Chapter 4: Tactics

64K 2.3K 707
                                    

Chapter 4: TacticsRaven

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Chapter 4: Tactics
Raven

After nung announcement na naganap, ewan ko pero na-weird-an ako bigla sa mga kasama ko. They all become more sociable.

"Hello my name is Stacy, ikaw?" Pagtatanong sa akin ng isang babae. Mukhang may lahing german ito dahil sa maputi nitong kulay na balat at natural na brown na buhok.

Tipid akong ngumiti sa kanya. "Raven," Sagot ko sa kanya at kinamayan ko na lamang siya.

Siguro naging mas sociable sila dahil na-excite lang silang makakilala ng mga bagong tao. Almost 15 days din naman kami magkakasama.

Umupo ako sa isang upuan at pinagmasdan ang lahat. Napadako ang tingin ko kay Crystal at masaya na siyang nakikipagkwentuhan sa ibang babaeng players. Noon pa man ay magaling na talaga makisama sa ibang tao si Crystal. It's one of the traits na gusto sa kanya ng maraming tao.

"Bakit hindi ka makipag-usap sa iba? Raven ang pangalan mo right?" Pagtatanong sa akin ng isang lalaki. Inisip ko ang kanyang pangalan dahil kakapakilala lang nito kanina.

“Phil, right?” Simpleng tango ang nagging tugon niya sa akin. “Medyo naninibago lang siguro ako.”

“Kung ako sa’yo, bibilisan ko ang pag-a-adjust dahil karamihan ditto ay gumagawa ng tactics para makatagal sa laro,”

"Tactics? Eh parang introduce yourself nga lang ang nangyayari sa ngayon eh." Nakangisi kong sabi sa kanya. Well it’s base on my observation.

“Kung titingnan mo siya ay parang simpleng introduce yourself lamang ang nagaganap pero may hidden agenda ang mga ‘yan,” Tumingin siya sa akin at nakita niyang naguguluhan ako. “Alliance. May nabubuong alliance,”

"Alam mo kasi kapag dumating ang trial phase at bigla kang nadiin na ikaw ang killer, sa tingin mo sino ang magtatanggol sa'yo?"Dugtong niyang tanong.

"Mga magiging kaibigan ko?" Unti-unti nang lumilinaw ang lahat.

“Kung nasa normal tayong sitwasyon ay tatawagin mo itong friendship but we’re on a survival game. Kailangan mo ng alliance para makatagal sa lugar na ito. Gagamitin mo sila at gagamitin ka nila,” Ang tagal bago ko naintindihan ang lahat. Hindi ito isang simpleng pagpapakilala lang, they are forming an alliance.

"'Wag kang masyadong maniwala sa kung ano ang mga nakikita ng mata mo. Lawakan mo ang isip mo" Sabi ni Phil at tinapik ang aking likod bago siya naglakad palayo. Hindi man lang ako nakapagpasalamat sa kanya sa ginawa niyang pagpapaunawa sa akin.

Killer GameWhere stories live. Discover now