Chapter 9: The Party

22 2 1
                                    

"So you think you already win? Not yet. You can't stop me." then he widened his smirk at me.

Tahimik lang ako habang nasa loob kami ng kotse. Wala akong balak kausapin siya. At wala ring akong balak na aksayahin ang oras ko sa kanya. He's a total jerk. And unfortunately why it has to be me? His victim.

Buong byahe papunta dun sa party ay wala kaming imikan. Nahuhuli ko lang siyang tumitingin sa akin gamit yung front mirror tapos sabay smirk. I could feel that he's up to something. I needed to be ready.

Pinagbuksan niya ako ng pinto at inilahad ang kamay niya sa akin. Hindi ko siya pinansin at kinuha ko lang ang susi mula sa kanya.

"Nagmamatigas? That's make me more challenged." ang sabi niya habang nakangiti ng abot hanggang tenga.

"Nope. I just don't feel you kaya don't waste your time. Sayang eh. Wala ka namang mapapala eh." and now it's my time to wear that smile on him.

Naglakad lang ako papasok ng party. And I know he's following me. Haist. I need to see Monica right now. Where is she.

Bigla na lang may lumapit sa aming lalaki. Matangkad siya. Matipuno at masasabi mong may itsura siya. Parang kasing ka-age ko din lang.

"Pare, girlfriend mo?" tanong nung lalaki kay Andrew.

Hindi ko na narinig ang pagsagot niya kasi bigla ko na siyang iniwan. Nakipagsiksikan na ako sa crowded area. Paglingon ko sa likod ko ay wala na siya. Thanks God. Naligaw din siya.

Pumunta ako sa bar place ng party. I asked an cocktail drink and seated on a vacant seat. Biglang may tumabi sa aking lalaki. He looked rich. Wala naman sigurong hampas lupa dito sa party. Everybody looked rich in their clothes.

"Hi miss, can I dance with you?" alok nung lalaki sa tabi ko. Kung titingnan siya, mukha naman harmless. He looked hot in his suit. In his early twenties na ang tantiya ko sa kanya. May magandang hubog ang kanyang pangangatawan at moreno ang kulay ng balat niya.

Hindi ko siya pinansin kaya nga lang napansin kong papalapit sa akin si Andrew kaya nagbago na ang isip ko. Wala talaga akong plano mag-entertain ng kung sino man dito pero I wanted to escape from that psycho.

"Sure." I gave him a fake smile pero hindi niya mapapansin ang pagkapeke ng ngiti ko. Inilahad ko ang kamay ko sa kanya at kinuha naman niya.

Dinala niya ako sa gitna ng dance floor. I clinged on his shoulders at siya naman ay inilagay ang nga kamay niya sa waist ko. Nagsimula na kaming sumabay sa rhythm ng kanta.

"What's your name?" that guy asked.

"You need not to know. By the way, thanks." I said while smiling.

"For what?" naguguluhan niya namang tanong.

"Because of this dance I escaped from a psycho."

"Si Andrew?"

"How did you know?"

"Nakatingin siya sa atin eh. And he's clenching his jaw maybe because you are in someone else's arm not him."

"Don't mind that jerk. Let's just enjoy this dance."

Tumango lang siya sa akin at ngumiti. I liked this guy. Not the like that other may think that there is something when I spill out that I like this guy. I like him as a savior.

Ilang minuto na din kaming nagsasayaw. Nakatingin lang siya sa akin at ako naman ay sa paligid. Hindi ako magaling sa titigan. Ayoko pati siyang titigan. There's an awkward feeling that makes it hard to stare back at him.

"Pare, pwede ako naman?" biglang sabi ng sumulpot na kabute sa tabi namin.

Pagtingin ko sa kabuteng yun ay si Andrew. Sino pa nga ba?

"How about no?" I said coldly.

Ibinalik ko na ang tingin ko sa kasayaw ko. Mas lumapit ako sa kanya at ipinatong ang aking baba sa kanang balikat niya. Naramdaman ko namang umalis na din si Andrew after niyang makita ang mga eksenang ginawa ko.

"You owe me big, Miss. Siguro naman kahit pangalan mo pwede nang pambayad? Another thing, a date with me. Don't say no, malaki ang utang na loob mo sa akin." nakangisi niyang sinabi sa akin. Though hindi ko nakikita pero I can feel that he formed a smirk on his lips.

"Sure. I am Elloise Lim. Just tell me when and where, I'll guarantee you that I'll be there."

Kumalas ako sa pagsasayaw namin na parang nakayakap na. Siguro sa ibang titingin, nakayakap na kami sa isa't-isa. Pero sa akin, isa lang yung sayaw na napilitang mas lalong maging sweet para mataboy ang isang retarted na nilalang sa paligid ko.

"Good. And I'm Nathan Jimenez. Nice to meet you." kinuha niya ang aking mga kamay at hinalikan ito.

"I don't want to dance anymore. Can we just find a seat? And the date that I promised, it'll be now. To make it clear, you're my date for tonight. So make my night fun."

Ngumiti lang siya sa akin. Kinuha niya ang kamay ko at isinabit sa bisig niya. Naghanap na siya ng aming mauupuan at ako naman ay sumunod lang. Nang makahanap na siya ng vacant table, umupo kami dun at humingi siya sa waiter ng drinks para sa amin.

"Why you're escaping from Andrew? I heard that Elloise Lim is the only girl that no man can get easily. Fearless. Cold. Walang takot. Walang uubrahan. Ang babaeng nambubusted sa mga lalaki in a rude and mean way. Anong nangyari?" nakangiti niyang tanong. Yung mga ngiting halatang-halatang nang-aasar.

"I thought you don't know me. Why did you ask for my name if you already said something about me?" I raised my brow as a sign of asking as well as acknowledging him that his insulting me.

"Don't get me wrong. Mga barkada ko kasi laging ikaw ang bukambibig. I'm really intrigued who they were talking about. Ang tanging babaeng numbusted sa kanila." napatawa niya namang sabi.

"Oh. So ikaw na lang ang nag-iisa sa barkada niyo na hindi ko pa nabubusted? Binabalaan kita, ngayon pa lang, wag na. You wouldn't want me to see how evil I am. Lalo na sa mga lalaking alam ko namang manloloko at gago."

I smirked at him. He seems so nice. Siguro siya lang ang kaisa-isang lalaki na magiging kaibigan ko simula ng nagbago ako. I bet he's not like Andrew and any other jerks around. And he's fun to talk to.

"Opps. Teka lang. Hindi na. Suko na ako." nagraise pa siya ng mga kamay niya para ipakitang sumusuko na siya habang tumatawa. "Hindi na po."

"Good. You know what, I like you."

Pagkasabi ko nun ay ngumiti siya ng malaki sa akin. Anong problema neto? Bipolar guys. Ugh. Now, unti-unti ko ng binabawi na gusto ko siya.

"Ngayong gusto mo na ako, pwede bang ako naman ang magkagusto sayo?" And then he formed a smirk on his lips.

"I'm not yet done, Mister. I don't like you like the way you think. I like you as a friend. You are the only guy that I like to be my friend. And that's unusual. 'Cause you are the only guy who didn't want me to put on their list. Mga listahan ng mga babaeng naloko. So once you change your mind and try to put me on that list, I won't hesitate to show my evil self."

"I promise Ma'am. Hindi po. I won't do that since you are the only girl who didn't flirt with me. So, friends?"

Inilahad niya ang kamay niya sa akin at agad ko namang kinuha. We shaked our hands. At ngumiti ako sa kanya.

"Friends."

Be That GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon