CHAPTER 11-MY PERFECT WIFE (book 2) part 2- I LOVE YOU

15.5K 178 40
                                    

CHAPTER 11-MY PERFECT WIFE (book 2) part 2- I LOVE YOU

      Hindi maitago ang labis na pagkamangha ko sa nakikita ng aking mga mata ngayon. Sa sobrang linis kasi ng tubig ay halos kakulay na ito ng ulap na kulay asul tapos ang pinong maputing buhangin pa na inaapakan ko ay tila may nakatagong mumunting dyamante dito kasi kumikislap ang mga ito sa tuwing nasisinagan ng araw, Yan ang tanawin na sumalubong sa amin.

Puti ang kulay ng bahay sa loob at napapalibutan ang naturang bahay ng mga halamang puno at bulaklak na prang niyayakap ang buong bahay.

Umupo ako sa malaking-malaking malambot na sofa na nandoroon,,sa sobrang laki ng sofa pwede ko ng gawing tulugan ito.

Umupo rin sa tabi ko si Hushbee, nakakapagod din kasi ang byahe eh.

Nasa Palawan tayo ngayon Neng alam mo ba yon?

Hindi ko alam, pero okey lang naman kahit saang parte tayo ng mundo basta kashama kita hushbee.

Halika mya papakita pa ako sayo.-iginiya niya ako papunta sa kung saan.

Hushbee may Piano dito oh.-umupo ako sa pahabang silya na nasa harap nito.

Hushbee bakit may piano dito?

Alam mo ba yung snorkeling?

OO bakit? -seryoso kong tanong sa kanya, totoo namang alam ko iyon eh! Akala niyo ha!

Mag snosnorekling tayo pero bago iyon itatapon ko muna itong piano sa dagat.

Hah?-napatakip ako ng bibig paiwas sa kanya, ang weird kasi.

Bakit hushbee? Sayang naman itong piano,mukhang mamahalin pa naman, sinasabi mo ba yan dahil mag papatulong kang bitbitin ito palabas?

Hindeh! Ako ang tutulong sayo, tutulungan kitang bawasan yang pagiging uto uto mo.

Naman Seph eh!- nahumpash ko nanaman tuloy siya sa dibdib niya, pero gaya ng sabi ko ang humpash ay pahapyaw lamang na hampas kasi may kasama yang pag mamahal. Harharhar.

Halika ka dito tayo tingnan mo- pumunta kami sa gilid na bahagi ng bahay.

Napatulala ako sa nakita ko, dahil sa malaking swimming pool na kapag nakita mo ay halos karugtong din ito ng dagat dahil sa linis at kulay asul din ito at gaya ng dagat payapa din itong tingnan.

(se multimedia na lang po)

Ang ganda ano?-Nakatingin na siya sa akin ngayon.

MY CHILDISH WIFE(book 1&2)-finished-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon