Part 82

225K 3.8K 104
                                    

Marahas na hinawakan ni Andy ang magkabilang-balikat ni Yolly. "Niloloko mo na naman ba ako, Yolly, hah?!" tapos ay nagngangalit ang mga ngipin niyang tanong. Ang higpit-higpit ng pagkakahawak niya sa mga balikat ni Yolly.

"Answer me!" bulyaw na niya ng pagkalakas-lakas nang hindi pa rin naimik si Yolly. Ang dilim-dilim na rin ng mukha niya. Tumataas-baba ang dibdib niya sa matinding galit.

Ngunit mga luha ang sinagot lamang sa kanya ni Yolly. Luha na nag-unahan sa pagpatak sa makinis na pisngi ng dalaga.

Si Leandro ang akmang pipigil sa ginagawa ni Andy pero pinigilan ito ni Yaya Chadeng. Takang-taka ang binata na napatingin dito

"Hayaan mo silang mag-usap at lutasin ang problema nila," pakiusap ng matanda.

Napabuntong-hininga na lamang si Leandro nang ibalik niya ang tingin niya kina Andy at Yolly.

At makikitang hindi na mailarawan ang nagiging reaksyon ni Andy. Mababakas sa mukha niya ang pait, ang sakit. Maliwanag pa kasi sa sikat ng araw na sa pangalawang pagkakataon ay ginawa siyang tanga ni Yolly. Damn it!

Naglaban ang tinginan nila ni Yolly. At sa pagkakataong iyon ay wala nang nararamdaman na anuman si Andy kahit pa tigmak na ng luha ang mga mata ni Yolly. Hindi siya naaawa or maaawa.

Galit. Tanging galit na lamang ang nararamdaman niya na paulit-ulit na ipinaparamdam sa kanya ng dalaga.

"You're an absolute liar!" tagos sa puso na bulyaw niya pa sabay patulak na bitaw kay Yolly.

Muntik nang matumba si Yolly pero pinatatag ni Yolly ang sarili. Pagkuwa'y tutop ng dalawang kamay nito ang dibdib na nag-iiyak na nagmamakaawang tumingin kay Andy.

"Andy!" Sa pagkakataong iyon ay napalapit na si Yaya Chadeng kay Andy. At si Leandro kay Yolly.

Iniwas ni Andy ang kamay niya sa yaya niya. Ayaw niyang mahawakan dahil pakiramdam niya ay sasabog siya anumang oras sa mga sandaling iyon. 'Andyang mapapamaywang siya, mapapasinghap sa hangin, mapapahilamos sa kanyang mukha tapos tatalikod pero lilingon din naman kay Yolly ng masama. Iduduro rin niya si Yolly habang habol-habol niya ang hininga. Sobrang naninikip na ang dibdib gawa ng matinding galit.

"S—sorry, hindi ko sinasadya. Hindi ko talaga sinasadya," paulit-ulit naman sinasabi ni Yolly na mas nag-iiyak pa.

"Damn you!" malutong na mura ni Andy sa dalaga sabay duro na naman dito. "Isa ka talagang dakilang... wala kang kwentang babae!"

"Teka! Sobra ka naman na 'ata!" alma na ni Leandro kay Andy nang hindi makatiis.

Maangas na lumapit si Andy kay Leandro at dito niya ibinunton ang matinding galit. "F*ck you!"

"Ay!" hiyaw ni Yaya Chadeng nang suntukin ni Andy si Leandro.

Subsob si Leandro. Sa pagkakataong iyon ay natikman ni Leandro ang napakalakas na suntok ni Andy. Sumargo agad ang dugo sa bibig nito. Pero nang makabawi ng balanse ay ito naman ang ubod ng lakas na sumuntok kay Andy. Tumba rin si Andy. Palibhasa ay nakainom ito at hindi nito inasahan iyon.

"Andy!" hiyaw ni Yolly. Sa kabila ng lahat ay si Andy pa rin ang nilapitan niya at iniyakan.

"Huwag mo akong hahawakan!" pagtataboy rito ni Andy.

"Tama na! Tama na, oh?!" Niyakap pa rin ni Yolly si Andy nang pinipilit pa ng binata na tumayo at manlalaban pa sana kay Leandro.

"G*go ka! Tumayo ka riyan!" galit na hamon ni Leandro kay Andy.

Inawat ito ni Yaya Chadeng. Humarang ang matanda kay Leandro. "Leandro, tama na! Wala siya sa sarili niya! Halika na!" tapos ay pinilit ni Yaya Chadeng na inilayo ang binata.

ANG NABUNTIS KONG PANGIT (free/completed)Where stories live. Discover now