𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 21

2.6K 47 3
                                    

KIERA'S POV

6:17 am nung makarating kami ng Isang Wow Cafe at napaawang na lang ang bibig ko nung makapasok kami doon at matanaw ko ang sea of clouds.

Napalingon ako kay Dwight saka nagsalita, "ayos kape natin ah, sa Sagada."

"Sagada sa ganda," ngiti nito. After no'n tumingin na siya ng puwede naming kainin, hindi na kami kumain kanina habang nasa byahe kahit inaaya niya akong kumain muna dahil baka daw nagugutom na ako, pero tumanggi ako, dahil pareho naman kaming busog at baka hindi na namin maabutan ang pagsikat ng araw sa Sagada kung tanghali na kami makakarating dito.

Binigay niya sa akin ang menu at pinapili na ako ng pagkain ko at dahil ayoko muna ng heavy meal, umorder lang ako ng pancake at hot chocolate habang siya naman ay umorder ng heavy meals.

Napangiti na lang ako habang nasa counter siya para magbayad dahil kumakain na siya sa umaga. Sana nga magtuloy tuloy iyon.

Agad rin siyang bumalik sa upuan niya.

"Hindi pa rin ako makapaniwala na nadala mo ako dito. Hindi kasi talaga pumapayag si Papa na umalis ako."

"Hindi ko rin expected, mabuti na lang tinulungan ako ni Tita." Napatango naman ako sa sinabi niyang iyon. "Pero nagtataka lang ako, 25 years old ka na hindi ka pa rin pinapayagan mag hang out?"

Ngumuso ako, "protective lang sila sa'kin kasi maganda ang panganay nila."

Agad siyang ngumiti nung sabihin ko iyon. "Pinapayagan naman akong sumama sa mga kaibigan ko basta huwag lang daw akong gagabihin, saka katulad mo ayoko ring pabayaan ang pag aaral ko no'n syempre hindi ako puwedeng bumagsak sa Clifford kasi scholar lang ako."

Tumango ito. "But at least you're graduated now, and look how far you've come by not going out and listening to your parents."

Napangiti ako nang sabihin niya iyon. Simple lang iyon pero makahulugan.

"Nakakaproud rin yung mga babaeng hindi panay hang out, hindi maluho, hindi maarte at alam niya yung priorities niya sa buhay. I like that." Dagdag niya pa.

Nag iwas ako ng tingin dahil pakiramdam ko nag init ang pisngi ko. Ayokong makita niya na nasisiyahan ako sa mga sinasabi niya.

Tumigil siya sa pagsasalita kaya napatingin ako sa kaniya at naabutan ko siyang nakatitig sa akin kaya agad na bumilis ang tibok ng puso ko.

"B-bakit?" nauutal na tanong ko.

"Wala lang, narealized ko lang ang suwerte talaga ng magiging boyfriend mo. Sana kapag nagkaboyfriend ka na ng totoo at hindi sa papel lang katulad ko, huwag kang magsi-settle for less 'coz you deserve everything." Sabi nito.

Nginitian ko lang siya, pero hindi iyon umabot sa mata ko. "Sana nga kapag nagkaboyfriend ako ng totoo, katulad mo rin. Ang suwerte ko kasi sa'yo to the point na pakiramdam ko mahihirapan na akong makahanap ng tulad mo sa panahon ngayon. Kasi minsan kahit bare minimum na lang... hindi pa magawa ng ibang lalake."

Natahimik ito saka ako pinakatitigan bago nagsalita. "Thank you for that affirmation, but don't idolize me that much. I'm a person who also makes mistakes in relationships."

"But I saw how you give your all when you're in a relationship, kaya huwag ka rin magsettle for less."

Muli niya akong tinitigan kaya nginitian ko lang siya saka ako ng iwas ng tingin eksakto naman dumating na yung order namin na pagkain.

"Thank you," sabi ni Dwight sa sa server saka inabot sa akin ang pagkain ko kaya nagsimula na kaming kumain habang pinagmamasdan ang sea of clouds at ang tuluyang paglabas ng haring araw.

Tahimik lang kaming kumain at agad rin kaming natapos kaya nung tumama na sa balat namin ang sikat ng araw, umalis na rin kami agad para pumunta sa hotel na ibinooked niya. Bukas daw kami magha-hike at nalaman ko na tatlong araw at dalawang gabi pala kami mag i-stay dito.

Habang papunta kami sa hotel na binooked niya, hindi talaga mawala sa mukha ko ang pagkamangha dahil first time ko lang makarating dito at makakita ng magagandang tanawin. Tama nga yung sinabi niya na ang Sagada ay sagad sa ganda, parang ako.

Nakayakap lang ako sa sarili ko habang nagda-drive siya dahil nga sa klima ng lugar na ito at agad niyang napansin iyon kaya dinampot niya ang jacket niya na nasa back seat gamit ang isang kamay niya at ibinigay ito sakin

"Isuot mo," sabi nito, habang nakafocus ang mata sa daan.

"Paano ka?" tanong ko.

"Okay lang, mas kailangan mo 'yan saka malapit naman na tayo." Napangiti ako sa likod ng isip ko.

Kakaiba talaga si crushycakes.

Ginawa ko ang sinabi niya. Ilang minuto pa, nakarating na rin kami sa The Shire of Sagada.

DLS 1: A DEAL WITH MY SISTER'S BESTFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon