Chapter 38:His Son

5.2K 117 0
                                    


Chapter 39

Masayang masaya ang lahat. Araw iyon ng pagkakahirang na pinuno ni Reeve.

Si Mendev ang nagluto ng lahat ng pagkain. May mga dala ring prutas na ani ang mga taga bayan.

Bakas sa mukha ng lahat ang saya. Lumaya na ang mga ito sa kalupitan ni Aniston. Unfortunately, nakatakas si Fleance.

But she is not on my concerns right now. I can still feel the agony of Reeve despite the fact na maayos na kami.

Is he still longing for dad?

Tinapik ko siya sa balikat.

"Bakit ka na naman nalulungkot?"tanong ko sa kanya at umupo sa tabi niya.

"Hindi"natingin siya sa kawalan.

"Reeve alam kong gusto mong makita si Daddy. Alam kong may mga pagkukulang siya sa iyo. Maybe magpapaliwanag siya bukas or sa isang araw but now wag muna nating isipin ang problema"may iniabot ako sa kanyang wine glass.

"Let's drink to that"masayang sabi niya sa akin. Nagkakasayahan sa labas.

"Pwede ba akong mang gate crash sa party niyo?"may nagsalita sa likod namin. Sabay kaming napalingon.

It was daddy.

"Can I talk with you Reeve?"nagulat si Reeve. Mukhang hindi niya ito napaghandaan.

"Sige po"pinaunlakan niya iyon.

Reeve's POV

It took me by surprise that he came. Akala ko para kay Klein.

"It took me days to realize na tanga ako para hindi ka tanggapin bilang anak. Siguro natakot lang ako. Kung hindi pa ako sinubatan ni Klein sa telepono siguro hindi ko marerealize na hindi lang siya ang anak ko. Mapapatawad mo pa ba ako sa kasalanan ko? Anak?"mahabang paliwanag niya. Tumulo ang luha niya.

Nagbabadyang tumulo na rin ang luha ko.

Pinuksan ko ang mga bisig at inaya siyang yakapin ako. It was like a wish come true.

Na ang amang hinahanap ko. Narito na ngayon sa harap ko, kayakap ko.

"Napatawad ko na po kayo, Dad"niyakap ko ulit siya.

Pumasok si Klein sa kwarto.

"Group hug!"yaya niya sa amin.

We complied. Pumasok si Vienesse na may dalang kamera.

"Say cheese"sabay click niya sa kamera. Making sure to capture the precious memory.

"Lumabas na tayo. Inihahanda na ang fire works"sigaw ni Mendev sa amin.

Nag unahan kaming lumabas.

Nagputukan ang tila bituing tanawin sa kalangitan. Kumuha ako ng litrato.

"They're beautiful just like you"banat ko kay Vienesse. Napasimangot ito.

"Ang corny mo ha?"pigil nito sa tawa. Kuntento itong umupo sa tabi niya.

Hinigit ko ang ulo niya papunta sa balikat ko.  May narinig akong mahinang click sa likod.

Kinuhanan iyon ng larawan ni Mendev.

"I love you, you're the most precious thing that happened to me"namula ito sa sinabi ko.

"I love you too kahit trapong trapo na ang linyang iyan. Wala ka bang bago?"pang aalaska niya.

Tumakbo siya pagkasabi niyon.

Naabutan ko siya sa hagdan.

Hinapit ko siya at pinarinig ang tibok ng puso ko.

"Narinig mo iyon? Ikaw lang ang isinisigaw niyon Vienesse ikaw lang"hinapit ko siya at hinalikan.

Pinahidan niya ako ng uling sa mukha. Nagluluto siya kanina ng inihaw. Hindi sinasadyang nalagyan ang kamay niya.

"Ang daya mo! You'll gonna pay for this!"hinabol niya ko siya at kiniliti.

"Okay, suko na ako brat!"hindi niya mapigilan ang tawa at pinihadan na naman ako.

My Lady ButlerWhere stories live. Discover now