Chapter 26 ♥

85 6 2
                                    

Chapter 26 - Arrange Marriage/Caleruega

"Memories are like Photos, you can always look back but you can never go back." -Author

****


Audrey's POV.


Fiancee?


Lumabas ako ng CR at hinabol si Lyca. No, imposible. Fancee? Paano?

"LYCA!!!" Tawag ko sa kanya ng makita ko sya. Hindi sya lumingon pero nakatigil sya.

"Totoo ba? Totoo ba na Fiancee kayo ni Jhared?" Tanong ko sa kanya, humarap naman sya na nakangisi.

"Oo." Tipid nyang sagot at tinaasan ako ng Kilay.

"P-paano?" Tanong ko, ngumiti naman sya sakin.

"Bata palang kami ni Jhared, arranged marriage na kami. Pinag arranged marriage kami ng mag Lolo namin. Dahil si Jhared ang Taga pag mana ng Perez, at ako naman ang taga pag mana ng mga Styles. Magkasing yaman ang pamilya namin nila Jhared, kaya naisip ng Lolo namin ni Jhared na ipakasal kami sa Isa't isa, para lalong mapalago ang Company namin." Di ako makagalaw sa Kinatatayuan ko. Bata palang sila?

"Alam na ba ni Jhared?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi pa. Sa Birthday nya, dun ko sasabihin. Namin, na naka arranged marriage kami sa Isa't isa. I'm sure matutuwa si Jhared. Right Audrey?" Hindi ako makasagot. Di ko alam ang sasabihin ko, para na namang dinudurog ang Puso ko.

"Punta ka sa Birthday nya. December 16. And please, wag mong sasabihin kay Jhared ang about sa Arrange Marriage Thingy na 'to. Gusto ko akong Fiancee nya or Soon to be Lyca Styles - Perez ang magsasabi sa kanya." Sabi nya at nagsimula na ulit maglakad. Lyca Styles - Perez? Dati, kahit Fake lang kami ni Jhared, pinapangarap ko na sana maging ganyan ang Apilyido ko. Kaso imposible na talaga.

Napahawak ako sa Pisngi ko ng makaramdam ako ng Malamig. Naiyak na pala ako. Bakit ba napakahina ko? Bakit ba hindi ko kayang Ipaglaban ang Taong Mahal ko?

Narealize ko yung isang bagay. Yung bagay na mahal ko na pala talaga sya, noong mga panahon na napapalayo na sya sakin. Di ko sya pinahalagahan noon, kahit fake lang ang relationship namin. Tapos ngayon? Ngayong may fiancee na sya, tsaka ko sya hinahabol. At lalong ngayon, na hindi nya na ako gusto at hindi nya na tanda kung anong meron samin noon, yung mga HAPPY MEMORIES namin na naglaho nalang bigla na parang bula. Sana pala noon palang hinanap ko na ang importansya nya sa buhay ko.. Pero hindi e, hindi ko yun pinahalagahan :'( Sinayang ko lang yung chance na makasama talaga ang Taong mahal ko. Ngayon? Ano nalang ba ang turingan namin ni Jhared? Friends? Hindi din. Di naman kami masyado nag-uusap kasi nga di nya na ako tanda. Sana, maalala nya na lahat. Para maging masaya na ulit ako. Para naman hindi ako nasasaktan ng sobra ngayon. Ang swerte naman ni Lyca. Balang araw mapapangasawa nya si Jhared? E kamusta naman ako? Uy! Umaasa lang ako sa wala? Ganun ako? Balang araw magiging Perez sya?

Napapunas ako bigla sa Luha ko ng makita ko si Jeff na papalapit sakin.

"Bakit ka andito? Bakit di ka pa nabalik dun? Kanina kapa inaantay ni Jhared." Buti pa to si Jeff hindi ako kinakalimutan.

"Ah. Sige, papunta nadin naman ako dun e." Palusot ko. Biglang kumunot ang mata ni Jeff nang mapatingin sya sa Mata ko.

"Umiyak kaba?" Tanong sakin ni Jeff.

"Ha? Hindi ah. Bakit naman ako iiyak?" Pasensya na god kung nagsisinungaling ako.

"Mukha ka kasing umiyak. Ang pula kasi ng mata mo." Sabi nya sabay hawak sa pisngi ko. "Oh tingnan mo, may luha pa e. Umiyak ka Audrey, kilala kita. Wag kang magsinungaling sakin. Ano bang problema? Handa akong makinig." Pagkasabi nun ni Jeff bigla naman akong napayakap sa kanya at umiyak ng umiyak. Naramdaman ko namang niyapos nya ako kaya lalo lang akong napaiyak. Kung pwede lang sana, si Jeff nalang ang minahal ko. Kaso, si Jhared padin talaga kasi ang gusto ko.

Dirty LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon