Part 17

278K 5.3K 203
                                    

"Hahaha!" Ang lulutong ng mga tawa ni Yolly. Hindi niya inakala na ang saya-saya pa lang kasama ni Leandro. Joker pala ito. Sobrang kalog. Ibang-iba sa character nito na seryoso at istrikto kapag duty bilang guwardya sa Sanchi College.

"Hindi ba tama ako?" nakatawang ani Leandro.

Magkaharap silang kumakain sa isang fast food chain. Tapos na nilang kinain ang nauna nilang in-order na burger kaya nagkukutkot na lang sila ngayon ng fries ni Leandro habang nagkukuwentuhan.

At ang totoo, ayaw niya nga sanang kumain ng fries dahil naalala niya 'yung masaya nilang moment ni Andy. Noong nilibre rin siya, noong wala pa silang hindi pagkakaintidihan. Ang kaso hindi niya mapigilan. Talagang favorite niya ang fries. Kahit na anong fries. Kahit pa nga iyong tagsampung piso na fries sa kanto, papapakin niya talaga.

"Oo na," aniya na tawa pa rin nang tawa. Binigyan kasi siya ng puzzle ng binata pero hindi niya nasagot. At nang i-reveal ni Leandro ang sagot ay corny pala pero nakakatawa naman.

"Sabi ko sa 'yo mag-i-enjoy ka sa pagsama sa akin, eh," sabi sa kanya ng binata nang naglalakad-lakad muna sila sa mall pagkatapos nilang kumain at bago umuwi.

Napabuntong-hininga siya. "Salamat, ha?"

"Salamat din kasi nagtiwala ka sa isang tulad ko lang. Pero ano ba kasi 'yong ini-emote-emote mo pala sa rooftop kanina?"

"Wala 'yon," nahiya niyang balewala.

"Anong wala? Kung hindi nga ako dumating ay baka tumalon ka na roon, eh."

Nginitian niya ang binata. "Hindi, ah. Nagpapahangin lang ako kanina."

Napalabi naman si Leandro. Hindi naniniwala.

"Pero, Leandro..." Hindi na niya tinatawag na 'kuya' ang binata dahil nalaman niyang halos magkaedad lang pala sila nito. Napilitan lang daw si Leandro na magtrabaho agad pagkatapos nitong grumaduate sa high school dahil wala itong pang-aral. Sabay na namatay kasi raw ang mga magulang nito nasa elementary pa lang kaya ito na ang bumubuhay sa sarili nito mula noon.

"Hmm?"

"Nasubukan mo na bang makipag-s*x?"

Nabilaukan bigla si Leandro. Naubo-ubo. Namula talaga ang mukha nito. Ikaw ba naman kasi ang tanungin bigla ng ganoon? As in ng gano'n, ha? Walang prino-prino! Tapos ng isang babae pa! Sh*t!

"Okay ka lang?" Nabahala si Yolly.

"Grabe ka naman kasi magtanong." Nakangiwi at nakahagod sa leeg si Leandro. Panay ang lunok.

Napalabi naman si Yolly sabay kamot sa ulo. "S-sorry. Masyado bang bulgar?"

Napalunok pa muna ng ilang beses si Leandro bago naging okay ulit ang hitsura nito. "Bulgar na bulgar. Para kang hindi babae. Pero bakit mo naman natanong ang ganoong bagay?"

"Wala naman." Mas humaba ang kanyang pagkakanguso. "Sige, kalimutan mo na 'yon. Wala lang naman 'yon."

Hindi rin niya alam kung bakit naitanong niya iyon. Basta na lang lumabas sa kanyang mga bibig. Nakakahiya tuloy kay Leandro.

"Bakit nga?" nga lang ay tanong pa rin ni Leandro.

"Wala nga," paninindigan niya.

"Bakit nga? Sabihin mo na," pero giit ni Leandro. Na-curious na talaga ang binata. Ayaw na siyang tantanan.

"Wala nga. Ang kulit mo naman, eh." Parang batang nagpapadyak siya.

"Eh, hindi mo naman siguro itatanong 'yon sa isang lalaki na walang dahilan, 'di ba?"

Napabuntong-hininga siya. Nga naman.

"Ano nga?"

"Kasi ano—" Gusto niya naman sanang magkuwento sa bago niyang kaibigan pero nagdalawang-isip siya sa bandang huli. "Kasi 'yong pinsan ko, nakipag-inuman noong isang gabi sa isang lalaki. Tapos ano..."

ANG NABUNTIS KONG PANGIT (free/completed)Where stories live. Discover now