Chapter 55:Mafia Boss

4.2K 114 0
                                    


She knocked three times. Nauna siyang napasok kaya naiwan ako sa labas.

Sandali siyang nawala. Ilang minuto rin ang lumipas. Pinapasok niya ako sa loob.

May sampung armadong lalaki sa loob. Nasa gitna ang sugatang matandang na nakatali sa upuan.

Alam kong ang matandang sugatan ay lolo ko. Matapang pa rin siya kahit nahihirapan. Dumudugo na ang tama ng suntok sa mukha niya.

I tried to control myself. Pinipigilan ko ang sarili kong ikasa ang baril ko at patayin silang lahat.

"Welcome! What's you're name again?"tanong ng pinuno.

"Luke Russell Crow"pang lalaking boses ang ginamit ko.

"What a nice name. I will test your royalty to us"kumuha ito ng baril sa mesa.

"What kind of test?"medyo kinabahan ako. I tried to compose myself. Tinalasan ko ang pakiramdam.

"I need you to kill the man right there"itinuro niya ang lolo. I can see horror in his eyes.

Sandali akong natigilan.

Ikinasa ko ang baril.
"The pleasure is mine"itinutok ko sa pinuno ng grupo ang baril at pinaputok.

Nabuwal siya sa lupa. Gumanti ng putok ang mga alipores niya. Hindi na ako nagsayang ng panahon.

I fired my bullets at them. Walang buhay na nabuwal silang lahat. Napatulala ang matanda sa ginawa ko.

Kinalagan ko ang tali niya.

"Bakit mo ako iniligtas?"tanong niya sa akin ng palabas na kami ng pinto.

"This is not the place to discuss those things"nagmamadali ko siyang hinila palabas. Nilapitan ko ang Fire Alarm.

Binutas ko iyon gamit ang baril ko. Ilang sandali pa nag iingay na ang alarm.

Tumakbo kami sa kotse ni Klein. Nang masiguro kong nakalabas na lahat ng tao sa building, pinindot ko na ang buton.

Ilang sandali pa ay sumabog na ang buong building. I set up bombs everywhere near and inside the edifice.

Kailangang sunugin ang pagawaan ng droga. Ilang tonelada ang magagawa gamit ang mga materyales sa loob.

It's much better to prevent things from happening. Marami ang masisirang buhay ng droga kaya habang maaga kailangan niyong masugpo.

Pagod na tinignan ako ng lolo.

"Sino ka ba talaga? If you didn't come maybe I'll might be a cold corpse by now"tanong niya. Nakasandal siya sa upuan.

"I'm your grandaughter"I said sternly while looking at him. Kinuha ko ang salamin ko.

"Vienesse?"niyakap niya ako nang makita niya ang buo kong mukha. I had a big resemblance to my mom.

"I wasn't expecting it was you who would saved me of all people from sudden death! How did you? Ano ba ang trabaho mo noon?"sunod sunod na tanong niya. Astonishment is in his eyes.

"I work as an Agent/Assassin"I confided in him.

"You have all the qualities and capabilities of a good Mafia Boss"napangiti ito sa nasabi.

"A Mafia Boss?"kumunot ang noo ko. Matagal ko nang gustong maging Mafia Boss. But hindi ko alam kung paano? I don't know how and when to start. There's one thing I know I'll never blew this chance

"Gusto kong ikaw ang pumalit sa akin na maging Mafia Boss. But there is one catch"sabi niya habang ginagamot ang mga sugat.

"May ipapagawa muna ako sa iyo"Nginitian niya ang sarili.

Ngayon pa lang hindi na maganda ang pakiramdam ko sa ngiti niya iyon.

My Lady ButlerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon