ANO

67 1 1
                                    

Umaga na pero wala paring gising.
di parin dumadaan ang nagtitinda ng pandesal
di ko alam na ako'y nakatulog sa aming sala,sa lapag
pag kakita ko sa kwarto ay natutulog sila ng nakikita
ang mga pribadong bahagi ng kanilang katawan,
babae ba ang mga taong ito? at kinulayan pa nila ang aming
kama ng pula.
.
Ako'y lumabas ng bahay ngunit tulog ang mga kalaro ko
may mga tao pang nakahandusay sa daan,lasinggero nga talaga.
Ang tahimik ng paligid,mga sirang bahay,nasusunog at iba pa
wala akong nakitang hayop, at ako'y nagtataka.
lumapit ako sa isang poste na may nakapaskil na papel
"Parang kilala ko ito" sabi ko. Naaninag ko ang mukha ko sa
isang matubig na bahagi ng aking tinatapakan at balik ang tingin
sa paskil."Ako ito ah?" sabay hawak sa aking pisngi.
.
"ANO BA ANG GINAWA KO?"


RANDOM POSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon