Chapter 18

446 14 0
                                    

"ANONG sabi ng mommy mo tungkol sa akin?" tanong sa akin ni Calix nang magkita kami ng pasekreto sa "lair" niya. Magkatabi kaming nakaupo sa isang sulok ng silid.

"Huh? Ah..." Hindi ko puwedeng sabihin ang halos lahat ng sinabi ni Mommy. Lalo na iyong part na tungkol sa 'ligaw.' "Sabi niya, okay ka raw."

"Okay? Paanong okay?"

"Okay kang maging kaibigan ko."

Ngumiti si Calix. "Talaga? Ibig sabihin, nagustuhan niya ako?"

Tumango ako.

Naglaho ang ngiti ni Calix. "Dahil hindi niya alam nagangster ako kaya okay ako para sa kanya."

"Iiwan mo rin naman ang pagiging gangster, 'di ba? Bakit hindi mo pa gawin ngayon?"

"Dahil kailanganpa nila ako sa ngayon."

"Puwede namang may pumalit sa 'yo bilang leader, 'di ba?"

"Hindi ko sila kayang pabayaan."

"Pero darating ang panahon na kailangan mo pa rin silang iwan. Tulad ng ginawa ni Little Prince sa pilotong naging kaibigan niya."

Bumuntonghininga si Calix. "Masyadong maraming kaaway ang Mercurial ngayon. Baka hindi nila kayanin nang wala ako."

"Bakit kasi kailangan n'yo pang makipag-away?"

"Ang away ng isa, away ng lahat. Para din kaming fraternity."

"Paano ba kayo nabuo?" curious na tanong ko. Gusto kong maintindihan kung bakit ganoon na lang kalakas ang emotional attachment ni Calix sa mga miyembro ng Mercurial.

"Nag-e-exist na ang Mercurial bago pa ako mapunta sa kanila. Si Don ang lider namin dati. Fourteen years old ako nang makilala ko sila. Napag-trip-an ako noon ng Ruckus Gang. Akala ko noon mamamatay na ako sa bugbog pero dumating si Don at ilang members ng Mercurial. Ipinagtanggol nila ako. Isinama nila ako sa tambayan nila at ginamot nila ako. Malaki ang utang na loob ko sa kanila kaya nang sabihin nilang gagawin nila akong bagong member, hindi ako tumanggi. Hindi lang out of gratitude, kundi dahil nakita ko kung paano ang samahan nila. I just wanted to belong that time.Pakiramdam ko kasi walang nagmamahal sa akin at walang tatanggap at lahat ng tao sa paligid ko, walang gagawin sa akin kundi pagsamantalahan ang sitwasyon ko sa buhay. Naisip ko, kailangan ko ng mga kaibigang tulad nila, ng friendship na tulad ng sa kanila na walang iwanan kahit ano pang mangyari.Kailangan kong maging kasing tapang at tatag nila para makaya kong mabuhay sa miserableng sitwasyon ko. Tinuruan ako ni Don na makipag-combat.Hanggang sa gumaling ako, mas magaling kaysa sa ibang members ng Mercurial. And I've developed real friendship among the members. Para na kaming magkakapatid kung magturingan. Nang mag-migrate ang family ni Don sa States last year, sa akin niya ibinilin ang Mercurial.Since then, ako na ang naglingap sa gang. They've become my responsibility. Kaya hindi ko sila maiwan. Kasi sila lang ang nagparamdam sa akin ng pagtanggap at affection na hinahanap ko sa adoptive parents ko."

"Paano kapag may dumating na isang babae sa buhay mo at ma-in love ka sa kanya? Pero para makasama mo siya, kailangan mong iwan ang gang, gagawin mo ba?"

Halatang natigilan si Calix at pagkatapos ay tumingin sa akin.Nakita ko ang paghihirap ng loob niya. "I'm too young for love though."

Bumuntonghininga na lang ako. May punto naman siya. Bata pa siya para magdesisyon sa ganoong klaseng bagay. May tamang panahon para sa pag-ibig. Ipinapakita lang niyon na nag-mature na si Calix. Parang hindi na siya isang teenager na impulsive at gagawin ang kahit anong magustuhan. Marunong na siyang mag-set ng priorities.

Naalala kong sinabi niyang parang pamilya na sa kanya ang Mercurial. Parang kailangan niyang mamimili sa pagitan ng pag-ibig at pamilya.

"Ngayon ako naniniwalang fiction lang talaga 'yong In A Complicated Relationship With A Gangster."

"Ano 'yon?" kunut-noong tanong ni Calix.

"'Yong teen fiction na nabasa ko sa Wattpad. Gangster love story. Teen gangster ang hero at isang tipikal na teenager ang heroine."

"Nagbabasa ka ng fiction tungkol sa mga gangster?"

