Chapter 2.1

15.7K 324 7
                                    

"Ano'ng nangyari, iha? Bakit narito na kayo agad? Hindi ba tatlong araw ang free room accommodation na ibinigay sa inyo ng management ng Frontera para sa honeymoon ninyo ni Gerone?" nagtatakang sunod-sunod na tanong ni mommy Elaine kay Daphne.

Naririto sila ni Gerone ngayon sa kanilang bahay. Bago tumuloy sa mansyon ng mga Severa ay napagkasunduan nilang mag-asawa na dumaan muna sa bahay ng kaniyang mga magulang. Nagulat si mommy Elaine nang makita silang dalawa ni Gerone. Agad siya nitong hinila sa kusina upang hindi marinig ni Gerone at ng kanyang daddy ang kanilang pag-uusap. Naiwan ang dalawang lalaki sa sala.

"Ganoon nga, mommy," nagmamaktol na tugon niya.

"So, bakit nga narito na kayo? At ang sabi ni Gerone ay didiretso na kayo sa kanilang mansyon? Don't tell me na wala siyang ibang plano para sa honeymoon ninyo?"

Napabuntong-hininga si Daphne. Iniisip kung tamang sabihin sa ina na wala pang nangyayari sa kanila ni Gerone mula pa kagabi.

Ngunit madaling makaramdam ang kanyang mommy Elaine.

"May problema ba, iha?"

"Mommy, I don't know if I have to tell it to you, but I guess Gerone is not that excited to take me as his wife."

"What?" Napalakas ang boses ni mommy Elaine kung kaya agad nitong tinakpan ang sariling bibig sa pag-aalalang marinig sila ng dalawang lalaki na nag-uusap din sa sala. "That's impossible, iha. Gerone loves you very much. Everybody knows that. Dahil kung hindi, hindi ka niya pakakasalan."

Napailing siya tanda ng pagtutol sa sinabi ng ina. "Pero bakit ni hindi niya ako hinawakan man lang kagabi, mommy? Sa halip ay uminom siya nang marami pagkatapos ay natulog. And this morning, he refused to do it with me. Sobra niya akong pinahiya."

Masuyong hinawakan ni mommy Elaine ang kaniyang balikat. "I'm sorry, iha. Pero baka may matinding dahilan kung bakit."

"Tulad ng ano, mommy?"

"The Severas are a very conservative family. Alam mong masyadong makaluma at torpe si Gerone at ikaw lang ang kanyang naging kasintahan sa pagkakaalam nating lahat. At ilang buwan lang kayong naging magkasintahan bago nagpakasal. Sabihin na nating baka hindi pa siya ganoon kahanda para tumupad sa mga tungkulin bilang asawa."

"At his age, mommy? My God, he is thirty. At ako? Hindi ba, I also came from a conservative family? Pareho lang kaming walang karanasan. Pero dapat ay siya itong mas agresibo sa aming

dalawa?"

"Iha..." May takot na rumehistro sa mga mata ng kanyang ina. "I hope this will not cause a conflict between the two of you. Alam mo kung gaano kahalaga ang marriage ninyo ni Gerone hindi lang para sa inyong dalawa kundi maging sa pamilya natin."

Napabuntong-hininga siya sa sinabi ng ina. "I know, mommy. Alam ko naman kung bakit halos ipagtulakan ninyo ako na makasal agad kay Gerone. It's because of daddy's political ambition."

"I'm sorry,iha. Pero kung hindi ka naman pumayag ay hindi ka naman namin pipilitin ng iyong daddy."

"Alam ko naman iyon, mommy. Kaya lang, hindi ko pa rin maiwasan na isipin na ginamit lamang ni daddy at ni governor ang sitwasyon namin ni Gerone para sa sarili nilang kapakanan."

"Iha, alam mong malakas ang kalaban ng iyong ama sa pagka-mayor sa darating na eleksyon. Anak ng dating gobernador ng Pontevedra si Raul Mondego. At ang ama nito na si Simoun Mondego ay tatakbo muli bilang gobenador at siyang makakalaban ng iyong biyenan na si Amador Severa. Kinailangang pag-isahin ni Rodante at Amador ang kanilang makinarya at mga supporter sa pamamagitan ng pagsasanib ng ating mga angkan. Mas marami at mas nagkakaisa, mas may puwersa tayo laban sa makapangyarihang angkan ng mga Mondego."

Sinfully Yours  (Scandals and Seduction Series Book 1) INCOMPLETE/SELF-PUBLISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon