Chapter 46 : Yves' Acting Skills

11.3K 127 15
                                    

Chapter 46

[Yves' POV]

Matapos ang ilang araw na pagiging mailap sa akin ni Bianca, tinext niya ako na magkita kami noong isang linggo., naipaliwanag niya sa akin ang lahat., medyo naging rough rin ang pag uusap namin dahil iniyakan niya talaga ang mga nangyayari sa kanya. Sinabi niya sa akin kung gaano niya ako kamahal., pero hindi na daw niya kayang lumaban pa dahil sa naipagkasundo na daw siya ng parents niya sa iba. Hindi ko pa namemeet yung lalakeng papakasalan daw ni Bianca, si Arvy. Hinding hindi ako makapaniwala., aaminin ko., medyo na hurt ako nang nalaman ko ang balita., siguro dahil naging malapit na kami talaga ni Bianca

Wala akong nagawa nang nag usap kami kundi makinig sa mga hinanakit niya sa akin., kung gaano siya nasaktan sa pagiging manhid at mabagal ko., actually tinanong niya rin sakin kung kaya ko ba siyang mahalin... at sinabi ko naman ang totoo... na mahal ko siya., pero hindi tulad ng pagmamahal niya sa akin.

Ang laking kagaguhan ko talaga. Hindi ko rin alam kung bakit hindi ko kayang mahalin si Bianca., Naguiguilty ako, at nahihirapan... pero hindi ko naman kayang pilitin ang puso ko at turuan kung sino ang dapat kong mahalin......

Pero naisip ko rin na mas mabuti nang nangyari yon, dahil hindi ko rin naman kayang paligayahin si Bianca, at lalo na't hindi ko kayang tumbasan ang feelings niya sakin.

Sana lang ang mabuting lalake si Arvy, at kayang paligayahin si Bianca... Ligaya na kailanman ay nde ko kayang ibigay sa kanya. And hopefully, hindi maging awkward sa susunod na magkita kaming dalawa.

-End of Yves's POV -

[Stacy's POV]

**BZZZZ**

Tumungo ako sa pintuan para buksan., at alam nyo na kung sino diba ? usapan kasi namin na ngayon kami mamimili ng gamit para sa lanai ko at pati narin ng damit niya para Mr and Ms. CIU

Napagpasyahan naming magpunta nalang sa Tiendesitas muna para mamili ng Antiques pang decorate sa Lanai at balik nalang kami ng Eastwood after para naman sa mga damit.

Oo nga pala, napagkwentuhan namin ni Yves kagabi ang nangyari kay Bianca, bullshit lang kasi sobrang naaawa ako sa kanya., imagine, She let go of Yves (kahit hindi naman sila) well, iba parin yung sukuan niya si Yves. Alam nyo naman kung gaano ka persevere ang babaeng yon na mahalin din siya ni mokong.

Akala ko pa naman may chance sila! Wooh, paano ko nalang mababadtrip ngayon si Bianca?! Ang sarap pa namang asarin non hahahha.

Anyways, goodluck nalang sa kanya and sa kanyang Fiance, at sana Goodlooking Hotty ang mapapangasawa niya. Hindi parin daw kasi nakikita ni Yves, at ayon naman kay G, Gwapo naman daw at may binatbat din.

**BZZZZZ**

Anyways, going back.... nakalimutan kong buksan ang pinto kaka muni muni hahah

"ANTAGAL MO NAMANG BUKSAN!" - Yves

"EASY! did you really miss me that much suckerface!" - Stacy

"Kapal naman. Tara na nga... baka matraffic pa tayo eh" - Yves

~~*~~

At dahil nagpark si Yves malapit sa Pet Village, sangkaterbang petshop ang dinaanan namin, at dahil sa sobrang fan ako ng mga aso naglibot libot na rin muna kamo bago tumungo sa mga antique shops.

Ilang minuto din kaming nag libot hanggang sa mapuntahan namin ang isang petshop., ang cute ng name "Bow Wow Petshop", di ko maiwasang pumasok sa shop nila at don., nakita ko ang isang cute na cute na Pomeranian., kulay itim ito at mukhang teddy bear !

Revenge of a SeductressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon