Chapter 8

47 4 3
                                    

       Last day na namin dito sa Balesin. Normal reunion lang naman to. Walang mga schedule. Enjoy lang. Enjoy? Pwede na. At least after 3 years, nagkita-kita ulit kami.

It's 4 in the morning pero hindi parin ako makatulog. I checked this guy beside me at mukha namang tulog na tulog pa sya. I check his temperature. Medyo mainit parin pero hindi na katulad nung kanina.

Lumabas nalang muna ko at pumunta sa pool area. Mukang tulugan pa ata ang lahat. Ayoko namang mag swimming kaya lumabas nalang ako at pumunta sa isang store dito sa resort na open 24hrs.

Marshmallow white. Kitkat. Stick-O. Piattos. Sprite.

Pagtapos kong bayaran ay bumalik na ulit ako at binuksan ang ref. Marami silang nilagay dito na beer at kung anu-ano pang inumin. I grabbed 1 san mig light at nescafe in can.

Umupo ako at uminom habang kinakain ang mga binili ko kanina. Natigil ako sa pagkain ng biglang may parang papalapit sakin. I look around at ang dakilang ex ko lang pala. Pulang pula ang mata. Gulong gulo ang buhok. Halatang may hang over parin. Hindi man lang sya lumapit sakin. Instead he go immediately at the comfort room and puke.

Rinig na rinig ko parin ang pagsuka nya kaya pumunta na ko sa banyo. Hindi nya naman kasi sinarado e.

"Hey! Ok ka lang?" I said while rubbing his back. He just nod and continue to vomit. Tsk. Pumunta muna ulit ako sa kusina at kumuha ng coffee.

Nung tapos na syang sumuka umupo sya sa inuupuan ko kanina habang nakahawak sa kanyang ulo.

"Here. It can ease your hang over." I handed him the coffee at tinanggap nya naman. I checked his forehead. I think nawawala na yung lagnat nya. Ayoko man ay umupo nalang din ako sa tabi nya at ininom ang san mig light na kinuha ko kanina.

Silence. Nakakabingi ang katahimikan na bumabalot saming dalawa.

"San ka natulog?" he said.

"I didn't sleep." sabi ko naman.

Katahimikan ulit. Binuksan nya ang tv kaso wala namang magandang labas.

"Movie date?" gulat samin ni Paul. Seriously! Napaka loko talaga nitong lalaking to. Umupo sya sa pagitan namin at kinuha ang piattos na binili ko at sinimulan itong kainin. Umalis muna ko para kumuha pa ulit ng san mig light.

Time passed by at unti-unti na silang nagigising. Pumunta na kaming lahat sa pool area at sinulit ang last day namin dito sa resort.

Mabilis na natapos ang araw. Natapos na ang two days reunion na medyo okay naman ang kinalabasan. Natapos narin ang sem break at back to real life na ulit.

School papers. Projects. Performance. Thesis.

"Guys bago mag Christmas break, gusto kong gumawa kayo ng short film. Any genre will do. Final task nyo yan sakin." sabi ng Prof. namin sa Filming 101.

After ng dismissal, nag meeting muna kami para sa gagawin naming short film. Napagkasunduan na 'Love, Rosie' remake nalang ang ipapasa namin.

We have Two Weeks para matapos yung film kasama nadun ang editing. Hindi naman ako kasali sa casting kaya ako nalang ang pinag gawa nila ng script.

The day after tomorrow when I finished the final script, nagsimula na agad kaming mag shoot. At first, gusto nila na kaming dalawa ni Sam ang gumanap na Alex and Rosie but we both decline.

"Ano ba! Lagyan nyo naman ng kilig. Wala kaming makitang chemistry sa inyo!" sigaw ng tumatayong director namin. Nakaupo lang ako dito habang pinapanuod sila. Take 21 na pero kahit ako ay hindi parin makaramdam ng kilig habang pinapanuod silang umarte.

Nag water break muna sila at lumapit sakin ang director kasama si Sam.

"Guys! Listen. Please. Para sa grade natin. Acting lang naman e." pilit samin. Bigla namang dumating si Paul kasama ang girlfriend nya na sa ibang school nag-aaral.

"Gawin nyo na. Hindi naman yan totohanan e. Grade natin nakasalalay dyan." sabi ni Paul. 

"Kayo nalang kayang dalawa?" suggest ko naman.

"In your dreams Sammy! pati hindi naman natin classmate tong baby ko so bawal din." sabi ni Paul habang tumatawa. Oo nga pala.

"Ano na. Sam? Sammy? please. Para sa grade natin." nagmama-kaawang sabi samin nung director kong classmate.

"I'm willing." seryosong sabi ng dakila kong ex. So ako nalang ang hinihintay nila. Hays.

"Fine!" I said then everyone moods lighten up. 

Goodluck Sammy. Good. Luck. 

StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon