Chapter 23: Night 7

43.9K 1.7K 812
                                    

Chapter 23: Night 7Raven

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Chapter 23: Night 7
Raven

Ang isa sa mga inaalala ko sa larong 'to ay si Owen. Alam ng lahat na si Owen ang ace player namin. Siya ang pag-asa naming para makaalis sa lugar na ito.

"Sa kwarto muna ako," Sabi ni Owen at naglakad na paalis sa restaurant. Isa ito sa napansin ko sa kanya buhat nung namatay si Caleb, he isolated his self from others.

"Sobra talaga siyang naapektuhan," Sabi ni Mario. "He should get over with it soon, baka tuluyang kainin ng galit si Owen."

Hindi ko na kaya ang mga nakikita ko, hindi ko na kayang maupo na lang at walang gawin lalo na't alam kong magulo na ang sitwasyon namin. "Wait, susundan ko si Owen." Tumayo ako at naglakad palayo sa kanila.

Tinignan ako ng lahat ng mga players habang mabilis akong naglalakad tungo sa hotel. Narinig ko pa ang pagpigil sa akin ni Mario at Crystal pero hindi naman namin pwedeng pabayaan si Owen sa gano'ng sitwasyon.

"Owen!" Kumatok ako sa kanyang pinto. Umabot din ng isang minuto ang pagkatok ko sa kanya bago niya buksan ang pinto.

"Anong kailangan mo?" Tanong niya sa akin pero pumasok muna ako sa kanyang kwarto. "Rude." Isinara niya ang pinto.

"Owen ayos ka lang ba? 'Wag mo namang hayaan na kainin ka ng galit dahil lang sa pagkamatay ni Caleb," Sabi ko sa kanya.

"Mukhang wala na akong magagawa kun'di i-explain ang lahat sa tangang kagaya mo," Sabi ni Owen at umupo sa kanyang kama... He's back with his usual self.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Lahat nang nakita mo kanina... Lahat ng inakto ko kanina, it was only an act. Of course hindi agad iyon maiintindihan ng tulad mo." Sabi ni Owen, naguguluhan ako. Bakit niya kailangang umarte?

"Bakit mo naman kinakailangang gawin ang bagay na iyon?" tanong ko sa kanya.

"The killers want me to see falling on my own despair, they want to see me devastated... Ibinigay ko lang sa kanila kung ano ang gusto nilang Makita." Wika ni Owen... Ibig sabihin, alam niya ang mga plano ng killers?

"Pinatay nila si Caleb para makita nila akong magalit. Gusto nilang makita ang mga ia-akto ko sa oras na mawala si Caleb, siguro iniisip nila na ang tanga-tanga ng isang Owen."

"Kung gano'n it's all part of a big plan?"

"Yup. Plano nilang patayin si Caleb para mahuli ako... Plano kong gamitin ang plano nila para mahuli sila. As easy as that." Sabi niya sa akin.

"Alam mo kasi Raven. This is not only a battle for lives... This is a battle of manipulation, and battle of brains. Paggalingan 'to sa paggamit ng mga tao, paggalingan 'to sa pag-arte, at paggalingan 'to sa pagpapaniwala sa ibang tao," Wika sa akin ni Owen.

"Kilala mo na kung sino sila?"

"Not yet... Pero mabibigla ka na lang sa mga susunod na pasabog ko," Sabi sa akin ni Owen. "Sa ngayon, sakyan mo na lang muna ang pag-arte ko."

Killer GameWhere stories live. Discover now