Chapter 29 ♥

21 4 0
                                    

Chapter 29 - Advice/Status

"Being tired is not the reason to loose your smile."

****

Audrey's POV

Kakauwi ko lang galing School. Ang daming nangyari ngayong maghapon. Una, yung sa Right Here Right now na kanta namin ni Jhared, pangalawa. Habang nasa Mini Forest ako kanina nakausap ko si Jhared at narinig nya yung sinigaw ko. Pati nadin yung pag iyak ko nakita nya, at ang mas malupit. Binigyan nya pa ako ng Advice.

~FLASHBACK~

Halos hindi ako makagalaw dahil sa nangyari. Seryoso? Niyakap ako ni Jhared. Ang hirap i-sink-in sa utak ko yun.

Nung medyo nakaraos na ako sa pagkagulat, pumunta ako sa Mini Forest. Ang gulo... sobrang gulo nang isip ko, hindi ko na talaga alam ang gagawin. May galit ata sakin yung Tadhana, kung kailan ako magsisimulang mag moveon tsaka nangyayari yung mga ganito. Gaguhan lang ganun?

Pagkaupo ko dun, medyo nagisip isip ako. Naiiyak na naman ako. Nakakainis na kasi e. Isang dahilan lang ang pumasok sa isip ko ngayon. Gusto kong sumigaw. Gusto kong isigaw kung ano yung gusto kong sabihin sa kanya.. Baka kasi pag ginawa ko yun medyo mabawasan yung sakit na nararamdaman ko ngayon.

"NAKAKAINIS KA TALAGANG LALAKI KA!!! NAGMO-MOVEON NA NGA AKO TAPOS GUGULUHIN MO PA!!! NAKAKAINIS!!!" pakiramdam ko muntikan na akong pumiyok dahil sa pagsigaw kong 'yon o dahil naiiyak nadin ako kaya naaapektuhan pati ang pagsasalita ko. Bigla na naman nag flashback sakin lahat at kasabay nito ang pagtulo ng Luha ko. Hindi ko na naman mapigilan. Ang sakit lang. Kung kailan alam ko na sa sarili kong Mahal ko na sya tsaka naman ganun ang nangyari. Nakakatanga na. Totoo nga, mare-realize mo ang halaga ng isang bagay kapag wala na 'to sayo. Pero kahit naman hindi sya naging akin.

Yumuko nalang ako at umiyak ng umiyak. Hindi ko na kaya... hindi ko na kayang pigilin yung mga luhang matagal ko nang pinipigil. Pwede naman siguro na kahit ngayon maging mahina ako. Sawa na akong maging matapang sa harap ng mga taong nakapalibot sakin, lalo na kung ang totoo ay nasasaktan lang ako. Hirap nadin akong ngumiti lalo na kung peke lang naman ang mga 'to.

Napayakap ako sa binti ko habang nakayuko at naiyak. Ang sakit talaga. Parang dati lang lagi kaming magkasama, lagi nya din akong inaasar. Ok na kahit lagi nya na ako inaasar, basta lang wag nya lang ako malimutan. Bakit kasi ako? Lahat naalala nya, pwera lang sakin. Ang sakit kaya. Kung kayo nasa situation ko. Lalo na kung mahal mo na yung taong 'yon

Bigla nalang din naman akong nakarinig nang parang nabaling sanga. Tumingin ako sa paligid. At nagulat ako nang biglang may yumakap sakin. Sobrang bilis ng tibok ng puso. T-teka. Bakit andito si Jhared.

"Sorry. Kanina pa ako nasa taas ng puno. Kanina pa kita nakikitang umiyak. Pati nadin yung pag sigaw mo, narinig ko." sabi nya pagkatapos humiwalay sa yakap. bigla akong kinabahan. Nakita nya? Narinig nya? T-teka. Dun ba sa isinigaw ko. May binanggit ba akong Jhared. Sabihin nyong wala!!

Hindi ako makapag salita. Parang umurong yung dila ko. Ano ba 'to!

Umupo sya sa tabi ko at may inabot saking panyo. Tiningnan ko lang 'to at nagulat ako nang iniharap nya ako sa kanya at sya na ang nagpunas ng Luha ko.

"Bakit ka ba naiyak? Boy Problem?" tanong nya sakin. Napalunok naman ako dahil sa ginawa nyang pagpunas sa Luha ko. Para na namang may nagkakarera sa puso ko.

"A-ah ano. B-balik na ako sa Gym." sabi ko at tatayo na sana kaso hinawakan nya ang kamay ko. Fvck!

"Don't leave. Kinakausap pa kita." sabi nya. Napalunok naman ako. Yung tingin nya, yan yung tingin nya sakin dati kapag seryoso sya sa sinasabi nya.

Umupo naman ulit ako. Umurong na nga ata talaga yung dila ko, ayaw magsalita. Pati yung puso ko parang sasabog na.

