Chapter 20

311 5 0
                                    

Chapter 20

DANIEL'S POV

Ang aga ng gising ko ngayon.. Aba syempre, dapat lang! Ngayon kasi laban namin eh! Saka may susunduin pa ako, si Julia. Magdedate kasi kami.

HAHAHAHHAHAHAH! JOKE LANG!

Syempre si Kath. Mahirap na. Baka maunahan pa ako nung King Kong na mukhang tambutso na yun! Sinuot ko na ang disguise ko.

Nga pala. Kinausap ako kagabi ni Tine about dun sa pagkalat ng katauhan ng ex-girlfriend ko. Ay grabe! Inaaway nila si Kath! Kailangan ko na talagang gumawa ng paraan as soon as possile. -_- Buti na lang at hinack ni Ella yung Twitter ni Kath, kundi! Baka abutin ang bahay namin ng baha dulot ng luha ni Kath. Ayaw na ayaw niya kasi sa lahat eh yung napagsasabihan siya at ang pamilya niya ng masasama. Lalo na kung hindi totoo.

Worried na worried ako kasi baka maibalita na yun sa TV. Alam niyo naman ang mga reporters ngayon. Lahat ng anggulo, gagawan ng issue basta may masabi, may maireport, may masiraan. -____-

Sumakay na ako ng kotse at nagdrive papunta kila Kath. Nagpark ako sa tapat ng kapitbahay nila at dinial ang number niya.

*Call*

"Hello? DJ?" Kath.

"Hi Kath! Good morning!" Masigla kong bati.

"Ahmm. Good morning. Bakit ka napatawag? Do you need something?"

"P-pwede ba akong pumunta sa bahay niyo?"

"Ha? Ano namang gagawin mo dito?"

"Sagot ang hinahanap ko, hindi tanong."

"Ano nga kasi?"

"Yes or no muna."

"Ano muna?"

"Kath.. Yes or no muna. Please?"

" *sigh* Okaay. Yes.. So sagu--"

*CallEnded*

"YESSS!!!"

Ako na mismo ang nag end. XD Sorry Kath.

Inabante ko lang ng ilang metro ang kotse at tadah! Nasa tapat na ako nila Kath. Agad-agad akong nag door bell.

Pinabuksan ako ni tita Min at bineso ko siya.

"Bakit ang aga mo, DJ?" Tanong ni tita.

"Susunduin ko po si Kath." Sagot ko naman. Maglalakad na sana akong magsalita ulit si tita.

"Si Dom na ang maghahatid sa kanya eh. Nakapagpaalam na. Naunahan ka na." Tita Min.

"Huh?! Tita? Weh?" Tanong ko.

"Oo. Andun nga sila sa loo--Oh ayan na pala sila!" Tita Min.

Lumabas na si Kath at si King Kong na mukhang tambutso. Nakasunod naman yung Sweetheart sa kanila.

"Oh diba. Mukha silang perfect family." Bulong sakin ni tita Min.

"Huh? Kadiri kaya tita! Hindi sila bagay!" Bulong ko rin. Natawa na lang si tita.

"Anong pinag-uusapan niyo ni mama?" Tanong ni Kath.

"Yung kasal natin." Sagot ko.

"Huh?!!" React nila. LAHAT SILA.

"Joke lang!!! Hahahah! Joke lang tita! *giggle*" Nagdeath glare sakin si Tita... Pati si Kath.. Pati si King Kong na mukhang tambutso.

Ano ba yan.. -___-

"Tara na nga Dom! Baka malate pa ako eh." Aya ni Kath at nagpaalam na kay Tita Min. Lumabas na sila ng gate.

"Teka Kath!" Habol ko.

Loving You For The Second Time Around [Completed]Where stories live. Discover now