsk. 

"Fast and Furious ako." plain na sabi ni Sam.

"I'll go with The Best of Me" sabi ko naman

"Tie parin. Mag paraya nalang kasi kayo!" inis na sabi ni Kathy. Kaso ayaw talaga ng mga boys.

Kinuha ko yung mga Cd piles at naghanap ng pwede naming panuorin. Habang nagtatalo parin sila, I found this cd na mukhang magpapatahimik sa lahat.

Nilapag ko sa table yung apat na Cd.

"Scream 1-4. Ayaw nyo parin?" tanong ko at lahat sila nag enlighten ang mukha. I knew it. Kahit ilang beses na naming napanuod yung movie, favorite parin namin yang ulit-ulitin. 

Ang magulo at hindi magkasundong atmosphere ay napalitan ng tahimik at seryoso. Lahat busy sa panunuod. As the movie went along, yung iba nakatulog na. 12am narin kasi. Overnight party na laging nagiging Sleep Over. Lagi naman kaming ganito. Hahahaha. Lumabas muna ko at pumunta sa terrace ng bahay nila Paul. 

December Feels goin' through my nerves. Shit! ang lamig pala dito. Babalik na sana ulit ako sa Movie Room kaso biglang dumating ang dakila kong ex. 

"San ka pupunta?" tanong nya. As if he care. Tsk.

"Papasok na ulit sa loob." plain kong sabi kaso pinigilan nya ko.

"Sabi ni Paul may sasabihin ka daw sakin. Ano yun?" sabi nya habang nakaupo parin. 

Tama. May sasabihin nga pala ko. Umupo naman ako sa tabi nya. Well. This is awkward. Ang lamig naman kasi dito. Ang lamig. Ng hangin. Pati ng pakikitungo nya. Mag sasalita na sana ko kaso bigla nyang binigay yung suot nyang jacket sakin.

"Alam ko namang hindi ka nakakatagal sa lamig" sabi nya. Kinuha ko na kasi ginaw na ginaw narin ako. I clear my throat and get ready myself. 

"It's been almost 6 months since we broke up. S-salamat sa limang taon. That was the best 5 years of my life. Thank you for the happiness. For the memories and adventures. S-salamat sa limang taon na pinaramdam mo sakin na special ako. Na pwede rin palang mahalin ang babaeng katulad ko. S-salamat sa pagtitiis ng ugali ko. Sa mga mood swings, kalokohan, at kaartihan ko sa buhay. S-salamat sa limang taon. Hindi mo alam kung gaano mo pinasaya ang buhay ko. You make my black and white life colorful. Pasensya na kung boring ako and I can't give your needs. Siguro nga hindi ako ung babae na para sayo. Hihingi lang sana ko ng proper closure. Closure sa relationship natin. H-hindi ko k-kasi kaya yung ganito. B-baka nga eto lang talaga yung iniintay ko para totally na maka move on." I cried. Iyak na ko ng iyak. Niyakap nya ko. Yakap na mahigpit. Yakap na feeling ko secure ako.Hanggang sa naramdaman ko nalang na unti-unti ng nababasa ang damit ko. 

Umiiyak din sya. Pero bakit? sya naman yung nakipag break diba? bakit sya umiiyak? bakit pakiramdam ko nasasaktan rin sya? 

"Ang hirap Sammy! Kung alam mo lang kung gaano ako nagsisisi nung pinakawalan kita. Napaka gago ko para saktan ka. Ayokong makita kang umiiyak at nahihirapan kaya mas pinili ko ng saktan ka ng mas maaga kaso habang nasasaktan ka, mas nasasaktan ako. S-sinubukan ko namang kalimutan ka e. Sinubukan ko talaga. Kaso ikaw parin e. Hindi ka boring. Wala akong pakielam sa sex na yan as long as na masaya tayong dalawa. S-sino ba kasing gago ang hindi mamahalin ang isang tulad mo? Almost Perfection ka na. You are the best girlfriend in this shitty world. Mahal na mahal kita. Walang nagbago dun. But you deserve someone who can be with you for a long time. And I'm not that 'someone' Sammy." he said. 

Gulong-gulo na ko. He still love me pero bakit ganito? 

"I can't understand you Sam. I really can't understand you." sabi ko. Umalis sya sa pagkakayakap sakin at tinitigan ako sa mata. 





"I'm dying" 

2words. 7letters.





"Hahaha. Stop fooling around with me Sam." I said while waiting for his punch line. 

"I'm not fooling around with you. Sooner or Later, mamamatay na ko!" I felt so weak. Nanlambot ako sa narinig ko. Lahat ata ng lakas sa katawan ko, panandaliang nawala.

"You should start forgetting me already. Kalimutan mo nalang na naging tayo. Stop loving a man na kahit anong oras ay pwedeng mamatay."

Masakit. Mas masakit pa tong confession na to kaysa sa break up namin. 

"B-bakit? P-paano? K-kailan pa?" naguguluhan kong sabi sa kanya. 

"Brain Tumor. Stage 4. Few days before I said my break up proposal to you." No. Hindi pwede. Bakit sya pa? What did he do to suffer like this? WHY?! 



Sa sobrang shock ko, I left him there. Ang sakit-sakit. Wala ng mas sasakit pa sa nararamdaman ko ngayon. Umuwi akong luhaan. Wala akong ginawa kundi umiyak ng umiyak. Umiyak hanggang mag sink in sakin lahat ng sinabi nya. 

Lahat ng tanong ko dati, unti-unti ng nasasagot.

Kaya pala madalas syang absent
Kaya pala medyo pumapayat sya
Kaya pala sya nakipag break at lumayo sakin

That break-up was too painful. Really really painful.

**END OF THE VERY LONG FLASHBACK**

That break-up was too painful. But his confession is a lot painful. All this time, sya pala yung pinaka nasasaktan. Sorry Sam. Sorry.

StayWhere stories live. Discover now