Chapter 1.1

30.5K 407 9
                                    


Severa-Vega nuptials. Ang pinakahihintay na kasalan ng taon sa lalawigan ng Pontevedra. Ito ay walang iba kundi ang pakikipag-isang dibdib ni Daphne Alcaraz Vega sa guwapong arkitekto na si Gerone Montilla Severa.

Daphne joyfully surveyed everything in the surrounding, the guests, the venue, the decorations and the flowers. Gusto niyang itatak sa kaniyang memorya ang lahat ng alaala ng isa sa pinakamimithing okasyon ng bawat babae sa buong buhay niya, her marriage.

But was she really happy? Or did she only convince herself that she could be happy with Gerone Severa? Pero ano pa ba ang hahanapin niya sa kaniyang groom? Nasa lalaking ito na ang lahat ng hahangarin ng bawat babae. Kaguwapuhan, katalinuhan, kayamanan at kapangyarihan. All of these were in Gerone's possession.

Pero masaya rin kaya si Gerone sa mga sandaling ito? She hoped he was. Kung tutuusin ay hindi naman lugi si Gerone sa kanya. She was equally beautiful and famous just like him. Maraming lalaki rin ang humahabol at naghahangad sa kanya. Ang

pangalang Daphne Vega ay bukang-bibig sa mga pagtitipon ng mga rich and famous sa buong Pontevedra.

But Daphne knew that something was more than this matrimonial ceremony. Ito ay nangangahulugan din ng pagsasanib ng puwersang pulitika ng dalawang makapangyarihang pamilya sa nabanggit na probinsiya. Ang papa ni Gerone ay ang incumbent governor ng lalawigan at ang daddy naman niya ay ang incumbent mayor ng kanilang bayan, ang Zaragosa. Lalong pinagtibay nina governor Amador Severa at mayor Rodante Vega ang mahabang panahon ng pagkakaibigan at pagsasama sa ilalim ng iisang partidong pulitika sa pamamagitan ng pagpapakasal sa kanilang dalawa ni Gerone.

Wala ring pagsidlan sa tuwa ang kanilang mga ina, sina Carolina Montilla Severa at Elaine Alcaraz Vega, sapagkat sa wakas ay matutupad na ang kapwa inaasam ng mga ito, isang apo na magpapatuloy ng nasimulan ng kani-kanilang angkan sa larangan ng pulitika at kapangyarihan sa lalawigang ito.

Dinaluhan ang kasalan nang matataas at kilalang tao sa lipunan. Maging ang presidente ng bansa ay naroroon din bilang isa sa mga ninong nila sa kasal. Ilang sikat na pulitiko, celebrity at negosyante rin ang naroroon. Ang nakababatang niyang kapatid na si Dorcas ang kaniyang maid of honor at ang kaniyang best friend na si Misty Zaldriaga naman ay gumanap bilang isa sa mga bridesmaid. Talitha Zaldriaga was also there, Misty's younger sister and Dorcas' bestfriend.

Isang marangyang garden wedding ang napagkasunduan ng

kani-kanilang pamilya. At ang maluwang na hardin ng Frontera Resort and Hotel ay sakto sa naisip nila. Isa itong five-star hotel na bagong tayo sa kanilang bayan. Maraming kababayan nila ang nabigyan ng trabaho dahil sa pagkakatayo ng hotel na ito, ngunit nakapagtatakang hindi lumulutang sa madla ang totoong may-ari nito. Hanggang ngayon ay nananatiling palaisipan sa mga taga-Pontevedra kung sino talaga si Stefano Estillore, ang half-Filipino, half-Spanish billionaire na diumano ay may-ari ng Frontera.

A cheerful smile curved on her lips when she glanced at Gerone beside her. Nasa kalagitnaan na sila ngayon ng sermon ng pari. Tahimik lang na nakikinig ang lalaki sa tabi niya. As usual, she couldn't help but to secretly admire her groom. Gerone was handsome, tall, and with a slim body matched with smooth and fair complexion. Kilala ang mga Severa sa mestiso at mestisang kaanyuan. Idagdag pa ang pagiging isang mahusay na arkitekto nito, kung kaya ang pagiging isang Severa ay bonus na lang.

Napabuntong-hininga si Daphne sa isiping ilang minuto na lang at magiging Mrs. Severa na siya. Limang buwan pa lang silang magkasintahan ngunit dahil sa panunulsol ng kani-kanilang pamilya ay humantong agad sila sa kasalan. Laging sinasabi ng mga ito na kung nagkakaintindihan naman silang dalawa ay bakit hindi pa sila magpakasal. Pero alam niya, na bukod doon ay meron pang mas matinding dahilan kung bakit nagmamadali ang kani-kanilang magulang na makasal sila agad. At iyon ay upang lubusan silang makatulong sa pangangampanya ng mga ito sa darating na halalan. Kaya pagkatapos ng ilang buwang relasyon bilang magkasintahan ay nagkasundo silang dalawa na magpakasal na dahil nasa tamang

Sinfully Yours  (Scandals and Seduction Series Book 1) INCOMPLETE/SELF-PUBLISHEDWhere stories live. Discover now