Chapter 42 : Walls of Intramuros

13.3K 105 8
                                    

[Stacy’s POV]

Simula nung birthday ni Gabriel, naging close kami ni Bianca… pano ba naman diba kami kayang dalawa ang tumulong kay gwen para dun sa surprise niya. Nagkakwentuhan din kami non ni Bianca, nagkakilala… nalaman kong andami niyang alam kay yves, halos si yves ang lumalabas sa bunganga ni loka… pero nde ko sinabi sa kanya ung tungkol sa usapan namin ni yves na titigilan ko na siya sa pangungulit ko…  ah basta, sa ngayon medyo ok na kami ni Bianca… medyo lang ha! Nde parin kami ganon ka close...

 At simula nang matapos ang birthday ni Gabriel, at nang mag loving loving ang dalawa sa france, (oo ako na ang bitter sa inggit) mas naging close kami ni Yves… siguro dahil na rin sa umamin ako sa kanya na mas ok na maging magkaibigan nalang kami…. Oo, crush ko parin siya.. at sobrang naggwagwapuhan parin ako sa kanya…  kung tatanungin ako kung magiging kami, magugustuhan ko ba, isa lang ang sagot ko jan.. OO naman! Siyempre ang hot kaya niya…

Madalas kaming magkasamang tatlo nila Bianca, pero mas madalas, nagsosolo kami ni Yves… hindi dahil sa mas gusto niyang kaming dalawa lang (pero malay natin diba?) kundi dahil lagi ko siyang tinatakas kay Bianca…

At ano ang madalas naming ginagawa pag sinosolo ko siya? Malamang nirarape ko siya.. joke… but seriously, madalas  kaming namamasyal at naglalaro ng kung ano ano, minsan bowling, minsan tennis o kaya naman go-kart… basta kung trip naming trip talaga… minsan nga., kumakain lang kami sa mall biglang magkakaayaang mag bike kami or mag rafting.. ah basta., sobrang cool ng samahan naming ngayon., dahil kung ano ang trip ko, nasasakyan ni loko….

At ngayon? Ngayon ang unang araw na ang plano namin ay siya mismo ang nag aya… oh diba?! Lumelevel up si Yves… kasi niyaya niya ako nag itotour niya daw ako sa manila… hephephep.., wag muna kayong magisip ng kung ano ano… this is so not a date… haha., kundi isang simpleng lakad lang ng magkaibigan., kasi nalaman ni Yves na hindi ako laking pinas, at humantong sa utak niya na hindi ko pa alam ang maynila, like hindi ko pa ito natotour or kung ano man.. aba malay ko ba, hindi naman ako pumunta ng pinas para mag tour at magpakasaya… well oo isa yun sa gusto ko., pero ang reason ko talaga dito ay ang trabaho ko at para kay gwen.

“we’re here..” – Yves

“hmm? We’re here where?” – Stacy

Hay.. sa kaka dakdak ko., lumutang na pala ako… anyways nakalimutan kong nasa sasakyan na pala ako ni yves, at papunta kung saan man…

“We are here in intramuros., and our tour will begin here.” – Yves

“sos, akala mo tourguide ka., oh ano pang hinihintay natin.. tara na!!” – Stacy

Pagkababa ko ng kotche ni Yves, napansin ko agad ang simoy ng hangin

“are we still in manila? Coz the smell of air here is different” – Stacy

“oo, san naman sa tingin mo ang intramuros? Sa ormoc? Sos Stacy wala pa nga tyong 1 oras bumiyahe inisip mo agad na nagprobinsya tayo?” – Yves

“are you stupid? Nagtatanong ako diba., saka iba talaga ang amoy dito., at maraming puno., and yung surroundings natin, it’s like we’re in Spanish like era…” – Stacy

“Malamang Stacy!, intramuros nga diba!” – Yves

“ewan ko sayo yves! Wala kang kwentang tour guide! Ano ba ang dahilan kaya mo ko dinala dito?... diba dahil wala akong alam sa manila, mas lalo na sa mga tourist spots dito sa manila… kesa binabasag mo ko jan and answering me in some stupid sarcastic comments, dapat ipakilala mo sakin tong lugar at sumagot ka ng tama sa mga tanong ko.. malamang curious ako diba! Shunga mo naman.. bakit ba kita naging crush dati? Buti nalang talaga… nabagok na ko sayo” – Stacy

Revenge of a SeductressWhere stories live. Discover now