Prologue

105 5 1
                                    

Minsan, napakagulo rin ng mundo no? Kung sino pa yung mahal mo, yun pa yung di ka mahal. Yung mahal naman ng taong mahal mo hinahabol yung taong hindi siya mahal.

Hindi ba pwedeng yung taong mahal mo mahal ka nalang?

Hindi ba pwedeng hindi mo na ipagtapat yung naramdaman mo dun sa mahal mo, sa halip ay iparamdam mo nalang?

Sabi nila, Pag may gusto ka sabihin mo

Hindi yung pag may gusto na siyang iba, makakaubos ka ng isang toneladang tissue.

Pag may mahal ka pagsigawan mo,

Hindi yung pag may mahal nang iba tsaka mo lang marerealize na dapat sinabi mo na bago ka pang naunahan.

Pero ang hindi nila alam, pag ikaw ay natorpe, mas mabigat pa sa blue whale ang dinadala mo sa loob.

Naiipit ka sa desisyong, sasabihin ko ba tong nararamdaman ko sa kanya? o wag nalang, baka masaktan lang ako at mawala ang pinagsamahan namin?

Sadyang mapagbiro ang tadhana. Ang storya ko, tulad ng libo-libo pang ibang storyang nakapublish, ang storya ko ay tungkol sa pagkahulog ko sa bestfriend ko.

-*-

ALL RIGHTS RESERVED 2013
(c) XVAGUE

Storya ni Mr Torpe [Short Story]Where stories live. Discover now