Chapter 39

214 2 1
                                    

Chapter 39

KATHRYN'S POV

Nagising ako, madilim na pala. Tinignan ko kung anong oras na.. It's 10:00PM.

Ang himbing pala ng tulog ko.

Tumingin ako sa gilid ko. Wala, wala si DJ. Napatayo tuloy ako.

Tumingin ako sa salamin, ang gulo ng buhok ko. Hahaha.

Kukuha sana ako ng suklay, ng mapansin ko yung necklace, katabi nito.. I still remember this. Eto yung pearl necklace na binili sakin ni DJ noon sa Palawan. Sa pagkakaalala ko, nawala ko yan eh. Nasa kanya pala? Nahanap niya?

Hinawakan ko ito. Napangiti ako. Tumalikod ako para makaupo sa kama ng may mapansin ako.

Napakabulag ko.. Kung sabagay, antok na antok parin kasi ako kaya di ko napansin yung boquet of yellow roses sa kama at mga petals nito all over the floor. May mga kandila rin sa bawat sulok ng room. Naiwan kasing nakabukas ang ilaw kaya di ko napansin. I decided to close the lights, wow! Ang ganda tignan. Napakaromantic kahit hindi siya red.

Ano naman kayang pakulo ito? Umupo ako sa kama at inamoy ang mga roses. Naagaw ang atensyon ko ng mahulog ang necklace sa floor na kani-kanina lang ay inilapag ko sa gilid ng kama. Pinulot ko ito, pero may nakita na naman ako. SHOCKS! Stilettos! My gosh!

Ang ganda, yellow, white and gold ang kulay niya. Grabe! Parang nakaramdam na ako. Kapag may shoes, malamang may dress rin diba? Patakbo akong pumunta sa closet. And to my surprise, meron nga! Golden white siya na dress, above the knee ang haba pero elegant at formal tignan. Hindi kaya manakaw ako nito? Hahaha. Gold na gold ako.

May katabing letter ang dress. Si DJ.

Hi my Princess, 

Do you liked it? Ikaw lang ang may ganyan. Talagang pinasadya ko para sa'yo.. Suotin mo yan ah, as soon as you have read this letter. I love you. :*

Agad akong naligo. Pagkatapos ay binlower ko ang buhok ko. Ng matuyo ay inipitan ko lang ng clip sa gilid. Sinuot ko ang dress at stilettos. Humarap ako sa salamin at isinuot ang pearl necklace. Bagay na bagay sa suot ko, white rin kasi ang kulay nito.

Agad akong bumaba ng hagdan. Napasimangot ako sa naabutan ko. Nakapatay lahat ng ilaw. Whut?!

"DJ?"

Wala akong marinig na boses or sound man lang. Pinagbubuksan ko ang lahat ng madaanan kong ilaw. Nasaan kaya yun? Ilang minuto rin akong naghanap. Eh wala naman siya eh. Anong trip niya? Pabadtripin ako?! Well, successful siya! Naiinis na ako! Hmp!

I decided to go sa likuran ng bahay para magpahangin. Iiih. Creepy.

Wala ni isang ilaw ang nakabukas. Ano ba yan! Naiinis na ako.

Tumalikod na lang ako at pabalik na sana sa loob ng bahay ng lumiwanag ang paligid.

Wow.

Puro yellow, white and gold ang buong likuran ng bahay! Napatulala ako sa ganda. Grabe! Siya lang gumawa nito?

Napansin kong may mga kandila na nagsisilbing pathway papunta sa pinakalikod ng bahay. Yung kaninang kinakatakutan kong puntahan. Dahan-dahan akong naglakad, bigla na lang tumugtog yung 'A Thousand Years' ni Christina Perri.

OMG. One of my favorites.

Hanggang sa makarating ako, may nakatayong lalaki na nakatitig sakin. Ang gwapo niya talaga, he's wearing coat and tie. Hahaha. Infairness, mas naging hot ang look niya. HAHA.

Lumapit siya sakin with a big grin on his face. Hinatak ko ng mahina yung tie niya at inayos yun. Magulo kasi.

"Ikaw huh." Bulong ko.

Loving You For The Second Time Around [Completed]Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu