Chapter 1: Unknown Lady

126K 3.6K 1K
                                    

Chapter 1: Unknown LadyRaven

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 1: Unknown Lady
Raven

Bwisit! Umagang-umaga ay hindi na naging maganda ang mood ko dahil sa sunod-sunod na bill na dumating sa amin. Nagpadala na rin ng sulat ang school kong pinag-aaralan tungkol sa tuition fee na hindi ko pa nababayaran.

Araw ng linggo ngayon at matutulungan ko ang aking mama sa paglalaki ng paninda... Tanging mama ko na lang ang bumubuhay sa aming dalawa ng kapatid ko gamit ang pagtitinda ng mga kakanin sa daan.

"Mukhang mapipilitan kang mag-stop muna sa pag-aaral Raven," Sabi sa'kin ni mama. Iyan ang mga salitang ayokong marinig sa kanya. Sino ba namang matinong estudyante na gustong tumigil sa pag-aaral right?

"Okay lang 'ma," Pero hindi talaga iyon okay.

"Salamat anak at naiintindihan mo. O sige tulungan mo na ako ilako ito, ikaw doon sa may parke at ako naman dito sa palengke." Hinati ni Mama ang panindang kakanin at kinuha ko naman ang kalahati.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at pagsisigaw. Wala naman akong ibang magagawa, kailangang kumayod ng kumayod. Hindi mo lubos maiisip na ang isang labing pitong taong gulang ay gumagawa ng ganitong bagay.

Kahit pa sabihin na isang State University ako nag-aaral, mahirap pa rin sa'min mabayaran ang tuition fee. Iba talaga si Lord... Ang mga mayayaman lalong yumayaman, samantalang ang mahihirap ay lalo niyang niluluklok sa hirap.

Minsan nakakapagod din gawin ang daily routines mo sa buhay. I want something new, para bang naghahanap ako ng thrill sa buhay.

Sa dalawang oras kong paglalako ay naubos na agad ang dala-dala kong kakanin at kumita ako ng tatlong daang piso. Sapat lamang iyon pambili ng mga pangangailangan namin at pambayad sa utang.

Noong naubos ko na ang aking mga paninda ay nakangiti akong naglakad sa isang makipot na daan. Shortcut kasi ito mula parke patungo sa palengke.

Habang naglalakad ako ay isang tinig ang narinig ko galing sa isang tindahan. Maliit na tindahan lamang ito.

"Hijo!" Pagtatawag sa'kin ng isang babae na sa tingin ko ay nasa early 40's ang edad. Naglakad ako palapit sa kanya. "Mayroon ka pa ba nang tinitinda mong kakanin?"

"Ay pasensya na po, naubos na po kanina sa pag-iikot ko sa parke," Tipid kong sagot.

"Sayang naman, mahilig pa naman ako sa kakanin... Ikaw ba yung anak ni Lorna?" Pagtatanong niya sa'kin. Siguro ay suki ito ng aking mama kaya naman kilala niya ito.

"Ah! Opo" Nakangiti kong sagot sa kanya.

"Naikuwento sa'kin ng nanay mo na sunod-sunod na ang gastos sa pamilya niyo."

"Oo nga po, kaya nga po tumutulong na rin ako sa pagtitinda para matulungan si Mama e," Sagot ko sa kanya.

"Anak baka naman interesado ka rito. Simple lang lalaruin mo lang yung game tapos malaking prizes ang pwede mong makuha," Sabi niya sa'kin at may ipinakitang papel. Para itong register form sa kung ano man.

"Ay 'wag na po." Sagot ko. Ayoko naman din maging ganoong kadesperado.

"Anak malaki ang premyo rito sumali ka na. Hindi naman ganoon katagalan ang laro dahil tatagal lang ito ng almost 15 days. Kapag natapos mo ay makakapag-uwi ka ng malaking pera. Kapag natalo ka naman, mayroon pa ring consolation prize."

Ilang beses akong tumanggi ngunit masyadong mapilit ang matandang ito. "Wait lang po pag-iisipan ko po muna hindi naman po kasi basta-basta 'yang pag-re-register d'yan," Sabi ko.

"Wala rin naman mawawala kung magsa-sign ka, walang mawawala pero pwede kang makakuha ng pera. Alam kong kailangan mo ng pera para sa pag-aaral mo, pambayad niyo ng utang, pambayad sa mga bill, at araw-araw na gastusin."

"Teka paano niyo po nalaman?"

"Naikwento na sa'kin ng nanay mo"

Pinag-isipan kong mabuti ang kanyang sinabi bago ko isinulat ang aking pangalan doon sa papel.

Name: Raven Alva
Age: 17 Years old

Ilan pang personal information ang tinanong kasama ang contact information at address. Sa huli ay pumirma na lang ako as an agreement daw ako na mag-participate sa laro.

"Mabuti naman kung ganoon hijo. Ako na ang bahala magpasa nito sa event manager. Sisiguraduhin kong hindi ka magsisisi sa pagsali sa laro." Huling sinabi ng matanda bago ako naglakad palayo.

Naglakad ako patungo sa may palengke at kung saan lagi nakapuwesto si mama. "Anak and'yan ka na pala. Naubos mo na yung mga binigay ko sa'yo?" Pagtatanong niya sa'kin.

Inabot ko sa mama ko ang kinita kong pera. "Opo ma, dapat pala doon ka na muna pumipuwesto sa parke kasi doon maraming tao," Tinignan ko ang mga tinitinda ni Mama at kahit papaano ay kaunti na lang iyon.

"Gusto mo tulungan na kita ma?" Pagtatanong ko.

"'Wag na, umuwi ka na lang sa atin at kuhanin mo yung pera na nasa ilalim ng aking unan upang bayaran ang tubig na'tin." Sabi ni mama.

"Ma, nakausap ko yung matandang kaibigan mo doon sa may makipot na daan papunta rito sa palengke. Kinuwento mo pala sa kanya yung tungkol sa mga utang na'tin," Sabi ko.

"Makipot na daan?" Naguguluhan niyang tanong.

"Opo! Doon sa may shortcut mula sa parke papunta rito sa palengke,"

"Anak hindi pa ako nakakadaan doon. Wala akong kakilala banda roon." Sa sinabi ng aking mama ay bigla akong naghinala sa may matanda.

Killer GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon