Chapter 1

95 7 6
                                    

Samantha POV

Lahat ng tanong ko dati, unti-unti ng nasasagot.

Kaya pala madalas syang absent
Kaya pala medyo pumapayat sya
Kaya pala sya nakipag break at lumayo sakin

That break-up was too painful. Really really painful.

**FLASHBACK**

High School Couple kami. Until college, hindi na kami napaghiwalay. I'm the magnet while he is the metal. We both attracted to each other. Today was supposedly our 5th anniversary.

Ang aga kong nagising to greet my man. Today is our day so I'm very excited to see him and spend the whole day together. Nakahiga parin ako ng biglang my kumakatok sa pinto.

" *knock* *knock* Hija! Gising ka na ba? May package para sayo. Galing kay Sam. " without any further due, nagmadali akong buksan ang pinto at kinuha ang medium size box na dala ni Manang.

"Mamaya na po ako mag aalmusal. Thank You Manang!"

Pagbukas ko nung box, isang white dress na above the knee, isang bouquet ng red roses, at nag iisang white rose.

"Red roses signifies my passionate and undying love for you while the one and only white rose tells how pure my love and sincere I am to you. I'll pick you by 10am. Wear the dress. Paniguradong bagay yan sayo. See you later my queen. Happy 5th anniversary. I Love You for life!"

After so many hours, I found myself wearing the white dress that my man gave. Nagsusuklay ako nang biglang bumukas ang pinto at lumabas ang isang poging prinsipe.

"Sinong may sabi sayo na pwede kang pumasok dito?" mataray kong sabi sa kanya.

"Hmmm. Bawal ba? Hindi na kasi ako makapag hintay na makita ang pinakamaganda kong girlfriend." sweet na sabi nya sabay yakap sakin.

"Malamang! Ako lang naman girlfriend mo e. Unless.." napatigil ako.

"Unless ano? Na may iba akong babae? Hahahaha. I will never replace my queen. Masyado kang mahal para ipagpalit." sabi nya habang nakayakap parin sakin. He's to clingy and so do I. Ang cheesy nya rin in his own way. Haay! I really love this guy so damn muuch. Masyado rin syang mahal para ipagpalit sa iba.

Hindi kami katulad ng ibang couple na laging kumakain sa mamahaling restaurant pag monthsary or anniversary. Dito lang kami sa rooftop ng bahay nila. Having our own kind of date. Colorful qwek-qwek na sabay naming ginawa. Fries at kung anu-ano pang street foods ay ok na samin. What matter most is magkasama kami ngayong araw. We spend most of the time on their house. Eating, watching movies, playing xbox, and cuddling each other. Sabi nya kasi, mas masaya yung ganitong feeling. Well tama naman sya.

It's already 5pm when we decided to leave and walk around on their subdivision. May mini playground dito but most of the time, wala namang tao. Umupo kami dun sa bench while holding each other hand. No words. No conversation. We just sat there and waste time while waiting for the sunset. Madalas naman namin tong ginagawa.

After ilang minutes, unti-unti ng lumulubog ang araw. It's really refreshing to see this kind of scene. Relax lang.

"Relaxing right?" I said without looking to him

"Yeah." he replied.

"Thank you for 5 years of roller coaster feeling. I can't wait to make more adventures and memories with you." sabi ko while looking at him.

"Ang sabi nila, kaya daw may sunset kasi hindi kaya ng sun na mag stay 24hrs. Hindi kaya ng sun na laging bigyan ng init at liwanag ang mga tao. Kaya ilang minuto pag katapos ng sunset ay unti-unti ng didilim at lalabas ang buwan para magbigay ng liwanag. Sya ang replacement ng sun. Sya ang magpapatuloy ng mga naiwang gawain sana ni sun." seryoso nyang sabi. Hanggang sa nararamdaman ko na unti-unti nyang tinatanggal ang hawak ng kamay nya sa kamay ko.

"Sabihin na natin na ako ang sun. Ikaw ang tao. At unknown pa ang moon. Gaya ng sinabi ko sayo kanina, napapagod din ang sun at hindi nito kayang mag stay 24hrs para sa mga tao. Boss, the sun was already tired. I'm already tired." Ano bang pinagsasasabi nya?! kanina lang, ang saya saya namin tapos bigla syang magsasalita ng ganito?!

"Then let's go home and rest." inosente kong sabi sa kanya kahit alam kong hindi ito ang gusto nyang mangyari.

"That's not what I meant. Sammy, pagod na ko satin. Ayoko na. Let's break up." mabilis nyang sabi na para bang hindi nya iniisip lahat ng pinagsamahan namin.

"Ano?! Are you serious?! May problema ba?! Kanina lang, ok naman tayo. In fact, ang saya saya pa nga natin e. Tapos bakit ngayon gusto mo ng makipag break?! BAKIT?!" hysterical kong sabi sa kanya kasi I really don't get him. Hindi ko mabasa ang iniisip nya. Hindi ko alam.

"Oo Samantha! Seryoso ako. I'm breaking up with you because I realized awhile ago na boring ka at hindi mo kayang ibigay ang mga needs ko. Lalaki ako! Mabilis magsawa. Naisip ko na maraming mas better sayo. So please! Tama na." sabi nya na para bang ayaw nya na talaga sakin.

"Tama na! Please! Masyado ng convincing yang arte mo. Best actor ka na. Sige na." I said while trying not to cry pero pesteng mga luha to at ayaw tumigil.

"I'm not acting. Samantha please! Get out of my life and never come back!" sabi nya at bigla nalang akong iniwang umiiyak. Sumabay pa ang ulan sa sakit ng nararamdaman ko.
Ayos din. I didn't expect na ganito ang mangyayari sa araw na to.

Our 5th anniversary turned out into forever breaksary.

StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon