BLURB

33.2K 472 5
                                    

***THIS STORY IS NO LONGER COMPLETE.  READ AT YOUR OWN RISK***


Ako si Daphne Vega. Kung gaano ako kaganda at kaakit-akit sa labas ay isa namang sugatang kaluluwa ang nasa loob. Ang maging kabiyak ng anak ng pinakamakapangyarihang lalaki sa aming lalawigan ay sapat na upang umani ako ng mga papuri at inggit mula sa kapwa babae. Ang hindi nila alam ay impiyerno ang pinagdaraanan ko sa mga sandaling hindi kayang tugunan ng lalaking pinakasalan ko ang aking paghahangad bilang babae.

Hanggang dumating sa buhay ko si Stefano Estillore. Punong-puno siya ng init at pagmamahal. Gusto kong iwasan ang tukso ngunit mahirap lalo na at pinagbubuklod kami ng aming mga pangangailangan. Hanggang kapwa kami natupok sa naglalagablab na apoy sa aming pagitan.

Sa isang kisap-mata ay niyakap namin ang kasalanan. Tinikman namin ang bawal at lubusang sumuko sa ilalim ng kapangyarihan ng pag-ibig at pagnanasa.


Sinfully Yours  (Scandals and Seduction Series Book 1) INCOMPLETE/SELF-PUBLISHEDWhere stories live. Discover now