"Tell me. What's or who's bothering you?" Ikaw. Ikaw! Gusto kong isigaw sa kanya yan pero hindi ko magawa. Naiiyak na naman ako. Nakakainis na talaga ang tadhana.

"Try to speak. Hindi yung nakatahimik ka lang dyan. Mahihirapan ka talagang i-solve yang problemang kinakaharap mo kung hindi mo yan ilalabas. You can tell me." bigla na namang tumulo ang mga Luha ko. Nakakainis na talaga. Ano nabang nangyayari sakin.

Bigla naman nya akong hinila at niyakap. Mas lalo akong napaiyak. Gusto kong magpumiglas pero hindi ko magawa.

"Sssshhh. Narinig ko ang sinigaw mo kanina, at tingin ko mukhang Boy Problem nga. Hindi kita pipilitin kung ayaw mong sabihin sakin. Pero, I'm always here when you need me." sabi nya at tumayo na. Pero bago sya tuluyang umalis may sinabi sya.

"Sa susunod. Ayoko nang makita kang umiiyak sa iisang rason ulit. Ayokong makita ka ulit na iiyak dahil sa Lalaking 'yon. Kung nagawa mong hindi tumawa sa Joke na tinawanan mo na, bakit hindi mo itry na wag nang umiyak sa iisang rason ulit. Wag ka nang umiyak sa mga bagay o tao na naiyakan mo na." sabi nya at umalis na. Hindi ako makagalaw dahil sa sinabi nya. Kung ganoon lang sana kadali edi sana matagal ko ng ginawa yun. Pero hindi e, sayo pa talaga nanggaling yang mga salitang yan. Kung alam mo lang. Kung alam mo lang kung gaano kasakit ang nararamdaman ko, at dahil yun sayo Jhared. Dahil sayo....

~END OF FLASHBACK~


Diba ang saklap. Hanggang ngayon, hindi ko padin malimutan yung nangyari kanina sa Mini Forest.

Humiga ako sa kama at tumingin sa kisame. At naramdaman ko na naman na tumutulo ang Luha ko. Sobrang miss ko na sya. Paano kaya mag move on 'no? Yung madalian, yung hindi ka aabutin nang ilang buwan.

Nakaramdam naman ako nang gutom, bumaba ako at naabutan ko sa Sala sila Mommy at Daddy, kakauwi lang nila sa Business Work nila galing Ibang bansa. Dumiretso nalang ako sa Kusina at kumuha ng Lumpia. At kumuha din ako ng Chocolate Cake at isang Royal softdrink. At pagkatapos kong kumuha ng Pagkain, pumasok na ulit ako sa Kwarto at dumiretso sa harap ng Computer.

Nagbukas ako ng Facebook. Scroll lang ako ng Scroll sa Newsfeed ko. At isang Status doon ang umagaw ng pansin ko.

'Maraming pwedeng magbago pagkatapos ng Dalawang Buwan. At sana, hindi ako mahuli. Dahil gagawin ko ang lahat para bumalik ang alaala ko sayo. Kung sino ka mang tinutukoy nung Lola kanina.'  

Status ni Jhared. T-teka, anong ibig nyang sabihin doon? Ugh!

Nagpost din ako.

'Ikaw na ang may sabi, wag na akong iiyak sa taong naiyakan ko na. Kung yan ang gusto mo, sige. Hindi na ako iiyak na ikaw ang dahilan.'

Pagkapost ko nyan, bumaba muna ako dahil kumuha pa ako ng Lumpia.
Pagbalik ko, halos manlaki ang mata ko.

5 minutes ago. 55 likes? Seryoso? At 26 comments?

Pinindot ko naman yung Comment box.

Mark Jhared Perez- :)

Jeff Leonele- Tama. Gawin mo yan.

Allyssa Shaniel Vergara- Right Ate Audrey. And who's that Boy? Hihihi.

Sila lang tatlo ang kilala kong nagcomment. Pero, fvck talaga. Si Jhared nag comment ng smiling face. Sheez! Baka nahalata nya na na sya yung pinapatamaan ko sa Status ko. Sya lang naman kasi ang nagsabi sakin nun e.

Ide-delete ko na sana yung status ko kaso may nag comment ulit. Pagtingin ko, LN Shit. Ang pangit naman ng pangalan nya Shit talaga? Pero bigla naman akong kinabahan nung mabasa ko yung Comment nya.

'See you soon, Audrey and Jhared. It's paying time.' sabi nung LN Shit. Bigla namang nagtayuan yung balahibo ko dahil dun sa Comment nung LN Shit.

May nagreply naman dun sa comment nung LN Shit. Clinick ko yun at nakita kong si Jhared ang nag reply.

'Who are you? And Paying Time? What does that mean?' sabi ni Jhared. Maya maya naman, nagreply yung LN Shit.

'We'll see.'

Dirty LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon