Kalokohan 3 (Mitch the Bitch)

45.7K 2.1K 523
                                    

Kalokohan 3 (Mitch the Bitch)

A/N: Medyo serious daw itong chapter na 'to.

****

Maingay na kumakanta si Lady Gaga ng 'Applause' sa background noong pumasok si Mitch sa loob ng Bar.

Suot ang micro mini short o pekpek short para mas madaling maintindihan. At halos lumuwa ang dibdib dahil sa suot nyang damit. Colorful din ang mukha nya dahil sa make-up sa pes.

Edukadang tao si Mitch. Maganda. Sopistikada. Sexy. Nakakangat sa buhay.

Gandang-ganda sya sa sarili nya habang naglalakad papunta sa counter para umorder.

"Vodka."

Agad naman syang binigyan ni Kuyang Bartender na wag na nating pangalanan pa.

Wala.

Wala naman talaga syang gagawin sa loob ng Bar kung hindi ang maghintay ng lalaking makaka-one night stand nya.

Yun lang kasi ang role nya, para mapanindigan ang pagiging "Bitch" na ibinigay sa kanya ng writer.

Nagsindi sya ng sigarilyo. Para cool.

Maya-maya pa ay may lumapit na lalaki sa kanya. Dahil nga "Bitch" sya kaya naman nakipaglandian sya.

Naglandian lang silang dalawa hanggang sa mag-aya ang lalaki na umalis na ng Bar at magpunta sa ibang lugar para matuloy na ang one-night stand na kailangang mangyari sa chapter na ito at sa mga susunod pang chapter.

Hindi din maintindihan ng writer kung kailan pa naging synounym ng BITCH ang salitang pokpok at slut.

*ding ding ding ding*

Ang mga susunod na babasahin ay rated SPG na hindi angkop sa mga batang mambabasa. Super Parental Guidance is advised.

Sa condo ng lalaki sila tumuloy. Nasa elevator palang sila ay naghahalikan na. Mga wala kasi silang delikadesa. Que sehodang may makakita sa kanila o kung ano pa. Ma-ipush lang talaga ang BS gagawin ni writer.

Tuwang-tuwa naman ang mga readers.

Pagkapasok nila ng condo ayon na. Nag-sex na sila.

(Hindi marunong gumawa ng BS ang writer. Hahaha.)

--

(Mitch P.O.V)

Pagkatapos naming mag-sex ng lalaking hindi ko pa alam ang pangalan....hindi na ako virgin.

Pero ok lang, cool ang tingin sa akin ng mga tao sa Watty Land dahil hindi naman pinapahalagahan ang virginity ng babae dito.

Ewan ko din kung bakit ako sumama sa kanya. Edukada naman akong tao. Mayaman. Sexy. Sophisticated.

Gwapo kasi sya at ang hot nya. Ang babaw diba? Nainlove na nga ata ako sa kanya.

Ganon kabilis. Kasing bilis ng pagkawala ng virginity ko na iningatan ko ng 18 years.

Ehmerged!

Dapat kong ikwento sa bestfriend kong si Missy ang nangyari. Proud kasi akong sumama ako sa isang lalaking hindi ko kilala at nag-sex kami.

Kiligmuch.

Maka-alis na nga habang tulog na tulog pa ang lalaking 'to. Magkikita pa naman ulit kami dahil wala naman kaming gagawin sa kwentong to kung hindi ang magkita ulit sa Bar, landian, at mag-sex.

Bitch kasi ako. Pero hindi ako pokpok ha.

-

Dahil puro kalokohan lang naman ang storyang ito kaya bigla na lang matatapos ang chapter 3.

A/N: Pasensya na ha, ang lame ng update ko. Ajujujuju. Again kailangan ko po ng 999 votes and comments. Ayan ha, hindi na 1000.

muah.muah.tsup.tsup.

The Wattpad StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon