𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 33

2.9K 53 30
                                    

𝐊𝐈𝐄𝐑𝐀'𝐒 𝐏𝐎𝐕

    Masama ang loob na tumingin sa akin si Doc Yvonne after niyang humingi ng pasensiya kay ‘Nay Lena sa sinabi niya rito nung nakaraan.

    Pagkatapos ay inirapan lang ako nito at umalis na. Na-guilty naman ako kaya nilingon ko si Dwight.

    “I felt bad na nagsumbong ako sa‘yo.” Nguso ko.

     Tumawa lang naman siya saka hinawi ang ilang hibla ng buhok ko at inilagay iyon sa likod ng tainga ko. Kinilig naman ako sa ginawa niya.

    Sa isang buwan na magkasama kami pa-sweet siya ng pa sweet.

    Tumingin ako sa mata niya. It‘s that even possible na magustuhan niya rin ako?

    “She needs to be corrected.” Saad ni Dwight na siyang nakapagpabalik sa akin.

    Pero nagi-guilty pa rin ako.

    Hindi ko na lang siya pinansin saka ipinaalala sa kaniya na aalis pa siya para sunduin yung taong matagal niya ng hinihintay kaya naglakad na kami sa hallway at palabas ng ospital.

    “I‘ll bring him here.” Saad ni Dwight nung makasakay siya sa sasakyan nila na naghihintay sa kaniya at maghahatid sa kaniya sa pupuntahan niya.

    “Amping ka.” Saad ko habang nakangiti. Tumango lang ito at ngumiti rin saka sinabihan ang driver na umalis na sila.

    Maaga pa kaya bumalik na agad ako sa trabaho ko kung saan agad akong inusisa ni May.

    “Girl, balita ko pinag-sorry daw ni Doc Dwight si Doc Yvonne sa pasyenteng ka-close n‘yo. May kinalaman ka do‘n ‘no?”

    Napanguso ako bago umupo sa swivel chair ko. Nagi-guilty pa rin ako.

    Bakit? Tama lang naman yung ginawa mo na pinaalala mo kay Dwight ‘yon para magtanda si Yvonne.

    “Sinabi ko lang kay Dwight para alam n‘ya yung nangyayari sa paligid niya kasi pakiramdam ko kapag hindi ko sinabi tapos may nag bad mouthed na wala man lang konsiderasyon itong HMC sa mga katulad nila—ng sitwasyon nila ‘Nay Lena at ng iba pa—sa atin din babalik ‘yon ‘di ba? Kay Dwight.. sa may ari ng ospital. How we treat people, reflect to us.”

    Hindi ko alam kung bakit kinikilig na ngumiti si May. “Sabagay, tama nga naman. Nakakatuwa naman na gan‘yan yung mindset ng future co-owner ng ospital.”

    “Huh? Sino?” naguguluhan tanong ko.

    Nangunot ang noo nito saka ako tinuro. “Ikaw. Hindi malabo ‘di ba? Kapag naging asawa ka ni Doc Dwight, pagmamay ari mo na rin ‘tong ospital.”

    Asawa ni Dwight? Bakit ang sarap sa pandinig kahit malabo namang mangyari iyon. Kiera Abrenica - Hernandez. Eme!

    Kinagat ko ang pang ibabang labi ko para magising ako sa pagdidelusyunal ko.

    “Grabe naman sa asawa..” inikot ko ang swivel chair ko patalikod sa kaniya para hindi niya makita ang pamumula ng pisngi ko.

    Pumuwesto siya sa gilid ko at sinilip ako doon. “Hala girl, dapat kini-claim mo na ang korona. Jusko. Balitang balita nga dito kanina na pinagsabihan rin daw ni Doc Dwight si Doc Yvonne sa pagkulong niya sa‘yo sa cr kahapon e.”

    Doon ako muling napalingon sa kaniya.

    “Paanong nakarating ‘yon dito?” sa pagkakatanda ko kasi birthday ni Von iyon at walang mga doktor na imbitado doon.

DLS 1: A DEAL WITH MY SISTER'S BESTFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon