Chapter 44 : The New Guy

11.7K 111 6
                                    

[Bianca’s POV]

Nitong mga nakaraang araw, ramdam kong napapansin na ng mga kaibigan ko ang pagiging mailap ko sa kanila.

Hindi ko naman talaga gustong humiwalay palagi o di kaya umiwas, sobrang nawawala lang talaga ako sa mood kapag naaalala ko ang isang balitang sinabi sakin nila dad, ang balitang bumago sa takbo ng buhay ko. Sinabi nila para sa akin daw ito, para daw mas maganda ang maging buhay ko… pero sa totoo lang, isa lang naman ang dahilan kung bakit nila ako ipinasok sa “fix marriage”, para tugunin ang kahilingan ng lolo ko.,

Oo tama kayo., fix marriage, na sa panahon pa ni kopong kopong nauso, at sobrang laos na ngayon. Ang totoo niyan, ang lolo ko, ang nagsimula ng negosyo at ang dahilan kung bakit kami mayaman ngayon, ay dahil may bestfriend  siyang naging katulong nya sa pagpapalago ng negosyo, at nang humiwalay ang bestfriend ni lolo ng kumpanya napagpasyahan nilang magtulungan nalang sa pagpapaunlad ng kanya kanyang negosyo nila. Si lolo ang sa Gas industries at yung bestfriend nya naman ang nag trucking, kaya nagsilbing tulong sila sa isa’t isa. Dahil don, ewan ko kung anong naisipan nilang katarantaduhan na ipakasal ang magiging anak nila. Ngunit sa kasamaang palad, isa lang ang anak ng lolo ko..at yun ay walang iba kundi si Dad, ang bestfriend naman niya., tatlo ang anak.. pero puros lalake! Kaya heto ako ngayon, naipamana sakin ang “karangalan daw” na maikasal sa anak ng isa sa mga Chavez, ang nag iisang anak ng panganay na anak ng bestfriend ni lolo., well sya daw kasi ang kalapit ng age ko… at yun ay walang iba kundi si Armando Chavez III, oo., dala pa nya ang pangalan ng tatay nya at ng lolo niya.,

Ibang klase talaga! Sobrang iniyakan ko ang magulang ko at nag makaawang wag nilang ituloy ang binabalak, pero hindi nila ako pinakinggan., kailangan daw ito at matagal na daw itong napagkasunduan.

Ginusto ko pang lumayas, pero hindi ko rin kinaya dahil ayokong mailayo sa mommy ko., nagkausap kaming dalawa ipinaliwanag niya sakin ang sitwasyon., kaya kahit papaano ay medyo nahimasmasan ako.,

At kagabi, ay ang unang beses kong nakita si Arvy, (Armando) gwapo siya at kalevel ng itsura ni Yves… YVES, YVES, YVES…. Paano ko pa ngayon maipaglalaban ang nararamdaman ko sa kanya? Tagilid na nga ako kay stacy, tinubuan pa ko ng isa pang kamalasan…. kaya nang maisip ko yon, nagpaalam ako sa hapag kainan namin at nagsabing magpapahangin muna ako sa garden.

Nag isip muna ako at naluha dahil sa kakaisip na hindi na ppwedeng maging kami ng taong mahal ko…  

“uhmm hi?” – Arvy

Isang boses ang nagsalita mula sa aking likuran, kaya napalingon ako at nakita kong si Arvy ito, tinitigan ko ng mabuti ang itsura niya, akala ko kanina, kasing gwapo siya ni yves, pero hindi.., ibang iba ang itsura nila, kung si Yves ay tsinito, ito namang si Arvy ay bilugan ang mga mata at kulay lightbrown ang mga ito, ang buhok naman niya ay kulay dark brown na lalong nagpapatunay na am-boy nga si loko, suot ang kulay itim na ¾ na polo at maong, pero ang sapatos? JORDAN… hay, ibang iba talaga sila ni Yves…..

“ anong kailangan mo? “ – Bianca ; mataray kong sagot sa kanya.

“wala naman, masama bang sundan ang mgiging fiance ko?.. ay mali… ang FIANCE ko pala.”

Ikinagulat ko ng husto ang sinabi sakin ni Arvy. Imposible kasing maging Masaya sya., dahil sa itsura niya.. maiisip mo agad na marami na siyang naging babae, kaya kung iaanalyze mong mabuti, bakit gugustuhin ng isang gwapo ang maitali agad sa isang babae sa murang idad?

“wow! Parang feel na feel mo naman ata at mukhang masayang Masaya kang ikakasal tayo?” – Bianca

“why wouldn’t I be happy? I’ve been ready for this since the day my dad told me that I will be having a fixed marriage with someone beautiful like you” – Arvy

Revenge of a SeductressWhere stories live. Discover now