Chapter 10

498 15 0
                                    

MAGKAKATABI nga kami nina Alex at Sandy sa isang bench sa campus pero hindi kami nag-uusap. Busy kaming lahat sa pag-i-Internet. Nasa gitna namin si Kassie na pinsan ni Sandy. May baon siyang pocket wifi na mas malakas pa kaysa sa wifi sa computer rooms kaya naki-connect kaming tatlo. Very generous naman si Kassie. Basta lang kailangan namin siyang pasalamatan sa pamamagitan ng pagme-mention namin sa kanya sa Twitter na may hashtag na #YoureTheBestKassie.

Habang si Sandy ay busy sa pagbabasa ng posts sa KPop groups sa Facebook at si Alex ay nanonood ng dubsmash videos ng kung sinu-sinong tao sa YouTube, ako naman ay nagba-browse ng stories sa Wattpad app ko. Gangster stories, to be exact. Sad gangster stories, to be more exact.

One week ko nang hindi nilalapitan si Calix. Tinanggap ko nang hindi kami ang para sa isa't-isa nang magkaroon kami ng heart to heart talk ni Mommy tungkol sa boys. Sabi niya, payag siyang magkaroon ako ng boyfriend kahit sixteen years old pa lang ako pero may mga kondisyon siya.

· Kailangan kong ipakilala kay Mommy ang manliligaw ko na natitipuhan kong maging boyfriend bago ko sagutin ang guy.

· Kailangang aprubahan niya muna ang guy bago ko sagutin.

· No kiss on the lips until I turn eighteen.

· No guys with tattoos, piercings and notorious image. No gangsters.

No gangsters. NO GANGSTERS. Pinakadiin-diinan pa iyon ni Mommy. Nakita kasi niya ang Facebook ko at naka-post doon ang activities ko sa Wattpad. Puro raw gangster stories ang binabasa ko. Kaya nag-alala siya na baka magkagusto ako sa isang gangster dahil sa mga binabasa ko. Ang sabi pa niya, fiction lang daw ang mga nababasa kong gangster love stories. Huwag daw ako maniwalang masaya ang magkaroon ng boyfriend na gangster dahil sisirain ko lang daw ang buhay ko. Pakinggan ko raw ang kanta ni Taylor Swift na "I Knew You Were Trouble."

Humanap raw ako ng isang lalaking matino. Iyong lalaking mabait, magalang, responsableng mag-aaral at mapagkakatiwalaan. Papayag lang daw siyang magka-boyfriend ako kung ganoong klaseng lalaki ang ihaharap ko sa kanya.

Hindi si Calix ang tinutukoy ni Mommy. I always trust my 'My. Ayaw ko siyang suwayin. Malaki ang tiwala sa akin ng mommy ko at ayoko siyang biguin. Para akong biglang nahimasmasan sa kahibangan ko these past few weeks.

Crush ko pa rin si Calix at naniniwala pa rin ako na hindi talaga siya masamang tao pero hindi siya ang lalaking gusto ng mommy ko para sa akin. Hindi siya ang lalaking puwede kong iharap sa parents ko. Gaya nga ng sabi sa kanta ni Taylor Swift. Calix is trouble. Na-witness ko kung paano siya makipagbakbakan, kung gaano kapanganib ang buhay niya, kung ano-ano ang hindi magagandang activities ng gang niya.

Maaari kong ikapahamak kung magiging parte ng buhay ko si Calix. Bakit ba ngayon ko lang naisip iyon? Hindi ko iyon naisip nang sumali ako sa isang gang war na naganap sa kuta ng Mercurial para iligtas si Calix at muntik nang magkaroon ng head injury.

Ang tanga-tanga ko. Masyado akong nagpadala sa mga nababasa kong fictional stories sa Wattpad at Booklat. Fiction lang ang mga iyon at kontrolado ng writers ang mga pangyayari. Hindi ko kayang isulat ang istorya ng buhay namin ni Calix. Hindi ko hawak ang isip at puso niya. Posibleng masaktan o mapahamak lang ako sa ginagawa ko.

"Curiosity kills the cat. You don't want to see how the cat dies, do you?"

Sa tingin ko, hindi si Calix mismo ang gagawa ng hakbang para mapahamak ako kundi ang sarili ko. Gusto siguro niya akong i-warn na mapapahamak ako kung sasama ako sa kanya. Iyon nga ang sinabi niya kay Magz at sa mga kasama niya sa gang na dahilan kung bakit nagbago ang isip niya na isama ako sa gang nila, 'di ba? Gusto niya akong protektahan kaya niya ako pinalalayo.

St. Catherine High 1: I Knew He Was Trouble By Heart Yngrid (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon