CHAPTER 18-MY PERFECT WIFE (book 2) *time is ticking...* part 1

12.6K 122 4
                                    

Merberry's note- devided into 2 parts dahil mahaba ito at para makapag dedic rin ako sa iba, thanks po, salamat sa nag hintay...

CHAPTER 18-MY PERFECT WIFE (book 2) *time is ticking ...* part 1


Tik tok...

Tik tok..

Tik tok..



Napatitig ako sa taas kung nasaan ang orasan, alas nuebe na pala ng gabi. Kasalukyan akong nasa convenience store habang yakap yakap ko ang stuff toy ko na kasama ko sa pamimili, Gusto ko lang naman bumili ng my favorite chokoleyti chuckie. Magbabayad na sana ako sa counter ng biglang nahagip ng mata ko ang isang magazine na may pamilyar na cover.



Kumunot ang noo ko habang papalapit ako rito, kasabay nito ay ang biglang paniningkit ng mga mata ko.



Si Seph??

Agad ko itong dinampot sa Magazine stand at agad na tinanggal ang nakabalot na plastic cover dito upang mabasa ang laman.

 BUSINESS TODAY


'
Joseph Rafael Mendez runs one of  the worlds biggest steel empire by merging his phil-based company with luxemburgh.'

Mabilis na pinasadahan ng mga mata ko ang ibang nakasulat dito.

'Mendez corporation steel company is now the largest steel producers in Asia conquering Europe.'

Miss bawal pong buksan yan.-Bigla akong nagulat sa sita ng taga bantay kaya bigla ko rin itong nasara. Ayan tuloy nasimangutan at nginusuan ko pa siya. Manggulat ba naman.

Bakit?! Bibilhin ko naman po ito Ah! EH! Hmp!- nagmartsa na ako papuntang counter.

Pagkarating sa bahay ay kumportable akong nag indian sit sa harap ng center table at sinimulang basahin ang nasabing magazine.

Siya ata ang feature ng magazine na ito eh.

Pinasadahan lamang ito halos ng aking tingin, hindi ko na binasa lahat ng nakasulat dahil wala naman akong masyado alam sa business, atsaka pake alam ko ba dun?

Marami din siyang pictures dito, may parang nasa taas siya ng stage at nagbibigay ata ng speech, may microphone sa harap niya eh.

Meron pang parang nag she-shake hands sila ng isang indiano na ewan ko kung bakit, hindi ko na rin binasa ang buong article, kasi sa totoo lang wala akong maintindihan sa mga nangyayari. Kung sana may sinabi siya sakin, kahit papaano sana ay alam ko ang nangyayari sa kanya, diba?

MY CHILDISH WIFE(book 1&2)-finished-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon