Chapter 8: Monica & Andrew

12 1 0
                                    

"I didn't know that you are wonderwoman-wanna-be. Superhero ka pala. Mas lalo tuloy akong naiinlove sayo." nakangiti niyang sinabi sa akin.

"And I didn't know na magaling ka palang mambola. Too bad narealized ko agad. Opps Sorry di mo na ako maloloko. Bye." at nagwave na ako sa kanya.

Hinigit ko na si Monica papuntang cafeteria. At nang makarating na kami sa cafeteria ay pinaorder ko na siya at humanap ako ng table na vacant.

Ang haba ng pila sa cafeteria kaya hanggang ngayon ay di pa rin nakakakuha ng order si Monica. Fifteen minutes have passed. I am bored.

"Bored ka? Gusto mo samahan kita? Uupo na ako ha?" sabi ng lalaki sa harapan ko.

"Nagpapabala ka pa eh, nakaupo ka na. Pwede bang umalis ka dito? Allergic kasi ako sayo." at nagfake akong nagsneeze.

Nagsmirk lang siya. This Andrew guy is getting on my nerves. Ugh. Mas lalo siyang lumapit sa akin. Konting inch na lang ang lapit ng mukha niya sa mukha ko. Nakataas pa rin ang kilay ko sa kanya. I didn't manage to move. Baka isipin niya naapektuhan ako sa kanya. Oh no. Never.

"Uhm, Elloise nan---- Opps. Sorry." Aalis na sana siya dahil sa nakita niyang eksena namin ni Andrew. Kaya nga lang pinigilan ko siya.

"Monica, come back here." I commanded. At umupo naman siya sa katabi ni Andrew. Si Andrew nakatingin sa other part. Nahihiya siya? Oh wow. I smirked.

"At bakit nandyan ka pa? I said I am allergic to you. Alis. Shoo." sabi ko naman kay Andrew kaya napatingin siya sa akin tapos lipat ng tingin kay Monica.

"Kuya/Monica!" sabay pa nilang sinabi.

"Magkakilala kayo? Wow. Small world." sarkastiko kong sinabi.

"Kuya ko siya." napakamot niyang sinabi. At eto namang si Andrew, umakbay kay Monica. "Yup, she's my baby sister."

Wow. Very small world nga. Ang babaeng nag-iisang stranger na nagpagaan ng loob ko ay kapatid ng lalaking kinaaallergic-an ko. Wow. It's just wow.

"Eh di Monica, ikaw yung tinulungan ni Elloise kanina?" nag-aalalang tanong ni Andrew.

"Ngayon mo lang nalaman? Wow ha. Kuya ka pala. Ang busy mo kasi sa pambabae. Nakakalimutan mong mag-pay attention sa kapatid mo. How sweet." I rolled my eyes on him. He's so impossible.

"Uhm. Kuya okay lang. Tinulungan naman ako ni Elloise." she smiled as an assurance na okay lang siya.

I looked at them. I envied Monica for having a brother pero kapag si Andrew na nga lang ang magiging kapatid ko. No way. He's a jerk tapos puro pambababae lang ang alam. Nandun na pala siya. Di man lang niya narecognized na kapatid niya ang binubully. I felt sorry for Monica. I liked Monica but not his brother.

"Salamat Elloise." mahinang sinabi ni Andrew.

"Thank you ulit Elloise." nakangiting sinabi naman ni Monica. She's so cute. Kaya siguro ang gaan ng loob ko sa kanya.

"Can I have a favor, Monica?" Nagnod lang siya sa akin. "Pwede bang paalisin mo yung kuya mo. Allergic talaga ako sa kanya eh." Then I glared at him.

Sinunod naman ako ni Monica. Ayaw pang umalis ni Andrew pero pinalo palo pa siya ni Monica. May side pala si Monica na ganun. At sabi pa niya sa kuya niya na isusumbong daw niya si Andrew sa Dad niya na pinapabayaan na ibully sa school tapos kukunin ang credit cards niya at mga kotse. Wow. Now, I am liking Monica. Pwede ko ng nataboy si Andrew.

"Pasensya ka na sa kuya ko. Ganun lang talaga yun kakulit manligaw. Gusto makukuha lahat. Ikaw pala ang gusto ni kuya. So kayo na?" she asked. I could see on her face her sweet smile.

Be That GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon