Part 59

189K 3.7K 163
                                    

"Ikaw ba talaga 'yan, Yolly? I can't believe this," naibulalas ni Madam Angie. Hinawakan nito ang baba ni Yolly at ibinaling iyon sa kaliwa tapos sa kanan ta's sa kaliwa ulit ta's sa kanan ulit.

Nakangiwi naman si Yolly. May balak yata si Madam Angie na baliin ang leeg niya? Kaloka.

Pinatingala rin siya, at doon na siya umalma. "Uhm, Tita? Tita, wait lang po," pigil na niya sa kamay ni Madam Angie.

Binitawan naman siya ni Madam Angie na ngiting-ngiti pa rin sa kanya.

"Tita, kasi nadapa po ako sa ano... sa CR kanina po kaya ganito ang hitsura ko. Sorry po," paghingi niya ng paumanhin at palusot na rin niya. Ang alam niya kasi ay napapangitan pa lalo si Madam Angie sa hitsura niya ngayon na walang eyeglass at walang tali ang buhok.

"Thanks to CR if that so."

"Po?"

"Ang sabi ko ay salamat sa CR kung ganoon dahil inilabas niya ang totoong ganda mo, Yolly. Maganda ka pala kapag wala ang salamin mo at bangs. You look great, hija. Sabi ko na nga ba at may itinatago kang ganda. Konting ayos ka lang ay baka may matatalo ka pang artista sa ganda mo."

Namilog ang nga mata ni Yolly at napanganga rin. Ano raw?

"Oh, nandito pala kayo. Kaya pala 'yong malditang bruha na demonyitang babae ang nando'n na nagbabantay kay Andy. Lumabas agad ako kasi kung makatingin akala mo kakain ng tao." Lapit sa kanila ni Aling Yolanda nang makita sila.

Pagkatapos mag-usap kanina nina Madam Angie at Aling Yolanda ay pinauna na ni Madam Angie si Aling Yolanda sa silid ni Andy para samahan na si Yolly, dahil magre-rest room daw saglit si Madam Angie nang madaanan nito ang pampublikong banyo ng ospital.

"Yes, Balae, and look." Proud si Madam Angie na inilahad ang kamay sa mukha ni Yolly. "May tinatago pa lang ganda ang anak mo."

"Huh?" Katulad ni Yolly ay napamaang din si Aling Yolanda.

"Tama ang hinila ko noon pa na itinatago lamang ni Yolly ang kanyang ganda sa pagbabaduy-baduyan niya," wika pa ng madam na ngiting-ngiti.

Nagkatinginan sina Yolly at Aling Yolanda. Nagtatanong ang mga tingin ni Aling Yolanda kay Yolly pero ikinibit-balikat iyon ng dalaga. Hindi rin alam talaga ni Yolly ang sinasabi ng mayamang ginang.

"Look at your daughter, balae. She's beautiful. Dapat inaayusan mo kasi ang anak mo," patuloy pa ni Madam Angie sabay ayus-ayos sa buhok ni Yolly.

Saglit lamang ay natawa na si Aling Yolanda. "Ikaw naman, balae, nagpapatawa ka naman. Saan namang banda ang ikinaganda ng anak ko?"

"'Nay?!" protesta ni Yolly sa ina. Makaasta talaga parang hindi siya talaga anak. Dapat masaya nga ito, eh, dahil for the first time ay may taong nagsabi sa kanya na maganda siya, 'di ba?

Sinamangutan niya ang ina. Kaso ay dinilatan naman siya ni Aling Yolanda.

"Balae, tingnan mo kasi siyang mabuti. Titigan mo at makikita mong maganda pala ang anak mo."

Tinitigan nga ni Aling Yolanda ang anak kaso saan nga banda. Wala nga lang talaga itong makita.

Iningusan ni Yolly ang ina. Panira talaga ang nanay niya kahit kailan. Ay naku!

"Now I know why Andy like you so much, Yolly. Iyon ay dahil siguro nakita ni Andy ang itinatago mong ganda na hindi makita ng iba."

Sa pagkakataong iyon ay parehas na ang reaksyon ng mukha nina Yolly at Aling Yolanda. Parehas umasim. Maasim na maasim na animo'y lumaklak sila ng suka. Kung hindi nila siguro kilala si Madam Angie malamang iisipin nilang naka-drugs ito. To the highest level ang lakas ng tama, eh.

"Yolly, bukas na bukas kapag na-sure kong stable na talaga ang lagay ni Andy ay sumama ka sa 'kin," dikawasa'y seryoso pa rin talagang sabi ni Madam Angie.

"Sa'n po tayo pupunta?"

"Basta and I will assure you that you will like what I will do, especially Andy."

"Po?"

Ngumiti lalo si Madam Angie. Parang nag-iba ang laman ng isip nito at tama nga. "Ay, hindi, mamayang gabi na pala. You get ready, Yolly, because we have an appointment tonight," dahil sabi ulit nito na tiwalang-tiwala sa sarili.

"Po? Sa'n po ba tayo pupunta, Tita?"

"Basta akong bahala sa 'yo. Trust me."

"Pero paano po si Andy? Baka bigla siyang magising ta's wala po tayo sa tabi niya... ay este kayo po pala?"

"'Yon na nga, eh, kaya dapat mamayang gabi ay magawa ko na ang plano ko sa 'yo. Para paggising niya ay boom! Magugulat siya sa makikita niyang bagong Yolly," Kinikilig pa si Madam Angie habang sinasabi iyon.

Nakunot na ang noo ni Yolly. Nakuha na niya kasi ang gustong mangyari ni Madam Angie, kaso ay hindi siya pabor doon. Ayaw niyang baguhin ang hitsura niya. Gusto niya ay si Yolly pa rin na totoo ang makikita ni Andy paggising nito.

"Yolly, listen to me." Hinawakan ni Madam Angie ang dalawang kamay niya. "Naipaliwanag na sa 'kin ng nanay mo ang nangyari; na hindi ka totoong buntis at galit na galit sa 'yo ang anak ko."

Nangilid agad ang mga luha niya na tumango bilang sagot. Napayuko rin siya ng ulo dahil nakaramdam ulit siya ng hiya kay Madam Angie. Dahil ito man ay malinaw na niloko rin niya.

"Sorry po. Hindi ko po sinasadya," senserong paghingi niya ng patawad.

"Kung totoong nagso-sorry ka, pwes patunayan mo. Sundin mo ako. Dapat ka na ngayong magpaganda kung ayaw mong mawala sa 'yo ang anak ko," madiin na wika ni Madam Angie sa kanya na wala man lang mababakas na galit o pagdadamdam sa tinig nito.

"Pero—" angal pa rin sana niya.

"Wala nang pero pero," ngunit pamumutol sa kanya ni Madam Angie. Hindi na siya hinayaang magsalita.

ANG NABUNTIS KONG PANGIT (free/completed)Where stories live. Discover now