Me in the next 10 years...

20 1 0
                                    

Para toh sa Homeroom namin, kokopyahin ko nalang ehehez.

Ten years na ang nakalipas noong Grade 10 ako, parang kahapon, sabado lang. Pinangarap ko na maging maganda ang aking buhay, masayang pamilya na apat ang anak, tatlong lalake at nag-iisang babae, dreamjob ko na maging waiter, basta sapat sa gastusin masaya na ako. Pero di ko naabot ang pinangarap ko, andito na ako sa rooftop ng isang condominium, kakatapos lang maligo, pamilya? Wala na ang tinatawag kong pamilya, wala na si papa , di ko na alam kung saan nakatira si mama at ang mga kapatid ko ay nasa ibang lugar na, tila kinalimutan na ako.

Natuto akong uminom,manigarilyo at gumamit ng ipinagbabawal na gamot.ang sarap pala, bat ba ako pinapaiwas ng mga magulang ko dito? Kuntento ba ako sa meron ako? hinde, hindi ito ang inaasahan ko. Kung nakikita man ako ngayon ng mga magulang ay siguro pinalo na nila ako ng hanger o kaya naman sintoron.

Ano ang nangyari? Alam ko, nagbago ang lahat ng isang kislap. Nabaon sa utang si papa dahil sa negosyo nyang gustong makilala at lumago, natuwa ako dahil gusto nya talaga ang ginagawa nyang pagpalago ng negosyo nya, ang masama ay nabaon kami sa utang. Si lola namatay na dahil sa katandaan, namatay syang nakangiti at kami ay iniwan niyang lumuluha. Si tita ay nasisante naman agad agad sa kanyang mga pinapasukang trabaho at napilitang mag bantay nalang sa anak niya.

Di pa doon natatapos ang paghihirap namin, ang bunso namin ay nakulong dahil sa napagkamalang kriminal at kinakailangan ng malaking pera para matubos sya. Ang pangalawa ko namang kapatid ay nag-asawa ng maaga, at ang napangasawa'y di man lang mayaman o may mukhang matatawag na mukha, nagpaabroad ang aking kapatid at ako'y nakituloy sa pamilya niya. At ako naman ay wala na sa pamilya niya dahil nalaman ko na may kabit ang asawa ng aking kapatid.

Lumaya na ang bunso namin at napag pasyahang dahil sa hirap ng buhay, may nag-alok saamin ng pasaporte ngunit kami lang pala ay niloko kami at umalis kasama ang perang inipon namin. Nahuli namin ang kumuha ng pera, ngunit nawala naman saamin ang bunso namin dahil siya'y nasaksak ng kasabwat habang tinugis namin ang kriminal. Di na nakabalik ang pera saamin.

March 7, 2026...
Ten years na ang nakalipas noong Grade 10 ako, parang kahapon, sabado lang. Pinangarap ko na maging maganda ang aking buhay, masayang pamilya na apat ang anak, tatlong lalake at nag-iisang babae, dreamjob ko na maging waiter, basta sapat sa gastusin masaya na ako. Pero di ko naabot ang pinangarap ko, andito na ako sa rooftop ng isang condominium, kakatapos lang maligo at ngayo'y magpapakamatay na.

RANDOM POSTWhere stories live. Discover now