𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 3

3.5K 71 25
                                    

‎𝐊𝐈𝐄𝐑𝐀’𝐒 𝐏𝐎𝐕

    “Ate, nandito na kami.” Sabi ni Klarisse sa kabilang linya. Muling tumawag sa akin si Aulhexa kaninang madaling araw at sinabi ang detalye sa pagpunta ni Papa sa HMC.

    “Oh, kamusta?” sabi ko habang sinusukat ang tubig sa bigas na isasaing ko.

    “Waiting na lang sa dentista.”

    Tumango ako. “Sige. Wait niyo lang baka may ginawa lang.”

    Alam kong tumango rin siya sa kabilang linya.

    “Ate ang laki talaga ng HMC, ang dami pang poging doktor saka magagandang nurses.” Kinikilig na kwento ni Klarisse. Nainis ako bigla kasi hindi ako yung kasama ni Papa para sana nakita ko yung mga poging sinasabi ni Klarisse.

    “Uy Klay, hindi kita pinasama kay Papa para maghanap ng pogi d’yan ah.” Inilagay ko na sa rice cooker yung sinaing ko.

    “Hmp! Kasalanan ko ba na ako ang kasama ni Papa ngayon at makakita ng mga poging doktor at nurse?”

    Umirap ako sa hangin sa sagot niyang iyon. “Oh, s’ya, basta asikasuhin mo si Papa d’yan ah.”

    “Oo ate.” Sagot nito. Nagpaalam na ako dahil balak ko ngang maligo dahil pupunta ako ng store ni Aulhexa. Tinanggap ko na kasi yung alok ni Aulhexa na magtrabaho ako sa Sweets in Heaven Cafe pero hindi yung posisyon na inaalok niya. Syempre nakakahiya.

    Nagpupumilit siyang i-hire ako as Operation Manager pero hindi ako pumayag. Hindi ko rin kasi alam kung paano mag-handle ng ganung store kahit sabihin mong tuturuan naman ako. Mas gusto ko munang mag rank and file position para marami akong matutunan along the way.

    1:30 pm ako pinapapunta ni Aulhexa sa store niya kaya nagsaing na ako para pag uwi nila Papa may kakainin na sila. Binilisan ko na ang kilos ko at naligo na ako dahil 10:33 am na rin at traffic ngayon.

    12:14 pm na nung makaalis ako sa bahay. Mahigit isang oras rin ang binyahe ko papunta sa Cafe ni Aulhexa.

    Inayos ko ang buhok ko, polo ko, at skirt ko. Huminga ako ng malalim saka pumasok sa store. At tumambad sa pang amoy ko ang mabangong aroma ng mga kape na binibenta ni Aulhexa. Napangiti ako dahil kahit may pasok ang mga istudyante marami pa ring customer ngayon. Bukod kasi sa affordable na yung mga foods, masarap rin at maganda pa ang ambiance ng Cafe kaya dayuhin talaga iyon ng mga istudyante.

    “Ms. Kiera?” Napalingon ako kay Ma’am Celine nung napansin niya ako. Nagkakilala kami nung store opening ni Aulhexa, six months ago.

    “Ma’am Celine,” Itinigil niya ang paglilista niya saka nag-focus sa akin.

    “Glad you’re here.” Sabi nito. Ngumiti ako. Sa pagkakaalam ko mas matanda siya sa akin. She’s 28 years old at may 1 year old kid na rin.

    “Louise,” agad na lumapit ang isang crew sa amin nung tawagin niya ito.

    “Yes ma'am?” Sabi nito.

    “Ikaw na muna ang bahala dito. We’re just going upstairs.” Pasuyo nito.

    ”Okay po Ma’am.” Sagot ni Louise.

    “Anyway, this is Ms. Kiera—she’ll work with us—our boss’s best friend,” pakilala nito sa akin. “And Ms. Kiera, this is Louise.”

    “Nice to meet you, Ma’am Kiera.” Nahihiyang saad nito.

    Nahihiyang mgumiti ako. “Nice to meet you, Louise pormal naman masyado ng Ma’am Kiera. Kiera na lang.”

    Natawa ang dalawa saka namin napagdesisyunan ni Ma’am Celine na umakyat ng second floor kung saan naroon ang office ni Aulhexa. Umupo na ako sa couch at inilibot ko ang mata ko habang may kinukuha si Ma’am Celine sa drawer ni Aulhexa.

DLS 1: A DEAL WITH MY SISTER'S BESTFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon