Chapter 31 ♥

19 3 0
                                    


Chapter 30 - Throwback

"Being insecure is a disease, So please get well soon bitch."

***


AUDREY'S POV


Ang tanga tanga ko talaga!!!! Nakakaasar!! Bakit ba kasi kinuwento ko pa 'yun nung Reporting ko kanina! Nakaka beastmode!!

Wala na akong ginawa kundi ang gumulong ng gumulong dito sa Kama ko! Bwiset!! Nakakahiya talaga...

Habang pagulong gulong ako.. May nahagip ang paningin ko.. T-teka! Ano 'yon?

Lumapit ako sa Aparador at inaabot ang Box na nasa itaas nito. Kanino 'to?

Nung maabot ko na 'to. Bumalik na ulit ako sa Kama at doon binuksan 'yung box.

Kinuha ko ang nasa Loob nito...

Wtf!!!

Picture namin ni Jhared nung nasa  Park kami at nag i-star gazing, pati yung Picture namin noon pa. Pati 'yung first picture namin nung nasa Hospital ako. Nakapuyod pa sya dito nun e.

Bakit andito 'to? Nakaka asar! Kinuha ko ang lahat ng Pictures.

Tiningnan ko 'to isa isa. Napangiti nalang ako ng wala sa Oras.

Etong Picture na 'to. First picture namin 'to. Tandang tanda ko pa 'to. Eto yung iniligtas nya ako dun sa Sira ulong lalaki.. Kahit hindi maganda unang pagkikita namin nagawa nya padin akong ipagtanggol.

Tapos yung pangala yung Nagdate kami. Ay wait lang? Date ba 'yun? Eto yung nagpaganda pa ako. Tapos ang sasabihin nya lang sakin. Bakit daw ganun ang itsura ko.. Ayaw pa nya.. Nag kulot pa ako nun ng buhok tas nag dress pa ako nun, nag maka up din ako nun ng Light. Tapos mukhang hindi sya nagandahan sakin nun -_________-

At yung pangatlo.. Eto yung nasa Classroom kami. Tulog nga sya dito e.. Ang cute ^____^ Ang dami kong picture nya na Tulog. Pero ito yung pinaka cute, medyo nakanganga kasi sya nito e. Oh diba? Ang cute nya kaya... Nagising pa nga sya nun kasi biglang nag flash. Ang tanga lang, sayang lang eh.

Tapos yung pang apat. Eto yung Nasa kanila ako, Naliligo sya nun, kaya pinicturan ko yung mga picture nya nung bata. May kamukha talaga sya e, diko lang malaman kung sino. Basta. Parang nakita ko na talaga sya dati.

Tapos yung panglima, nung nagkasakit ako, yung sya yung nag alaga sakin. Tapos yung isa yung sya naman ang may sakit at ako ang nag alaga sa kanya. Naalala ko 'to. Eto yung ipapainom nya saking gamot e yung pang palaglag ng Baby. Ang lakas ng Trip. Akala daw nya Paracetamol. Bakit kasi may ganung gamot sa Medicine box namin e.

Tapos yung pang anim, eto yung nagco-computer sya tapos hindi nya ako pinapansin. E kasi naman naglalaro sya nun ng LOL. Yan, pinagtripan ko nga. Pinicturan ko, ang pangit nga nya dun e, seryosong parang naiinis. Pero ang astig padin tingnan XD

Tapos yung pang Pito, eto yung nasa Ice cream Parlor kami. Busy sya sa Pagkain kaya di nya napansin na andami na naming Picture nun. Hindi nga sya nakatingin e, para tuloy akong tanga nun na nagpipicture mag isa tapos yung kasama ko sa picture di nakatingin. Pero ok lang din, cute nya dun kalat yung Ice cream.

Tapos yung pang Walo. Picture namin 'to nung nag simba kami. Yung madre pa nga ang nag picture samin nun e, andun kami sa harap ng Altar. Ang cute cute ko kaya dun. Tapos si Jhared ang astig ng dating. Yung isang kamay nya naka-akbay sakin tapos yung isa nasa bulsa nya. Oh diba? Ang hot ng Lolo nya. Hahahaha

Tapos yung pang Siyam, yung nasa Play Ground kami. Naalala ko na naman yun e, ang tanga nya nun. Naka upo ako sa Duyan, tapos bigla nyang inugoy ng napaka lakas. Muntikan na ako nun tumalsik e. Buti nalang talaga nakakapit ako noon.

Dirty LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon