Chapter 19

271 3 0
                                    

Chapter 19

KATHRYN'S POV ( THE NEXT DAY )

Wiie! Excited na talaga ako para mamaya! Nainform kasi ako ni Dom na ngayon na ang uwi nila! Yehey! Pero practice muna kami sa umaga. Half day lang kasi kami ngayon dahil nga bukas na ang laban. Kailangan daw naming magpahinga at mag-ipon ng lakas para sa kinabukasan. Pero sorry sila, makulit ako. Kaya ako na ang nag resist na sunduin sila sa airport mamaya. Saka wala rin kasi silang relatives dito, lahat nasa States kaya kailangan ko silang i-accompany.

"Bes! Ready na daw!" Sigaw ni Ella sakin. Andito kasi ako sa court. Wala lang. Nakatunganga. Hinihintay si Ms. Conney.

Ayaw niyang malate kami pero siya mismo, LATE. Nakakainis ba yung ibang teachers na ganun. -____-

Tumayo na ako at nagsimula na kaming mag practice. Pansin ko lang, wala pa yung mga basketball players ah.

Tapos si DJ, hindi nagparamdam kaninang umaga, ni hindi ko pa nga nakikita eh. Dati-rati naman, parang tuko yun kung makakapit sakin. Pero ngayon? Walang signs ng aging. Oo, nakakastress kasi yung kakulitan niya eh. Binibigyan lang ako ng wrinkles. Kabata-bata ko pa eh--

"Ouch!!!" Sigaw ko.

Napa upo tuloy ako. Natamaan kasi ako ng bola. Aish. Bakit ba kasi kung saan-saan ako nakatingin? -___-

"Huy? Okay ka lang?" Tanong ng kateam mates ko. Nag nod lang ako at tinulungan nila kong tumayo.

"Hay Bernardo!! Bukas na ang laban! Focus!!! Ikaw ang pambato namin eh!" Sigaw ni Ms. Conney sakin.

Ay ganun? Parang sabong lang. -____-

"Huy bes. Anong problema? Parang may hinahanap ka kanina pa ah." Bulong ni Ella.

Ha? Ako? May hinahanap? Meron ba? O.o

"Wala ah!" Sagot ko.

"Baka busy lang ang boyfie mo. Mamaya mo na hanapin." Ella.

Ha? Siya ba? Siya ba yung hinahanap ko? Di ah. -____-

Napailing na lang ako at nag focus na sa paglalaro.

--

"Okay! Tapos na ang practice! Pwede na kayong umuwi! Magpahinga ha. Magpahinga." Ms. Conney.

"Opo." Sagot namin. At nag paalam na kami sa isa't-isa.

Bahala na bukas. Haha!

Syempre magkasama kami ngayon ni bes. Kami lang kasing varsity ang half day. Since yung mga kaibigan namin ay hindi, kaya whole day sila.

"Hay bes! Kinakabahan ako para bukas, grabe lang!!!" Sabi ko. Totoo naman eh.

"Ako rin eh.." Ella.

....SILENCE....

"Aaayyyyy! Ayan na sila!!!" Girl 1.

"OMG!!! Ang gwagwapoooooo!!!" Girl 2.

Napatingin tuloy kami ni bes. Andami ng tao sa basketball court. Siguro ngayon palang magprapractice yung mga players sa basketball. At yung mga babae, wagas makatili. Rinig namin eh. Medyo malayo kasi kami ng konti sa court.

"Hala. Wala na talaga si #54!" Girl 3.

"Pero wait!!! Balita ko may pumalit!! Goshhh!" Girl 4.

"Oo nga!!! Si #26!!!!! Ayy! Grabe! Ang cute eh!!" Girl 5.

"#26?" Sabay naming bulong ni bes.

O.o

"Bes! Tara nga!" Sabi ko at hinila siya patakbo ng court. Mas narinig namin ang mga bulungan. At dahil maraming tao, nakipag siksikan kami.

Loving You For The Second Time Around [Completed]Where stories live. Discover now