CHAPTER 15-MY PERFECT WIFE (book 2) *Pissed* part 1

13.6K 151 16
                                    

CHAPTER 15-MY PERFECT WIFE (book 2) *Pissed*  part 1

   Nakaupo ako ngayon sa labas ng gate ng bahay namin habang nakatungong nakasandal naman ang aking noo sa mga tuhod ko, na gets niyo ba? Galing! Bigyan ng Jacket yan.  Pero yung totoo kalalabas lang ng asawa ko papunta ng trabaho eh, dito muna ako sa labas gusto ko lang makasinghot ng fresh air. Lately masyado na akong kinukulit ni Jacko na bumalik sa Medical Center, dinadahilan ko na lamang na babalik ako sa lalong madaling panahon. Pero kailan kaya yon?

Inangat ko ang tingin ko sa tapat ng araw, gusto ko lang i-challenge ang mata ko kung talaga bang sensitive nga ito pag nakatapat sa liwanag kaso pag kaangat ko pa lang ng mata ko ay nahagip agad nito ang isang batang nakaupo sa tabi ko na ginaya pa ata ang posisyon ng pag kakaupo ko. Nakatungo rin siyang nakaupo, yung style ng upo na hindi nakasayad ang pwet sa lupa.

Colleen??- patanong kong usal, hindi ko kasi alam kung siya nga ba ito dahil nakatungo nga siya, nag angat naman siya agad ng tingin at nakumpirma ko nga na siya ang batang ito, pero iba siya ngayon parang ang lungkot lungkot niya.

Colleen may problema kaba?

Ikaw Ate may problema kaba?

Teka, ako unang nag tanong sayo ah.

Ako ang latest na nag tanong Ate kaya ako ang sagutin mo- naka nguso niya pang sabi.

Aba batang ito, parang ang tanda na kung sumagot ah- medyo pasaway kong litanya sa kanya, nasa lima o anim na taong gulang palang ata ang batang ito pero parang ang tanda na kung mag salita.

Nakakainis kasi Ate eh, nakakainis!



Oh ano nanaman ang kinaiinisan mo?



Kasi si Enzo  eh.

Oh anong meron kay Enzo?- Naalala ko nga pala si Enzo yung bestfriend niyang halos ka edaran niya na lagi niyang kasama dati. Yung nakasama rin naming mang- huli ng gagamba? Alala niyo na? Ayan bigyan ko ulit kayo ng Jacket! Deh joke lang Sa totoo lang gusto ko lang mag patawa kasi baka isipin niyo nagiging drama na masyado ito, knock knock romcom po ito.

Kasi Ate ayaw niyang sagutan itong slambook ko.

Saka nalipat ang atensyon ko sa hawak niyang pink na Slambook raw, halos kalaki ng normal na notebook, at may lock din itong kulay pink na transparent ribbon.

Ang gusto ko lang naman Ate sagutan niya ang unang pahina nito eh kaso ayaw niya, tinaguan niya pa ako!! nakakainis talaga.

MY CHILDISH WIFE(book 1&2)-finished-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon