Prologue

108K 754 34
                                    

This story isnt just about sex and all, although there are mature scenes in it.
please give it a try? <3

bagong writer lang po ako, so sana po mag enjoy kayo sa story ko.


**** ang ibang parte po ng istoryang ito ay hindi naaangkop sa mga bata, dahil may part na may mature content po... WARNING NALANG PO SA MGA BATANG MAMBABASA ****


TAGLISH po ang story ko, hindi rin ito perpekto, maraming mali sa grammar at kung ano pa man, ginawa ko po ito para makapag pasaya, hindi para mang inis kaya sana poy maunawaan ninyo na for fun lang ang pagsulat ko! Thanks <3

__________________________________________


[WARNING: This is an Adult Romance and has Mature Contents]

Lahat naman siguro ng taong nagmahal at naloko, eh iisipin ang salitang "REVENGE" gasgas man, pero ang taong desperado ay gagawin ang lahat, maalis lang ang sakit na nararamdaman niya. At isang bagay upang mawala ang sakit ay ang PAGHIHIGANTI. 

Aaminin ko, nasaktan ako. Sakit na halos durugin ang buong pagkatao ko at yun ang dahilan kung bakit ako umalis ng pinas.

Dalawang taon.

Dalawang taon simula nang lisanin ko ang Pilipinas dala ang sama ng loob sa mga taong nag alipusta sa akin. Sino nga ba naman ang hindi maiinis sa isang tulad ko? isang matabang babaeng walang ginawa kundi mag-aral, Isang kahihiyan para sa mga estudyanteng nag-aaral sa isang university na punong puno ng magagandang babae at gwapong kalalakihan.

Pinilit kong tiisin ang pag aalipusta at pang-aasar nila,

pero hindi ko na kinaya nang pati ang puso ko ay pinaglaruan nila.

Ang lahat ng sakit ay may naidudulot na pagbabago sa isang tao.

Sa aking sitwasyon, ang sakit na naranasan ko ang naging dahilan kung bakit ako naging determinadong mag-ayos ng sarili. Natuto akong maging matatag at nagsumikap makamit ang katawan at anyong sa panaginip ko lang inakala.

Sino ang mag aakalang ang isang Matabang babae noon ay isang Seductress na ngayon?

Kaya't sa aking pagbabalik... 

sisiguraduhin kong mararamdaman nila ang malaking pagbabago

at paghihiganti ng isang bagong Candice Gwen Montero.

Mataba at Pangit noon, Halimaw sa Kagandahan ngayon.

Revenge of a SeductressWhere stories live. Discover now