"Oo. Madami na akong nabasang may ganoong klaseng theme. Sa lahat ng 'yon, palaging nai-in love ang isang gangster sa isang babae tapos iniiwan nila ang pagiging gangster nila para sa babaeng iyon. Iba pala sa totoong buhay. Hindi pala ganoon."

Naalala ko kung paano ako nagsimula sa pagsunud-sunod kay Calix noon. Gusto kong malaman kung ang idea ng teen gangster na dine-describe sa mga nababasa ko sa Wattpad ay tulad ng sa true-to-life one. Mukhang nakuha ko na ang sagot sa parang pagre-research ko. Mukhang iba ang true-to-life gangster sa karaniwang nasa fiction lang.

Ganunpaman, napatunayan ko namang totoong hindi lahat ng gangster ay likas na masama. Dahil hindi totoong masamang tao si Calix. Biktima lang siya ng malupit na kapalaran niya.

"They are just stories. They focus on love to get the attention of those love-crazed teenagers. In reality, may tamang panahon para sa pag-ibig. You don't want to focus on love at seventeenin the midst of the shitness of your teenage life," sabi ni Calix na parang nakatingin sa kawalan.

Tama nga naman. Nakakatawa kung paanong ngayon ko lang na-realize kung gaano ako kababaw para madala sa mga ganoong klaseng story plots. Siguro, isa ako doon sa mga love-crazed teenager na sinasabi ni Calix. Shame on me. Tama si Calix. Sa sitwasyon niya sa buhay, ang huling puwede niyang pag-ukulan ng atensiyon ay ang pag-ibig. Nauunawaan ko siya. Lalo akong humanga sa kanya.

"Walang-wala sa 'yo si Reid."

Kumunot ang noo ni Calix. "Sino si Reid?"

"'Yong teen gangster na hero sa In A Complicated Relationship With A Gangster."

"Paano mo naman nasabi 'yon?"

"Kasi walang-wala ang pinagdaanan niya sa pinagdaraanan mo. Pero mas wise ka sa kanya. Mas mature kang mag-isip kaysa sa kanya. Mas nakaka-elibs ka."

Ngumiti si Calix. "Talaga?"

Tumango ako. "Elibs na elibs ako sa kanya, eh. Feeling ko, siya na ang pinaka-perfect na teen gangster hero na nabasa ko. Pero may mas perfect pa pala sa kanya. Ikaw 'yon."

Lumuwang ang ngiti ni Calix pero napalis kaagad ang ngiti niya. "Teka nga. Si Reid ba ang dahilan kung bakit nagkainteres ka sa akin?"

Hindi ako nakaimik. Hindi rin ako makatingin ng diretso sa kanya. Nakita ko sa pheriperal vision ko na umiling-iling siya. "Gusto mong malaman kung katulad ako ni Reid. Tama ba ako?"

Nang maglakas-loob akong ibalik ang tingin kay Calix ay nakita ko ang paghihinala sa mga mata niya. "Oo na. Nakita ko si Reid sa 'yo. Gusto kong malaman kung posibleng mag-exist sa totoong buhay ang isang character na kathang-isip lang."

Hindi ko na sasabihing gusto ko ring malaman kung posibleng mangyari sa tunay na buhay ang mga nababasa ko sa gangster love stories at kung posibleng mangyari iyon sa sarili ko. Nakakahiya ang kababawan ko.

"Kaya mo ako binubuntot-buntutan."

"Oo na."

"You're crazy." Umiling-iling si Calix habang nakangisi.

"Oo na. Baliw na 'ko."

"How about the heroine in the novel?"

"Si Mela? Uhmm..." Sasabihin ko ba na parang ako din si Mela? Hindi ba parang s-in-uggest ko na rin na gusto kong maging heroine ni Calix sa totoong buhay kung sasabihin ko iyon? "Bale... complete opposite ko," pagsisinungaling ko.

Kumunot ang noo ni Reid. "Complete opposite mo?"

Tumango ako. Hindi ba masyadong halata sa sinabi ko na sadyang inilayo ko sa sarili ko ang character ni Mela?

"Ibig sabihin, hindi siya baliw?"

Hinampas ko sa balikat si Calix na tumawa.

"Nagkatuluyan ba sila sa nobela?"

"Oo naman. Happy ending ang lahat ng gangster love stories na nabasa ko."

"Sana sa totoong buhay, may happy ending din."

"Sana nga," sagot ko habang iniisip ang true-to-life gangster love story na gusto ko para sa aming dalawa ni Calix. Ang love story na walang kaalam-alam si Calix na hinabi ko sa ilusyon ko.

St. Catherine High 1: I Knew He Was Trouble By Heart Yngrid (COMPLETED)Where stories live. Discover now