CHAPTER 7-MY PERFECT WIFE (book 2) part 2*New beginning*

17.2K 197 28
                                    

ANENG'S POV

Time-2am

meowww- pusang gala sa itaas ng bubong

Hushbee.- tawag ko sa kanya sa namamaos kong boses.

Hmmm?- pilit niyang sagot.

Hindi ako makatulog.

Bakit?-sabi niya sa naniningkit niya pa ring mata.

Maingay kasi iyong pusa.

Meowwwwww.meowaaaahhh....

Matulog na tayo okey, inaantok na talaga ako- sabi niya sabay tuluyang  pinikit ang kanyang mga mata.

Meowwww....waaaah.

Iyong pusa ang ingay kasiiii!!-medyo napataas pa ang boses ko at napakampay pa ako ng paa sa sobrang iritasyon ko sa ingay ng pusa.

Hindi naman nagreklamo ang pusa nung ikaw ang nag ingay kanina ah.

Waaaaaaaaaah! Oo matutulog na. Huhu..- Napahiya pa tuloy ako, medyo nag taka pa ako kasi nakahiga na pala kami sa malambot na kama ang huling maalala ko kasi, ako agad ang unang nakatulog kanina..

Matulog na sabi.- pilit niyang sabi habang nakapikit pa rin.

Niyakap niya ako ng mahigpit at dinantay pa niya ang isang binti sa akin ,like a normal husband and wife gesture. Wala na nababalutan na talaga ako ng sobrang kasayahan gaya nang pagbalot niya sa akin ng kumot para makatulog ako ng maayos at mahimbing at makalipas ang ilang sandali ay hinila na ako ulit ng antok pabalik.

-----

Nag lalakad ako papalapit kay Seph hawak hawak ang bungkos ng bulaklak, habang ako'y nakasuot ng mahabang puting gown. Papalapit nang papalapit na ako sa kanya ng Biglang humaba ng humaba ang aisle na nilalakaran ko hanggang sa lumayo siya ng lumayo sa akin, pinilit kong tumakbo papalapit sa kanya pero lalong humaba ang aisle dahilan upang mawala siya sa paningin ko at hindi ko na siya makita.

Seph! -Malakas kong tawag sa kanya at pag katapos noon ay bigla pa akong natumba. Pinilit kong tumayo para habulin siya kaso tuluyan na rin siyang nawala.

------

Huh!

Napabalikwas ako ng bangon,hawak hawak ang dibdib ko dahil sa bilis ng tibok ng puso ko mistulang lalabas na ito. Teka gising na ako pero mabilis pa rin ang tibok nito. Isang masamang panaginip lang pala, agad hinanap ng mga mata ko ang aking asawa at nakita ko siyang payapang natutulog habang nakayakap pa rin sa bewang ko, kaya ang kaninang masamang kong gising ay agad ring napalitan ng saya. Sabi nga nila ang panaginip ay madalas taliwas sa reyalidad.

MY CHILDISH WIFE(book 1&2)-finished-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon